Chapter 29

2.3K 47 2
                                    

Zoey's

"Lobby!!!!!!" sigaw ko nung makarinig ako ng isang putok ng baril. Nangangatog na ako sa takot dahil hindi ko makita si Sean.

"Love!" narinig kong sumigaw siya kaya agad na agad akong pumunta kung san yung narinig ko.

Nakita ko siyang nakahiga at ligong ligo na sa sarili niyang mga dugo. Patuloy ako sa pag iyak ng makita ko siya sa ganun kalagayan. Agad agad akong humingi ng tulong at hinawakan ko yung kamay niya.

"Love kapit lang wag mo kaming iwan ni baby" sabi ko sa kanya habang patuloy pa rin ako sa pag iyak.

"Love..Love... Gising love" sabi sa akin ni Sean. Wait what?! Panaginip lang ang lahat?!

Bigla ko siyang niyakap nung makita kong nasa tabi ko siya at masiglang masigla pa.

"Are you okay love? You have a nightmare am i right?" tanong niya sa akin at tumango nalang ako.

"Its okay love. Its just a nightmare. Let's sleep again. I love you" sabi niya at yinakap niya ako ng mahigpit.

Natutuwa naman ako na panaginip lang ang lahat. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko yun. Paano kung dumating yung araw na mawala siya sa buhay ko? Hindi ko ata kakayanin. Pero bat ba ako nag iisip ng ganito? Itutulog ko nalang to.

--kinabukasan--

"Good morning love" nagising ako ng may magandang lalaki agad na bumungad sa akin.

"Good morning lobby!!" masiglang bati ko sa kanya at niyakap ko siya agad at tinadtad ng halik.

"Love tama na yan masyado ka ng sweet hahaha! Tara kain na tayo" aya niya sa akin kaya sumama na ako sa kanya. Food yun eh di ko pwedeng tanggihan.

"Good morning besie!" bati sa akin ni Janelly kaya nginitian ko lang siya.

Nandito pa rin kami sa probinsya dahil naisipan nila na mag stay muna dito. Masyado nga kasing nakakarelax dito. Ibang iba sa Manila.

"Hinahanap ka daw sa Manila, Sean" sabi ni Marlo sa amin.

"Ha bakit?" tanong ni Sean sa kanya.

"Yung about ata sa company nyo. Mukhang kinakalaban talaga kayo nila Misha" paliwanag pa niya.

"Misha nanaman?!" sabat ko.

"Oh chill besie malaglag si baby" awat saken ni Janelly.

"Love hindi ako uuwi dun. Saka uuwi man ako isasama kita. Wag ka ng magselos dyan. Haha" pang aasar pa ni Sean saken. Asar hmp.

"Bahala ka nga" inis na sabi ko. Nagiging moody talaga ko.

"Kailangan na talaga natin umuwi diba bukas balik ni Zoey sa doctor nya?" tanong ni Janelly wow buti pa sila alam sched ko eh no? Hahahaha.

"Oo nga pala! Muntik ko ng makalimutan si Zoey kasi di pinapaalala eh" sabi ni Sean.

"Eh sa nakalimutan ko rin eh" walang ganang sagot ko.

"Wag ka ng beastmode dyan love" sabi niya sa akin.

Sa tuwing naririnig ko kasi yung name na 'Misha' kusa nalang ako naiinis ganern. Maganda naman yung name ang problema kasi panget yung may ari nung name.

"Oy besie wag ka ng gumanyan. Mag ayos ka na at uuwi na tayo ngayon" sabi ni Janelly saken. Bakit ganun parang ayoko pang umuwi?

Pagkatapos kumain nag ayos na ako ng sarili dahil babalik na nga kami sa Manila. Babalik na kami sa magulong lugar. Kasing gulo niya sayo. Dejk.

---Manila---

"Love dyan ka lang sa bahay ah? Wag kang aalis. Alam mo naman. Punta lang ako sa office" sabi ni Sean sa akin.

"Okay love... Teka love! Pwede bang wag ka nalang pumunta? Hindi ba nila maayos yun ng wala ka?" pagpigil ko uli sa kanya.

"Love babalik agad ako promise" sabi niya at kiniss niya yung noo ko at umalis na.

Bakit ganun parang may nafifeel ako na may mangyayari? Hays bahala na nga.

Humiga na ako sa kama at nilibang ko ang sarili ko hanggang sa nakaramdam ako ng gutom. Tumingin ako ng pagkain sa ref pero ayoko nung mga yun! Nag crave ako sa pizza!!

Naisipan kong bumaba muna para bumili ng pizza. Buti nalang talaga may restaurant tong condo namin sa ibaba. Hindi ko na kailangan lumayo. Siguro naman safe ako dito diba?

Pumila na ako sa isang restaurant ng makita ko si Alex. Oo hindi ako pwedeng magkamali si Alex yun. Nakatingin lang siya sa akin pero biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Aalis na dapat ako ng may biglang lalaking humarang sa dadaanan ko at tinakpan ng panyo yung ilong ko hanggang sa unti unti nalang akong nanghina. Pero may isang lalaki eh, isang lalaking nagtangkang tulungan ako pero di niya kinaya. Naramdaman ko nalang na nakatulog na pala ako.

----------

Okay readers malapit na po talaga siyang matapos :) thank you mwa xoxo 💛

NEXT UPDATE: Kapag naging crush na ako ng crush ko. Hahahahahaha

Vote!

Comment!

Enjoy Reading!

My Playboy HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon