Losing You

11 0 0
                                        

“It’s ok panaginip lang yun.” Sabay himas ni Sheen sa likuran ni Gel’z.

“Hinde yun panaginip.” Nagsalita nalang bigla si Mae. Ibig sabihin alam nya rin na hinde yun panaginip.

“It’s a future seeing. Dahil yan sa kumagat sayo na bampira. Isa pa future seeing ang majica ng bampirang nakakagat sayo. Oras na makagat ka ay magkakaroon Karin ng majica nya. Kaya yung nakita mo na inaakala nyong panaginip ay totoong mangyayari. Maaaring bukas o sa susunod na ligo.” Explain ko sa kanila.

“Maaari ding…” tiningnan ko si Mae na parang nanginginig sa takot na may halong galit.

“Mamaya” sabay naming bigkas. Ibig sabihin mangyayari yun sa mismong pupuntahan namin na lugar. Sa Fortress.

“Sheen over speed!” talagang galit na sya. Nakarating naman kami kaagad sa Fortress. Bakas sa lugar na ito na inataki nga sila. Agad namang pumunta si Mae sa bahay nila. Sinundan ko sya hanggang sa makarating kami. Pagpasok naming tumambad agad samin ang gutay-gutay na katawan ng kanilang protectors. Napaiyak naman si Mae ng Makita nya ang kanyang kapatid na naghihingalo.

“Kath what happened. I thought you were protected by our protectors. Where’s Mom and Dad. Kath answer me.” Bigla namang tinuro ni Kath ang secret room nila at pagkatapos ay bigla nalang itong mahimatay. Mabuti nalang at marunong kaming mag heal kaya naagapan agad namin. Agad namang pinasok ni Mae ang secret room nila habang ako naman ang nagbubuhat kay Kath at aaminin ko ang bigat ng kapatid nya. Sumusunod lang ako sa kanya at biglang nanlaki ang aking mata ng Makita ko ang walang buhay niyang Ama. Narinig ko nalang na biglang humagulhol si Mae habang hawak2x ang kanyang Ama na may kagat sa buong katawan.

“Mae kaylangan na nating lumabas. Mae kaylangan pa nating hanapin ang Ina mo.” kahit anong pilit ko sa kanya ayaw nya paring bumitaw sa patay na katawan ng Ama nya. Humahagolhol lang sya habang akay-akay ang kanyang Ama. At biglang tumayo at lumabas sa isang pintuan ng secret room nila.

“Pwede ba wag kang mag madali, alam mo namang ang bigat nitong kapatid mo.” Agad nya namang kinuha ang kapatid nya at inilagay sa super plane habang yung iba naming kasamahan ay iwan asan.

“No!!! Stop it!!” si Gel’z yun. Shit! Nag simula na ang future seeing nya kanina. Agad-agad naman kaming pumunta sa kinaroroonan nila Gel’z.

“Mae help them!!!Tama na!!!” hawak nila sila Louie at ang iba. Nakita ko naman ang Mom ni Mae sa di kalayuan at buhay pa ito.

“Let them go! Alam ko namang ako lang ang kaylangan nyo kaya pakawalan nyo na sila.” Sigaw ni Mae. Akmang kakagatin na ng isang bampira si Louie ng dumating kami ni Mae.

“I’ll let them go in one condition. Lumapit ka dito at ibigay mo ang medallion.” Pano nila nalaman na sya ay mahawak sa medallion na matagal na naming itinatago.

“Gagawin ko ang gusto niyo.” At dahan-dahan siyang lumapit sa kanila

“Mae! Anong ginagawa mo!” sigaw ko sa kanya. Tumingin naman sya sakin at nag “alam ko ang ginagawa ko” look lang sya. Alam kong magaling gumawa ng plano si Mae kaya pinabayaan ko sya.

“Aj help them” iyak ni Gel’z. iyakin pala to sana di nalang to sumama eh. Pati kaya ang pagiging iyakin ni Gel’z ay nakuha nya dun sa bampira kumagat sa kanya?

“Divine Protection!” nawala na pala sa paningin ko si Mae dahil dito kay Gel’z. Ginamit nya divine protection nya upang maprotectahan ang mga tao na hawak ng mga bampira.

“Mae sa likod mo!” sigaw ko pero huli na dahil ang sumalo ng mga kuko na matulis ay ang ina ni Mae na sakto naman ang puso nito ang nahablot. Pinatay naman agad ni Mae ang bampira. Habang hinahawakan nya ang kanyang ina ay nakikipaglaban lang kaming mga heroes sa mga bampira. Malakas naman ang tandem naming dahil nandito naman ang mga best fighters namin. Umatras ang ibang mga bampira at masasabi naming na kami ang nanalo pero bakas sa aming mga mukha na naghihinagpis kami dahil sa pagkamatay ng tinuring ni Mae na mga magulang.

THE TWISTED FAITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon