Chapter 12

3.6K 81 6
                                        

Zoey's POV


Pagkagising ko wala agad si Sean maaga naman akong nagising ah? Baka pumasok na! Ang sipag naman niya ngayon? Hays! Naghanda na ako ng almusal ko at kumain na. Pagkakain ko nag ayos na ako ng sarili at umalis na.


"Maam kanina pa po nandyan yan eh. Hinihintay po kayo" sabi sa akin nung bodyguard.


"Sige papasukin niyo" sabi ko


"Good morning" bati niya sa akin at ngumiti. Oo gwapo si Alex pero mas gwapo si Sean.


"Ano bang ginagawa mo dito?!" sigaw ko sa kanya pagkapasok ko sa office ko.


"Dinadalaw ka"


"Hindi ko kailangan ng dalaw, so please?" sabi ko sa kanya ng maalala ko yung kagabi... Kasama niya yung babaeng bitch na yun. Si Alex ba talaga yun o baka naman kamukha lang niya?


"May problema ba?" tanong niya sa akin


"Nasaan ka kagabi?" tanong ko sa kanya


"Nasa ma-- nasa bahay lang" nauutal na sabi niya.


"Bakit ganyan ka magsalita? Baka nga hindi ikaw yung nakita ko" sabi ko at binuksan ko nalang yung laptop ko.


"Baka nga" sabi niya


"Oh makakaalis ka na" sabi ko


"Ganyan ka ba talaga ha? Wala ka bang pakialam sa akin? Parang wala naman tayong pinagsamahan" sabi niya at hinarap ko siya.


"Ano bang nakain mo at bigla bigla ka nalang bumalik?! Tapos ano? Guguluhin mo buhay ko? Please lang wag ka ng dumagdag magulong magulo na buhay ko" sabi ko sa kanya at hinampas ko siya.


"Tama na Zoey!!" sabi niya at hinawakan niya yung braso ko


"Bitawan mo ko nasasaktan ako!!" sabi ko sa kanya


"Wala na ba talaga akong pag asa?!" sigaw niya sa akin


"Wala!!! Mahal ko na si Sean, okay?!!!" sabi ko at sinampal ko siya.


"Hindi... Wag si Sean..." sabi niya at umalis na


Napaupo nalang ako nung nakaalis na siya. Ngayon lang ako natakot ng ganito... Sa kanya pa? Dati close friends kami ni Alex pero sabi nga nila people changed.


Nag vibrate yung phone ko kaya naman tinignan ko kung sino yung nagtext. Si Marlo pala.


From: Marlo


Zoey kasama mo ba si Sean? Hindi daw pumasok sabi ni tito eh.


To: Marlo


Hindi ko siya kasama... Maaga siyang umalis sa bahay kanina akala ko nga pumasok na eh.


From: Marlo


Ah salamat nalang :) Parang alam ko na kung nasan siya.


Hindi na ako nagreply. Parang alam ko na rin kung nasan siya. Malamang sa favorite place niya. Problema nun?


Sean's POV


Pagkagising ko tulog pa si Zoey. Buti naman! Kailangan iwasan ko na talaga siya kung hindi ako lang ang masasaktan. Umamin na ako sa kanya pero walang nangyari. Ayokong magpakatanga sa taong di naman ako kayang mahalin o sa taong ayaw naman akong mahalin dahil sa pagkatao ko. Dahil sa playboy ako. Kaya ko naman magbago eh pero wala..


My Playboy HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon