Chapter 2

6.5K 116 4
                                        



Sean's POV 

Hi. First, let me introduce myself. Im Sean Luka Salasar. Playboy daw? Ang totoo nga nyan yung mga babae patay na patay sa akin. Pinakasal ako ng magulang ko sa babaeng hindi ko gusto kapalit nun ang makuha ko lahat ng gusto ko. Inaamin ko sa buong buhay ko hindi pa ako nagseseryoso sa isang babae. Life is too short to wait. So better to enjoy it. 

"Oh pre musta buhay may asawa?" tanong sa akin ni Marlo. Nandito kami ngayon sa favorite place ko.

"Ano ba sa tingin mo?" tanong ko rin sa kanya sabay inom nung alak na inorder ko.

"Kung ako? Magpapakatino na ako! Ang ganda kaya nung asawa mo swerte mo na dun!" sabi niya sa akin.

"Maganda ba yun? Sungit eh! Sinungitan ako kanina daig pa naglilihi eh" sabi ko sa kanya at natawa naman siya. "Andun nga pala yung girlfriend mo kanina sa amin! Pinapunta siguro ng asawa ko" dagdag ko pa.

"Oy feel na feel mo ng tawagin asawa yun ah? HAHAHA! Sabagay umpisa lang yan tignan mo mafafall ka rin dun!" sabi sa akin ni Marlo

"In her dreams! Mang chichix na nga lang ako dito" sabi ko sa kanya at tumayo na. Ang daming chix dito eh kaya dito ako lagi pumupunta sa bar na to eh.

"Oy pre tigilan mo na rin yan. Kasal ka na at may ASAWA ka ng naghihintay sayo! HAHAHA! Bahala ka nga! Gawin mo gusto mong gawin! Uwi na ako tinetext na ako ni Janelly!" sigaw niya sa akin at hindi ko siya pinansin. Lumapit ako sa isang babae at kinausap ko ito. Halata naman na gusto niya rin ako ang gwapo ko na to. Niyakap ko siya at hinalikan ko yung leeg niya. Hinila naman niya ako at hinalikan niya ako sa labi ko. 

Nilabas niya ako dun sa bar kaya dinala ko siya sa kotse ko. Sobrang lasing na ako kaya siya na yung nagdrive. Tinuro ko yung condo ko at hinatid niya ako dun. Pagkabukas ng pinto hinila niya ako at hinalikan niya uli ako. Abaa palaban tong isang to! Ginantihan ko siya ng halik ng...

"WAAAH!!!" narinig kong sigaw ng asawa ko. Mukhang nagulat naman yung babaeng humalik sa akin.

"Sino siya?!" tanong niya sa akin. Lumapit ako sa asawa ko at inakbayan ko siya. Pero inalis niya yun.

"Ako lang naman yung asawa niya. Pero okay lang wala naman akong pake dyan eh! Kung gagawin niyo yan, gawin nyo sa kwarto! Hindi dito sa sariling condo ko!" sigaw niya dun sa babae.

"Argh!" sabi nung babaeng nakilala ko sa bar at umalis na. Hahabulin ko pa dapat siya kaya lang sobrang lasing na talaga ako.

"Bakit mo siya pinaalish? Bishita ko yun!" sigaw ko sa babaeng yan

"Bakit kaninong condo to? Akin to!" sigaw niya sa akin kaya nilapitan ko siya pinatong ko yung dalawang kamay ko sa balikat niya. Dinikit ko yung bibig ko sa tenga niya.

"Sa atin to. Nakakalimutan mo ba asawa mo na ako" bulong ko sa kanya at bigla nalang nagdilim yung paningin ko.

Zoey's POV

"Sa atin to. Nakakalimutan mo ba asawa mo na ako" bulong niya sa akin hindi ako nakapalag hanggang sa naramdaman ko nalang na nakatulog na siya. 

Hinila ko siya papunta sa kwarto niya. Ang bigat niya ah! Tinulak ko siya sa may kama nya at tulog na tulog pa rin siya. Kailangan ko pa ba siyang bihisan? Aish pinapahirapan talaga ako neto! Kumuha ako ng sando sa closet niya at hinubad ko na yung polo niya. Nagbasa muna ako ng bimpo at pinunas ko sa katawan niya. Nakarami ng inom ang loko. Hobby na niya ata yun pati na rin ang pambababae! Pake ko? Ikinasal lang kami pero hindi namin mahal ang isa't isa. Pagkatapos ko siyang bihisan pumunta na ako sa kwarto ko syempre magkaiba kami ng kwarto! 

Nagbihis muna ako at natulog na uli. Istorbo yan sa pagtulog ko eh! Silang dalawa nung babae niya!

Pagkagising ko dumiretso na agad ako sa banyo to do my morning routine. Pagkatapos ko nakita ko na maaga pa kaya lumabas muna ako at nag jogging. Pagkabalik ko tulog pa rin siya. Sigurado ako na sasakit ng bongga yung ulo niya pagkagising niya bwahahahaha!

Naisipan kong magluto ng almusal. Sinisipag ako ngayon eh wala kasi akong magawa. 1 week akong walang trabaho dahil honeymoon nga daw namin. Asa naman sila mas gugustuhin ko pang magtrabaho kesa makasama tong lalaking to. 

Hinanda ko na yung almusal at sakto naman na nagising na siya. Kumuha agad siya nung gamot dahil siguro sa sakit ng ulo. HAHAHAHA! Pagkainom niya ng gamot umupo na agad siya at kumain na. Wow nakakahiya naman no? Umupo na rin ako at nagsimula ng kumain.

"Nakain mo? At nagluto ka?" tanong niya sa akin sabay inom ng kape niya.

"Wala lang akong magawa. Pasalamat ka pinagluto pa kita sulitin mo na yan" sabi ko sa kanya at inirapan ko siya.

"Sungit ng asawa ko" pang aasar niya

"Wag mo nga kong tawagin asawa naiirita ako sayo" sabi ko sa kanya

"Bakit ba? Asawa naman talaga kita ah?" sagot niya

"Eh sa ayoko eh" naiinis na sagot ko

"Dewag. Love nalang? Hi Love" pang aasar niya

"Lasing ka pa rin ba?! Ang kulit mo eh" sabi ko sa kanya at tumawa nanaman siya

"Cute mo naman parang yung aso ko lang" sabi niya sa akin kaya hinampas ko siya ng malakas. Napa 'Aww' naman siya sa sakit. Bwahahaha buti lang sayo. Hindi na siya nakasagot dahil may tumawag sa kanya.

"Morning ma" sabi niya sa kausap niya. Kaya hindi na ako magtataka mama niya yun. "Yes, she's here" sabi pa niya saka tumingin sa akin. "We're eating our breakfast. What?! Today? No... You're always welcome here ma" sabi pa niya na parang naiirita na siya. "Okay bye. Ingat" sabi niya at binaba na niya yung phone niya.

"Mag ayos ka! Pupunta sila mama dito ngayon" sabi niya sa akin na ikinagulat ko.

"Maganda naman na ako kahit hindi ako mag ayos" pagsusungit ko sa kanya at iniwan ko na siya dun.

 Ano ba kasi naisipan ng parents niya at pupuntahan pa kami? Hindi pa ba sila masaya na ipinakasal nila kami sa isa't isa kahit na alam nila ang katotohanan na hindi namin mahal ang isa't isa. Pareho lang kaming napilitan dito si Sean napilitan siya para makuha niya lahat ng gusto niya. Ako, napilitan ako dahil no choice ako. May magagawa ba ako? Makakapalag ba ako sa parents ko? Sabagay okay na rin to dahil matanda na nga naman ako. Siguro pwede rin ako humiling sa kanila para quits. I want to travel the world. Hays #MayamanProblems gusto ko na ng DIVORCE! Now na! Sakit sa bangs nawawala beauty ko.

 

----

Goodnight! Haha! Eto muna ud ko wala pa akong ma ud sa 2 kong story 😭💔 LOVE LOVE 💛 - @wattyauthor

Vote!
Comment!
Enjoy Reading!




My Playboy HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon