Zoey's
"Love" tawag niya at nilapitan agad ako.
"Lobby!! Kainis ka ang tagal mong natulog" sabi ko at hinawakan ko yung kamay niya.
"Sorry na love... Namiss kita" sabi niya at hinalikan ako sa noo ko.
Pinalibot ko naman yung kamay ko sa batok niya "Miss na miss na miss na miss kita" sabi ko at hinalikan ko yung labi niya.
"Ehem.... Dad labas muna tayo" sabi ni mom. OMG NAKALIMUTAN KO NA NANDITO PA SILA!!! NAKAKAHIYA OMG!!!
Napakagat labi nalang ako sa ginawa ko.
Hinampas ko si Sean sa braso niya "Kainis ka! Grabe ka kasi magpamiss" sabi ko.
"I love you" sabi niya at nginitian ako. How i miss this moment. When he smiles on me when he kiss me when he hug me... I miss everything about him..
"Hate you" sagot ko at nginitian ko siya.
"The more u hate the more u love, right?" tanong niya at tumango lang ako.
"Gusto mo tignan natin yung babies natin?" tanong niya sa akin kaya tumango nalang ako.
Inalalayan niya akong tumayo at dahan dahan niya akong sinakay sa wheel chair..
"Love sorry kung natagalan yung gising ko..." seryosong sabi niya.
Hinawakan ko yung kamay niya "Ang mahalaga bumalik ka at hindi mo kami iniwan..."
"Hinding hindi na uli mangyayari yun. Promise" sabi niya
"Hindi na talaga mangyayari yun dahil mabubulok na sa kulungan si Misha at yung dad niya" inis na sabi ko.
"Hayaan nalang natin sila love" sabi niya kaya hindi na ako kumibo. Baka kung ano pa masabi ko eh. Naiinis pa rin talaga ako pag pinag uusapan namin yung Misha na yun!
"Love tignan mo oh ang gwapo ng anak natin manang mana sa akin" sabi ni Sean hindi nalang ako kumibo dahil totoo naman. Hahahaha! "Tapos yung babae maganda manang mana sayo" dagdag pa niya at kinindatan pa ko. Pinapakilig nanaman niya ko. Hays.
"Wag ka ng kiligin dyan" sabi pa niya.
"Teka hindi ba ako nananaginip?" tanong ko sa sarili ko pero bigla niya akong hinalikan. Ilang seconds rin yun. Sarap talaga ng halik nya! Haha!
"Ano nananaginip ka pa ba?" tanong niya.
"Hindi na" sabi ko at nagtakip ng mukha. Naramdaman ko nanaman na namumula yung mukha ko. Kinikilig eh bat ba.
![](https://img.wattpad.com/cover/68884166-288-k596062.jpg)
BINABASA MO ANG
My Playboy Husband
Teen FictionPaano kung dumating yung araw na ipakasal ka sa isang taong hindi mo naman gusto? Hindi mo rin kilala. Anong gagawin mo? Makakaya mo bang makasama siya araw araw? Matututunan mo rin kaya siyang mahalin? Another JaneRome story! Hahaha! Dont worry sh...