Zoey's
"Love let's go!" sigaw sa akin ni Sean.
"Im here!" sabi ko at hinila ko na siya. Ihahatid niya daw kasi ako sa office. Aayaw pa ba ko?
"Oh basta pag may iba kang nararamdaman tawagan mo agad ako ha?" sabi niya sa akin kaya tumango nalang ako.
"Kailan ba balik mo sa doctor mo? Sama ko" dagdag pa niya.
"Siguro by next week pa" sagot ko at tumango naman siya.
"Lobby~ mamimiss mo ba ko?" tanong ko sa kanya. Ewan ko ba kung bat ko natanong sa kanya to.
"Syempre naman!" sabi niya at hinawakan nya yung kamay ko.
"Oh lobby dito nalang ako" sabi ko ng makarating na kami sa office ko. Kiniss ko na siya at bumaba na ako sa kotse nya.
Bakit ganun? Miss ko agad siya? Nagiging moody nanaman ako! Hays!
Nagulat nalang ako ng makarinig ako ng ingay galing sa likuran ko. Si Sean at Alex nag susuntukan!! Parang mga bata!!
"Ano ba tigil!" sigaw ko sa kanilang dalawa at napatigil naman sila.
"Love sorry" sabi ni Sean sa akin "Pero etong gagong to di ka tinitigilan eh!!" dagdag pa niya.
"Lobby naririnig ka ni baby" sabi ko sa kanya at napatigil naman siya.
"Buntis ka?" tanong ni Alex. Sasagot na dapat ako ng maunahan ako ni Sean.
"Oo bakit?! May problema?! Pakisabi kay Misha tigilan na si Zoey ha?! Alam ko na may pinaplano kayo!!" sigaw ni Sean na medyo naguluhan ako. Plano? Ano yun?
"Plano?" tanong ko.
Hinila ako ni Sean papasok sa office ko at dun niya sinagot yung tanong ko. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Bakit ganun? Ibang iba na talaga si Alex. Hindi na siya yung Alex na naging kaibigan ko noon. (A/N: Yan yung scene ni Misha at Alex sa bar tas narinig ni Sean lahat ng pinag usapan nila. Ngayon lang nasabi ni Sean kay Zoey so that's it.)
"Kaya love gusto ko na iwasan mo si Alex" sabi niya sa akin at tumango naman ako. Hindi ko pa makakalimutan yung unang beses na sinaktan ako ni Alex.
"Lobby natatakot ako" sabi ko.
"Wag kang matakot love andito lang ako lagi para sayo. Hinding hindi ako makakapayag na may mangyaring masama sayo" sabi niya at yinakap ko siya ng mahigpit.
Umalis na si Sean at sinara ko na yung office ko para hindi na makapasok si Alex. Hindi ako makapag isip ng maayos. Bawal saken to, hindi ako pwedeng ma stress sabi nung doctor ko. Kaya nilibang ko nalang yung sarili ko sa ibang bagay.
Misha's
"Ano buntis si Zoey?!" tanong ko uli ng marinig ko yung sinabi ni Alex.
"Oo Misha kaya tigilan na natin to!" sigaw niya sa akin.
"Tigilan? Eh naumpisahan na natin to kung ayaw mo ako nalang mag isa ang tatapos" sabi ko sa kanya.
"Alam mo Misha sayang ka. Bahala ka kung anong gusto mong gawin" sabi niya at iniwan ako dun mag isa. Lahat nalang ba sila iiwan ako?
"Misha, siguraduhin mo na makukuha mo si Sean" biglang sulpot ni dad. Isa pa si dad nakaka stress na sila!!
Gusto ni Dad na mainlove sa akin si Sean dahil magkalaban nga yung company nila nung dad ni Sean. So gusto ni dad na ako ang pakasalan ni Sean pero hindi niya alam na huli na ang lahat. Si dad rin ang may kasalanan kung bakit ako naging ganito. Pinupush niya ako kay Sean hanggang sa nahulog na ako ng tuluyan. Kaya eto ko ngayon , bitch. Mainis na kayo pero di ko pwedeng ihinto tong plano ko.
"Dont worry dad i'll do my best" sagot ko at pumasok na ako sa kwarto ko para gawin ang last and finale plan para sa kanila.
Sean's
Hindi ako mapakali baka kung anong gawin nila kay Zoey. Kailangan ako ni Zoey dun. Kaya umalis na ako sa office ko para sunduin na si Zoey. Mas mabuti ng sa bahay nalang si Zoey para hindi ako nag aalala ng ganito.
"Love" tawag ko sa kanya at mukha naman bagong gising siya. Lumapit agad siya sa akin at niyakap niya agad ako.
"Namiss kita lobby" sabi niya.
"Namiss rin kita love..." hinawakan ko yung tyan niya "Pati si baby natin" dagdag ko pa.
"Sa bahay nalang pala ako. Ang boring dito eh" sabi niya ng nakasimangot.
Kinurot ko yung pisngi niya "Sabi ko naman kasi sayo eh. Kulit mo. Haha" pang aasar ko pa.
"Abaaa!! Dahil dyan bili mo ko mangga" sigaw niya at hinawakan yung kamay ko.
"Gusto mo ako pa kumuha sa puno eh" pagbibiro ko.
"Sige ba! Haha!" masiglang sagot nya.
"Joke lang love" sabi ko.
"Walang joke joke saken! Tara na ikuha mo na ko sa probinsya" sabi niya at hinila na ako palabas.
Probinsya talaga? Grabe biro lang yun eh! Okay, magbiro na kayo sa lasing wag lang sa naglilihi. Good luck sa akin bro.
-------------------
Okay diba sabi ko short story lang to. So ilan chapter nalang po then epilogue na :)))
Vote!
Comment!
Enjoy Reading!

BINABASA MO ANG
My Playboy Husband
Novela JuvenilPaano kung dumating yung araw na ipakasal ka sa isang taong hindi mo naman gusto? Hindi mo rin kilala. Anong gagawin mo? Makakaya mo bang makasama siya araw araw? Matututunan mo rin kaya siyang mahalin? Another JaneRome story! Hahaha! Dont worry sh...