Zoey's
Nagising ako ng marinig kong umiiyak yung kambal. Baka nagugutom na. Tatayo na sana ako para puntahan sila ng pigilan ako ni Sean.
"Ako na love" sabi niya at tumayo na. Hinila ko naman siya.
"Tayong dalawa. Okay? Tara na" sabi ko at pinuntahan na namin yung kambal namin.
"Hello babies why are you crying ha? Do you want something? What is it?" tanong ni Sean sa kanila. Effective naman kasi tumahimik yung kambal sa pag iyak.
"Love mukhang napopogian sila sa daddy nila ha? Hahahaha" sabi niya sa akin kaya hinampas ko siya sa braso niya.
"Ang hangin ng daddy nyo no?" tanong ko dun sa kambal.
"Mukha naman palang okay sila love eh. Ano tulog na tayo? 3am palang" sabi ni Sean sa akin.
"Patulugin muna natin sila! Baka maging mukha na tinubuan ng eyebags yan" pagbibiro ko at natawa naman si Sean. Ang cute nya talaga tumawa. May pahawak hawak pa sa tyan sa sobrang tawa eh.
"Babygurl halika dito! Ang korny ng mommy mo" sabi niya at binuhat niya si babygurl so akin si babyboy.
"Babyboy sana paglaki mo di ka kasing hangin ng daddy mo ha? Always humble tayo okay?" sabi ko kay babyboy at tumango naman siya.....syempre joke lang! Hahaha!
Isang oras na ang nakakalipas pero hindi pa rin natutulog yung dalawa. Tuwang tuwa pa sila sa amin eh.
"Lobby inaantok na ko" sabi ko kay Sean.
"Love konting tiis nalang! Lalaki rin yang mga yan" sagot niya. Tino talaga eh.
"Lobby naman!!"
"Eto naman ginigising ko lang diwa mo eh. Hahahaha" sabi niya kaya nilapitan ko siya.
"Babygurl look at your brother, is your brother looks like your daddy?" tanong ko sa kanya pero umiyak siya. HAHAHA!
"Babygurl bat ka ganyan ha? Hulog kita dyan" pagbibiro ni Sean sa kanya.
"Hahahahahahaha wala eh mas gwapo kasi anak mo sayo! Hahahaha" pang aasar ko kay Sean.
"Love akala ko ba inaantok ka? Pasalamat ka may buhat ako mamaya ka sa akin" sabi niya sabay kindat.
"Lobby! Tulog na si babyboy yaaay!!!" masayang sabi ko.
"Ibaba mo na siya at ng makatulog ka na rin" sabi niya sa akin.
"Tulog na rin yan eh baba mo na rin si babygurl pareho lang naman tayong puyat dito" sabi ko habang binababa ko si babyboy.
Alam kong pagod na rin si Sean hindi lang niya sinasabi. Kaya kinuha ko na sa kanya si babygurl at dahan dahan itong ibinaba sa higaan niya. Nakaalalay naman sa likod ko si Sean. Ayaw pa matulog eh. Kulit talaga ng lalaking to.
"Oh tulog na sila tara pahinga na tayo" sabi ko at hinila ko na siya pahiga sa kama namin.
"Love hindi na ako makatulog" sabi niya sa akin. Medyo nawala na rin yung antok ko. Kaya humarap ako sa kanya.
"Ang gwapo ng asawa ko" sabi ko at siniksik ko yung mukha ko sa dibdib niya.
"Ayan ka nanaman pinapaasa mo nanaman ako" sabi niya ng naka pout. Cutieee ng lobby ko!!
Hinila ko yung nguso niya "Arteee gwapo ka nga! Promise! Okay na?" tanong ko at niyakap naman niya ako.
"Love i love youuu only youuu!" sabi niya kaya niyakap ko rin siya.
"I love you MORE" sabi ko at naramdaman ko naman na nakatulog na siya kaya natulog kami sa ganun posisyon. Kilig.
---
Short update!
Vote!
Comment!
Enjoy Reading!
![](https://img.wattpad.com/cover/68884166-288-k596062.jpg)
BINABASA MO ANG
My Playboy Husband
Ficção AdolescentePaano kung dumating yung araw na ipakasal ka sa isang taong hindi mo naman gusto? Hindi mo rin kilala. Anong gagawin mo? Makakaya mo bang makasama siya araw araw? Matututunan mo rin kaya siyang mahalin? Another JaneRome story! Hahaha! Dont worry sh...