Chapter 11

3.8K 66 11
                                    

Zoey's POV



"Miss me?" sabi niya sa akin.



"Miss your face" pagtataray ko sa kanya



"Hindi ka pa rin pala nagbabago. Maldita ka pa rin" sabi niya sa akin.



Siya si Alex Park. Yes, korean siya na lumaki dito sa Pilipinas. Isa lang naman siya sa mga lalaking nakipaglaro sa feelings ko. Syempre ako pa rin ang nagwagi dahil sa huli siya rin yung nasaktan. Hindi niyo ako kilala. Mabait ako pero isa akong heartbreaker.



"Ikaw nagbago ka na ba? Matino na ba buhay mo?" tanong ko sa kanya at nag ayos na rin ako ng gamit.



"Malapit na.." sabi niya habang nakatitig sa akin.



"Sorry Alex pero kung wala ka naman sasabihin importante makakaalis ka na" sabi ko sa kanya at tumayo na.



"Bakit may lakad ka?" tanong niya sa akin



"Bakit masama?" tanong ko rin



"Balita ko kasal ka na?" tanong niya



"Oo kaya tumigil ka na" sabi ko at lumabas na.



"Anong gagawin ko ikaw pa rin talaga eh" sumunod pala siya sa akin



"Mag move on ka" sabi ko at hinarap ko siya..



"Wala ka ba talagang naramdaman sa akin? Hindi mo ba talaga ako minahal?" tanong niya sa akin



"Hindi" mabilis na sagot ko at tinalikuran ko siya.



Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Pero mas lalo akong nagulat ng makita ko si Sean. Inalis ko yung pagkakayakap niya sa akin at sinampal ko siya.



"Zoey please"



"Sorry Alex.... Kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo"



"Maghihintay ako Zoey"



My Playboy HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon