Una sa lahat gusto ko mag sorry sa lahat ng nag aantay ng update. HIHIHI. busy ang lola niyooo.
MARCUS POV
Today is kinda exciting for me. mag susukat kaming tux at gown for the wedding. Minsan napapangiti nalang ako bigla dahil naeexcite talaga ako sa kasal namin.
"Dude! stop smiling! tara na, nasa boutique na sila Duff. muntanga ka dyan" Sean said
"Shut up! parang ikaw hindi ah! excited ka ring ikasal!" I answered back
"Grabe! inisip mo ba na hindi si Nikkita mapapakasalanan mo? Akala ko may forever sa drama niyo eh" Sean said
"Well, naisip ko rin naman na hindi kami talaga. Kasi nga diba, nasasakal nako sakanya. pero nun nakilala ko si Riley, parang biglang nagging malinaw yung blurred ko vision of my future" I answered as I packed my things
"Dude, I can see how happy you are right now" He answered
"Onga pala, Nakusap mo na si Harold? Yung wedding ring niyo naship na raw" Sean said infroming me while texting
"Di ko pa naccheck sa email. pero he messaged me in facebook" I said and slipped my phone from my pocket.
I opened my phone and showed him the picture
"Okay na kaya 'to for Riley?" I asked habang hawak yung batok ko
He looked at the photo with a grin on his face
"I think kahit ano basta galing sayo, magugustuhan niya" He said
"feeling ko ang simple eh" I said. while getting my phone back
"Nagpapatawa ka ba? eh kahit nga ata dalan mo ng kwek kwek yun, matutuwa un sayoo. baka nakakalimutan mong patay na patay sayo fiance mo?" He answered back
Natawa ako sakanya. That was partly true. Kahit ano ibigay ko kay Riley, matutuwa yun. I remembered her smiling when I gave her a letter kasi one week na kaming hindi nagkita tas nag write back siya. Ang corny namin oo, pero alam kong kilig na kilig siya nun.
"Tara na nga. para kang ewan dyan. magsukat na tayo ng suite mo." Sean said and stood up.
sumunod nako sakanya. magkahiwalay kami ng kotse na pumunta dun kasi nga ihahatid niya si Duff at andun na siya sa sukatan ng damit.
Pag dating namin dun, bumungad sakin yung gown ni Riley sa manikin..
"Wow. ang simple ng damit niya ha" Sean said
"Simple lang naman kasi talaga si Riley" I answered back.
Pag dating namin dun, nakita ko si Riley na nakaupo at tumitingin sa magazine
I went to her and kissed the side of her forehead
"Hey Babe." I said after
"Oh. andito ka na pala" She answered
"Sukat na kayo, tapos na kami" she added
"tapos na kayo?" I asked
"Yup" she said and continued looking at the magazine
"Ano yan?" I asked
"Hmm. Bahay. tumitingin ako ng king sized beds. baka di ka magkasya sa kama eh" She answerd
"Alam mo namang mas gusto ko ng maskip na kama" I joked
"Yuck nga Rik! kanins" Duff said
"sus. kayo nga baka sala lang bilin niyo ni Sean. wag ako Duff" I scoffed
Riley laughed. She held my face and kissed my cheeck
"Babe mag sukat na kayo, gutom nako" She said
"Ayaw mo akong ulam?" I asked raising my eyebrows
"Puta kung mag lalandiaan kayo wag sa harap ko. kadiri nga!" Duff said
Tumawa ako at tumayo na. pumasok nako sa dressing room. nakita ko ang suit ko.
"Do you like it Mr. Gomez?" The tailor asked
"Well, si Ry pumili, kaya gusto ko siya" I answered and smiled
"I can see you are very inlove with eachother. Sabi ni Ma'am Ry kanina, sana magustuhan mo raw gown niya. kasi alam niyang pogi ka sa suit na yan" the tailor said
"Mababaw talaga yung babaeng yun at baliw. Alam naman niyang kahit ano suot niya maganda siya sakin" I answered
"Grabe, dati sumasama siya dito para sa mga clients niya, ngayon siya na client ko" The tailor said
"Yung ginagawa niya ngayong, matagal na niyang panagarap yan. Akalain mo na pati yung lalaki sa panagarap niya siya yung groom" The tailor said
Napatingin ako sakanya. Nagulat ako, naisip ko, Ako? pinapangarap ni Riley?
"come again?" I asked
"Ay! di mo ba alam, ang tagal ka na kayang crush niyang ni Ma'am. nakakatawa nga kasi dati as in pinapangarap niya lang na magkausap kayo. Ngayon, ikaksal na kayo. totoo yung good things come to those who wait" She said
"HAHAHAHAHHA. baka naman pinapaasa mo ko ah?" I asked
"Ay nako sir! kung alam mo lang. Feeling ko ngayon, living the dream ang drama ni Ma'am Riley. Lahat talaga ng panagrap niya tinutupad mo, and sir thank you for making that little princess a queen" She said
"She will always be my little queen" I answered
"Ay! sir, winner ang sagot" She exclaimed
Natawa ako. akalain mo yun? pinapangarap niya akong mapangasawa. Promise tlaga pati dream house ni riley, gagawin ko. sobra sobra yung ako ung pinangarap niya makasama habang buhay.
------
//unedited. Sorry maiksi. try ko ulit mag update bukas :)
thanks sa lahat ng nagbabasa nito. and sana worth the wait ang story nila.