3rd person's
Nung marinig ni Alex at Sean yung putok ng baril agad agad silang tumakbo papasok. Sumalubong naman sa kanila si Misha hawak hawak yung baril.
"Misha asan si Zoey" tanong ni Sean kay Misha pero tinawanan lang nya ito. Nainis na si Sean kaya hinila niya si Misha at hinawakan ito ng mahigpit sa pisngi. "Malaman ko lang na may nangyaring hindi maganda sa asawa ko magkakamatayan na" dagdag pa niya.
"Sean tama na yan. Babae pa rin yan. Mabuti pa hanapin mo na si Zoey at ako ng bahala dito" sabi ni Alex sa kanya kaya agad naman itong binitawan ni Sean at umalis na para hanapin si Zoey.
Tinignan ni Sean isa isa yung mga kwarto dun at may isa talagang kwarto ang mahirap buksan. May kutob siya na nandun ang asawa niya kaya sumigaw siya ng sumigaw.
"Zoey!!" sigaw niya pero walang kumikibo sa loob. Tinry nyang tawagan yung phone ni Zoey at confirmed nandun nga si Zoey sa loob. Kinakabahan na si Sean dahil hindi na sumasagot si Zoey kaya agad agad nyang sinira yung pinto.
Nakita nya si Zoey na nakahiga at walang malay. Kaya agad nya itong nilapitan.
"Zoey... Love andito na ako..." sabi niya habang patuloy na tumutulo ang kanyang mga luha.
"Love gising... Huwag mo kong iiwan" sabi pa niya at niyakap niya ng mahigpit ang asawa.
"Lobby..." malatang sagot ng asawa at nakita mo naman yung tuwa sa mata ni Sean. Buhay ang asawa niya. Buhay si Zoey.
"May masakit ba sayo? Ano? Sabihin mo lang. Dadalhin kita sa hospital tara na" sabi niya sa asawa at bigla naman siyang niyakap nito.
"Lobby natatakot ako..." sabi ng asawa.
"Huwag kang matakot. Andito na ako hindi kita pababayaan" sabi ni Sean at hinalikan ito sa noo.
"Tara na" aya ni Sean at tinayo na niya yung asawa at inalalayan.
Paalis na sila ng makita nila si Misha at Alex na nag uusap. Parang hinihingi ni Alex yung baril na hawak ni Misha at dahan dahan naman itong inaabot ng babae. Pero nung nakita nung babae ang mag asawa na magkasama nagbago ang isip nito at tinutok ang baril sa mag asawa. Hinarangan ni Sean si Zoey dahil nga sa hawak na baril nung babae. Takot na takot si Zoey at delikado ito sa anak nila.

BINABASA MO ANG
My Playboy Husband
Fiksi RemajaPaano kung dumating yung araw na ipakasal ka sa isang taong hindi mo naman gusto? Hindi mo rin kilala. Anong gagawin mo? Makakaya mo bang makasama siya araw araw? Matututunan mo rin kaya siyang mahalin? Another JaneRome story! Hahaha! Dont worry sh...