Chapter 33

2.4K 45 15
                                        

Zoey's

Last day ko na dito sa hospital dahil okay na nga yung katawan ko. Yes finally lalabas na ako. Ayokong ayoko na nandito sa hospital eh.

"Oh Zoey umuwi ka muna bukas mo na dalawin si Sean. Magpaalam ka muna sa kanya" sabi sa akin ni mom.

"Mom gigising pa siya diba" sabi ko at tumango naman si mom.

Sinamahan na ako ni Janelly sa kwarto ni Sean. Umalis din agad siya at sa labas nalang daw niya ako hihintayin.

"Love last day ko na dito sa hospital hindi ka pa rin gising. Nakakatampo ka na talaga love ah! Dun muna daw ako sa bahay mag stay habang di ka pa gumigising. Baka daw kasi balikan ako dun sa condo" paalam ko sa kanya.

Ganito ang ginagawa ko sa tuwing dinadalaw ko siya. Nagkukwento ako sa mga nangyari sa akin buong maghapon.

"Love alam mo ba bumibigat na si baby. Lumalaki na siya. Kaya alam mo na gagawin ha? Bumangon ka na dyan. Check up ko na rin bukas sasamahan mo ba ko? :("

"Love malapit na rin natin malaman kung girl or boy yung baby natin. Gising na ha?" sabi ko habang hawak hawak ko yung kamay niya.

"Namimiss ko na yung kacheesyhan mo love... Sorry na kung madalas pinagtitripan kita. Napaglilihihan lang talaga kita nun"

"Miss na miss na kita love. Miss ka na rin ng parents mo... Parating na rin sila mamaya" sabi ko at tumayo na. Hinalikan ko na rin siya sa noo nya.

"Love uwi muna ako ha? Kailangan daw namin magpahinga ni baby sabi nung doctor eh" sabi ko at niyakap ko siya.

"Uy di siya umiyak! Yiee" sabi ni Janelly paglabas ko.

"Syempre ayaw ni Sean na umiiyak ako eh" sabi ko.

"Nako lagot saten yan pag gumising! Haha tagal niya kamo" sabi ni Janelly at hinampas ko siya.

"Oy besie laki ng tyan mo! Seryoso malaki yan sa 4 months" yes 4 months na ang bilis noh?

"Bigat nga besie eh" sabi ko.

"Ginusto mo yan eh hahahaha" pang aasar nya.

My Playboy HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon