Chapter 35

2.6K 46 3
                                    

After 4 months...

Zoey's

Ngayon na yung month ng kapanganakan ko. Bakit hanggang ngayon hindi ka ba gumigising Sean?

"Besie okay ka pa ba?" tanong sa akin ni Janelly.

Hindi na ako makakibo dahil ang totoo hindi na ako okay. Sumasakit na yung tyan ko.. Ayoko pa silang ilabas habang wala pa si Sean. Gusto ko andun siya sa tabi ko kapag nanganak ako.

"Besie tara na sa hospital!! Iba na kulay ng mukha mo" natatarantang sabi ni Janelly.

"Hihintayin ko si Sean" malatang sabi ko.

"Besie ano ba!! Manganganak ka na! Tara na! Saka mo na hintayin si Sean!!" sigaw niya sa akin. Hindi na ako makapagsalita kaya hinayaan ko nalang siya na dalhin na ako sa hospital.

"Besie ang sakit!!!!!" sigaw ko sa kanya habang nasa ambulance pa kami.

"Nako besie huwag mo muna ilabas yan!!! Nako!! Manong driver paki bilisan please!!!" sigaw ni Janelly.

"ARGHHH!!" sigaw ko

"Teka tatawagan ko na yung parents mo saka sila tita" sabi ni Janelly.

"Besieeee ang tagaaal!!!" sigaw ko hindi ko na kaya lalabas na ata!!!

"Teka lang ayan na tayo!!!" sigaw niya.

Binaba na agad ako at dineretso na ako sa OR. Si Besie ang kasama ko sa loob na dapat ay si Sean. Nakakatampo talaga si Sean...

"Besie wag mo munang isipin si Sean okay? Mag focus ka muna dyan. Lalabas na yung babies mo!" sigaw saken ni Janelly.

Sinunod ko na yung utos sa akin ni doc. Sa nine months na paghihirap ko sa wakas eto na mailalabas ko na sila...

3rd person's

Habang nanganganak si Zoey yung parents naman ni Sean ay nasa kwarto at pinagmamasdan ang anak.

"Ma siguro eto na yung tamang oras para gawin yung desisyon natin" sabi nung papa ni Sean.

"Sigurado ka ba dyan pa?" tanong nung mama ni Sean

"Alam kong masakit to.. Pero kailangan na natin gawin para rin sa ikabubuti ni Sean at ng lahat" sabi nung papa ni Sean.

My Playboy HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon