Zoey's POV
Sana naman maawa sa akin si Sean at ibili na niya ako ng napkin. Nakalimutan ko kasi dalin yung mga napkin ko na nasa bahay namin. At saka teka, ang tino niya ata ngayon? Ano nakain nun? Si Sean ba talaga yun?
Sobrang sakit talaga ng puson ko. Ganito ako lagi kapag first day ko. Minsan nga hinihimatay pa ako dahil hindi ko nakakayanan yung sakit. Hindi tuloy ako nakapasok ngayon dahil dito! Grrr.
Narinig kong sumara na yung pinto. Umalis na pala si Sean. Kaya tinext ko si Janelly para tulungan niya na rin si Sean bumili. Alam niyo naman lalaki yun, baka mahiya!
Medyo nakatulong rin naman yung mainit na tubig na binigay ni Sean. May alam rin pala siyang gawin? Haha djk lang. Bad ko na kay Sean.
Sean's POV
Andito na ako ngayon sa supermarket. Hinanap ko na agad yung pinabibili sa akin ni Zoey. Tsk kahit kailan talaga yun pahirap sa buhay ko!
Nung nasa tapat ko na yung pinabibili niya, hindi ko alam kung paano ko ito kukunin lalo na ang daming taong namimili ngayon. Nakakaloko na to ah! Ngayon ko lang to gagawin para sa kanya! Hindi ko to nagawa sa mama ko! Teka bakit ko nga ba gagawin to? Sino ba siya? Naguguluhan na talaga ako ah!!
Tinititigan ko lang yung pinapabili sa akin ni Zoey. Pasimple akong lumapit dun... Lingon sa kaliwa, lingon sa kanan. Wala naman nakatingin sa akin. Dahan dahan kong inangat yung kamay ko ng may biglang isang babae ang kumuha neto at nilagay sa basket na dala ko. Yes may basket akong dala dahil marami akong binili. Kagutom kaya!
"Bilisan mo na! Baka himatayin pa si Zoey dun" sabi niya. Ah kilala ko na to. Siya yung best friend ni Zoey na girlfriend ng best friend kong si Marlo. Kaya naman pala apaka loyal nung lukong yun. Ang ganda naman pala ng girlfriend!
"Dadalhin ko na nga siya sa hospital ayaw naman" sagot ko sa kanya habang nakapila na kami.
"Ayaw nung babaeng yun sa ganun. Gusto niya yung inaalagaan siya! Kaya ikaw" humarap siya sa akin at nilakihan niya ako ng mata "Alagaan mo yung best friend ko! Intyendes?!" grabe naman pala tong magbestfriend na to. Mga palaban eh. Okay po maam.
Ganun pala si Zoey? Ohh gusto pala niya na alagaan ko siya? Hahahaha! Okay masusunod.
"Oh bat nangingiti ka mag isa dyan? Iniisip mo nanaman yung mga girls mo?!" pagtataray nanaman niya sa akin.
"Wala akong girls" sagot ko sa kanya.
"Tch playboy" bulong niya pero rinig ko naman.
Bihira na nga lang ako mang chix eh dahil sa work. Yung secretary ko naman akala kung sinong maganda. Eh mas gwapo pa ako sa boyfriend nung mukhang paa! Tsk. Papapalitan ko na nga yun kay papa. Hindi ko gusto galaw nung babaeng yun. Baka pagsamantalahan pa ko nun. Ayoko pa maging ama.
Hindi ko nga din namalayan na napapangiti na ako dahil iniisip ko si Zoey. Erase erase erase. Hindi pwede.
Nung nabayaran na namin yung pinamili ko nagmadali na kaming pumunta sa room namin. Pagkapasok namin dun nakita namin si Zoey na walang malay....................
...................tulog lang pala.................
Medyo bumalik na rin yung dating kulay ng labi niya. Kaya nakahinga na rin ako ng maluwag. Nag alala rin naman syempre ako sa kanya. Ako kasama niya araw araw eh. Yun lang.

BINABASA MO ANG
My Playboy Husband
Teen FictionPaano kung dumating yung araw na ipakasal ka sa isang taong hindi mo naman gusto? Hindi mo rin kilala. Anong gagawin mo? Makakaya mo bang makasama siya araw araw? Matututunan mo rin kaya siyang mahalin? Another JaneRome story! Hahaha! Dont worry sh...