Chapter 14

3.5K 63 5
                                        

Sean's POV

Sinabi na sa akin ni Zoey yung tungkol sa bakasyon namin. Sila papa naman daw bahala sa hotel na pag stay-an namin. Ang dami nilang pera ah? Saka atat na atat naman ata silang magkaapo? Seryoso guys hindi ko alam kung paano ginagawa yung ano....alam niyo na yun kunwari pa kayo. Virgin pa kasi ako. Hahaha!

"Ready na pala eh. Tayo nalang hindi" sabi ko kay Zoey

"What do you mean?" she asked.

"Kailangan natin mamili. Kaya tara na" sabi ko at hinila ko na siya.

"May magagawa pa ba ako? Gora na!" masiglang sagot niya.

Pumunta kaming MOA at dun nalang kami mamimili.

"Ano ba mga kailangan natin dalhin?" tanong niya sa akin.

"Konting food lang saka kung ano pa pwede" sagot ko.

"Grabe ha? Food pa talaga konti? Why o why?" sabi niya at inirapan ako.

Humarap ako sa kanya at hinawakan ko yung mukha niya "Dun nalang kasi tayo bibili ng foods. Hindi naman kita hahayaan magutom eh" sabi ko at pinisil ko yung pisngi niya.

"Oo na! Di ka naman mabiro" sabi niya.

Naglakad lakad na kami hanggang sa pumasok si Zoey sa isang shop ng sapatos. Vans pala.

"Sean maganda ba?" tanong niya sa akin.

"Oo naman. Wag mo sabihin bibili ka nyan? Ang dami mong shoes sa condo" sabi ko sa kanya.

"Daliiii na. Collection ko to eh. Bibilhan din kita. Para pareho tayo. Please isa lang?" pagmamakaawa niya.

"Osya! Hindi naman kita matitiis eh. Sige na bilhin mo na" sabi ko sa kanya.

"Oh sukatin mo to" sabi niya at inabot niya sa akin yung sapatos na katulad nung kanya.

"Seryoso ka?" tanong ko.

"Oo mukha ba akong nagbibiro?" tinulak niya ako hanggang sa mapaupo ako sa may upuan. At kinuha niya sa akin yung sapatos saka niya ito sinukat "Kasya lang ba? Hindi masikip, hindi maluwag?" tanong niya sa akin kaya umiling nalang ako.

"Okay. Bayaran ko na sila" sabi niya at umalis na.

Sa totoo lang wala akong hilig sa vans kung nike pa yan pwede pa eh. Pero sa kanya naman galing kaya pwede na rin. Saka pareho kami ha? Couple shoes ganon.

Pumasok naman kami sa forever 21. Ewan ko ba dito kay Zoey. Hindi ako nainform na hindi lang pala pagkain gusto nito. Favorite din pala niyang magshopping.

"Zoey ang dami na nito" pag awat ko sa kanya.

"Shut up Sean. Ikaw wala kang balak bumili?" tanong niya sa akin.

My Playboy HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon