Our Little World

4 0 0
                                    

MAE SMITH

“ANO?! SIGURADO KA BANG SIYA TALAGA?! IBIG SABIHIN NAKITA NA RIN NATIN ANG HINAHANAP NATIN DITO SA HUMAN WORLD.” Yan ang mga naging reaction nila ng ibalita ko sa kanila na nakita ko na si Mae. Nagtataka rin ba kayo kung pano sya nabuhay? Ako rin ehh hehehe joke lang. ganito kasi yan.

*flashback*
“She’s gone *sobs* Kuya she’s gone. Iniwan na niya ako *sobs*. Ako ang dahilan *sobs* kaya sya nawala. Mianhae (sorry). It’s my fault. It’s my fault.” Iyak lang ako ng iyak hanggang sa maramdaman ko ang kamao ng nakatatanda kong kapatid sa mukha ko.

“SABI KO NA NGA BA EHH!!! DAPAT DI KO NA SYA PINALAPIT PA SAYO!!! IBALIK MO SYA AJ!! IBALIK MO SYA… walang hiya ka…” bigla nalang akong napaluhod sa harapan ng kapatid kong umiiyak na rin habang yung iba naming kasamahan ay umiiyak lang. Oo, inaamin ko para kaming bakla ngayon na umiiyak pero babaeng mahal namin yun ehh. At di ko mapigilang sisihin ang sarili ko sa mga nangyari.

“Ibig sabihin ngayon ko na kailangan gawin ang misyon ko.” napatulala nalang ako sa sinabi ni Jovune.

“Anong ibig mong sabihin Jovune?” si Chai habang pinapahid ang mga luha nya.

“Misyon kong buhayin ang Majestic na si Mae Smith oras na mamatay sya. Kaya ako napabilang sa heroes dahil kaylangan ko syang bantayan oras na may mangyaring masama sa kanya. At dahil nga nangyari na ang kinatatakutan nating lahat…. Kaylangan kong ibigay ang buhay ko kapalit ng buhay nya.” Isa syang protector?

“No! hindi kami papayag sa gusto mong mangyari Jovune. May iba pang paraan upang mabuhay si Mae.” Tama si Chai.

“Tama ka pero nakalagay na sa propesiya na ngayon mamamatay si Mae Smith at di na sya mabubuhay kahit kailan.” Nagtaka kaming lahat sa nakita namin dahil sa pagsulpot ni Kath. At ang mas nakakapagtaka sout nya ang Oracle’s Lace.

“Pano mo…” bigla nalang syang lumapit at….

“Di ko pa pala nasabi sa inyo. Nung nilagay nyo ako sa human world kinuha ako ng mga Oracles at ginawang 1st level Oracle because I survived.” That explains all.

“Pero kailangan mo kaming tulongan upang buhayin ang kapatid mo. Mas magiging madali na para samin ngayon na buhayin sya dahil magkapatid kayo.” Tama si Gel’z.

“Oras na nasa miyembro ka na ng Oracles di ka na makakaramdam ng sakit o awa sa mga kamag-anak mo. Pero dahil may utang na loob ako sa kanya bubuhayin ko sya kapalit ng isang buhay ng isang hero. Yun ay kung papayag kayo.” Kapalit ng isang hero.

“Ako na tutal ako naman ang dahilan ng pagkamatay ni Mae. Ako nalang ang ipalit mo sa kanya.” Mas gagaan pa ang loob ko kung ako ang papalit sa kalagayan nya.

“Pero may nakatakda na pumalit sa kalagayan niya ngayon at ikaw yun Jovune Swift na protector ni Mae Smith. Ikaw ang nag-iisang tulay upang mabuhay sya.” Nakatakda ring mamatay si Jovune ngayon upang pumalit sa kalagayan ni Mae.

“Pero dahil hindi malakas na hero ang protector ni Mae malalagay sa alanganin ang pagbalik ko kay Mae.” Anong ibig nyang sabihin.

“Anong…. Bakit malalagay sa alanganin ang pagbalik ni Mae?” tanong ni Rince.

“Kukunin ko ang mga alaala nya. Babalik lang ito kung sya mismo ang gustong umalala sa mga nakaraan niya. Babalik lang ito kung tutulongan nyo syang maalala lahat ng to.” Lahat kami natameme dahil sa sinabi ni Kath. Ibig sabihin nun di nya kami maalala. Babalik ulit sya sa dati. Pero di ko na kayang mawala sya ulit at di ko rin pwedeng pabayaan na mamatay si Jovune. Nalilito na ako.

“Gawin mo na. Handa na ako. Bye everyone ^^. I’ll treasure our memories forever. Chai I will always love you forever.” Mahal nya pa rin talaga si Chai kahit na nalaman nya nang may pamilya na to.

“I Kath Chuwoyo 1st Oracle of the 2nd Prophecy command to Reincarnate Mae Smith the 1st Pureblood Majestic in exchange of the life of her Hero Protector Jovune Swift. Kanoho! Sabatsumi! Yonaha! Life Reincarnation! Now!!!” kasabay nun ang unti-unting pagkawala ni Jovune at unti-unting pagbalik ng katawan ni Mae. Hahawakan ko na sana sya pero nawala sya bigla.

“Anong nangyayari ba’t sya nawala. Nasan si Mae.” Pinipigilan ko lang na tumulo luha ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

“Ooopppsss. I forgot to tell you, hindi sya mabubuhay dito. She’s in human world right now, you need to find her before it’s too late. Bye!” at bigla nalang syang nawala. Arrrrgggghhh! Kahit kailan talaga makulit ang kapatid nya.

“Kailangan nating maghiwa-hiwalay upang mahanap sya agad. Alis na ako ayokong maka patay ng tao ngayon.” Alam kong ako ang pinaparinggan ni Kuya Drey nun.
*end of flashback*
Kaya ayon naghiwa-hiwalay kami upang mahanap si Mae dito sa mundo ng mga tao, at dahil ni isa samin walang nakahanap sa kanya, ayon na-isipan naming pumasok sa mga unibersidad at nagbabakasakali na Makita sya na effective naman dahil nakita nga namin sya, pero asan na ba si Kuya Drey at di pa nagpapakita hanggang ngayon ganun ba talaga kalaki ang galit nya sakin at ayaw nyang magpakita samin ni anino nya man lang.

  “So anong plano mo ngayon? Nakita mo nga siya pero ikaw na nga ang nagsabi di ba? Hindi ka niya kilala at talagang tinotoo talaga ni Kath ang sinabi nya ha, Mae will lose her memories.” Nagsalita na rin si Chris sa wakas.

“Simple lang kukunin ko sya at ipapaalala sa kanya ang lahat.” Easy as pie di ba?

“Nasisiraan ka na ba ng ulo? Gusto mong lumayo sya sayo?” tama si Sheen.

“O baka gusto mo syang hamunin ng racing.” Minsan na ngang magsalita tong si Jay di pa tama ang nasasabi. Umalis nalang ako dun at magpapahangin nalang muna, don’t worry Mae Smith I will get you by hook or by crook.


Mae’s POV
Di pa ako maka get-over sa race namin ni Raptor kanina, akalain mo? Malapit na akong makapatay kanina pero dahil pro driver ako naiwasan ko sila haha ang galing ko di ba? Kaya ngayon na sakin na ang TOYOTA GT 86 (WHITE PEARL) nya hahaha nanghahamon kasi ng race di naman pala kayang Manalo hahaha yan tuloy ubos lahat ng kotse nya. Pauwi na nga pala ako ngayon dahil alam nyo na malapit na ang curfew hours ko. Baka maging si Hulk na naman yung kapatid ko sa sobrang protective nya sakin. Nang makarating na ako sa bahay ipinark ko na agad ang kotse ni Raptor na kotse ko na ngayon hahaha teka kanina pa ako tawa ng tawa ahh…. Hindi pa naman siguro ako nasisiraan ng ulo no? Pagka park ko sa kotse bumaba ako agad at daig ko pa ang magnanakaw kung makapasok ako sa bahay dahil sobrang tahimik ng paglalakad ko, haha naiwasan ko na naman si Kuya.

“MAE SMITH!!! SAN KA NA NAMAN GALING!!!” sabi ko nga ehh di ko sya matatakasan. Humarap ako kay Kuya at binigay sa kanya ang pinaka maganda kong ngiti.

“Kuya naman may ginawa pa kasi akong project sa school kaya gabi na ako naka-uwi.” Please maniwala ka, maniwala ka.

“Ahh ganun ba? Sige magbihis ka na dun para makakain na tayo.” Kaya ayon taas noo akong pumunta sa kwarto at nang bubuksan ko n asana yung pinto upang maka pagbihis na ay sakto namang may tumawag kay Kuya kaya nakinig muna ako.

“Ohhh pare napatawag ka? Ano?! Ahh sige-sige bye.” Sino kaya yung tumawag kay Kuya.

“Kuya sino yun?” pero mali ata ang tanong ko, ang sama ng tingin nya sakin ehh.

“MAE SMITH!!! NAKIPAG RACE KA NA NAMAN BA!!!” di ata tanong yun ehh. 

“Ehh Kuya…” di na nya ako pinatapos dahil….

“GROUNDED SI ICE NG TWO MONTHS AT DAHIL MUNTIK KA NANG MAKASAGASA MAGCOCOMMUTE KA SIMULA BUKAS!!!” ANO??? Pati ba naman ang Ice ko madadamay?! Wag kayong magtaka car ko si Ice at sariling pera ko ang ginamit jam para mabili sya.

“Kuya di ako marunong magcommute.” Pagdadabog ko kay Kuya malay mo naman di ba umepekto.

“EDI MAGPATURO KA!!! MAGBIHIS KA NA NAGUGUTOM NA AKO!!!” arrrggghhh ang ingay nya talaga! Kaya ayon no choice ako kailangan magcommute. Mamimiss ko Ice ko. Pagkatapos naming kumain ni Kuya ay nagbihis ako, gusto ko munang mag pahangin.

“And where do you think you’re going young lady?” ayan na naman sya sa pangingi-alam nya.

“Somewhere far away from here Kuya. I want to smell fresh air. It sucks here.” Talagang badmood na ako. Mabait naman si Kuya kaso masyadong over protective sakin kaya nakakasakal na.

“You’re not going anywhere Mae.” Ito na naman kami sa pagtatalo naming dalawa.

“Pano kung gusto talagang umalis?! Kukunin mo na rin credit card ko?! Kukunin mo lahat ng mga gamit ko?! Mas mabuti pa nga sigurong palayasin mo nalang ako dito ehh! Nakakasakal ka na Kuya sana alam mo yan! Nagiging O. A. ka na sa pagiging over protective brother mo! Malaki na ako alam ko na ang mga gusto kong gawin kaya pwede ba?! Stop messing with my life!” lumabas na ako nun pagkatapos kong masabi sa kanya lahat ng hinanakit ko at parang gumaan nga ang pakiramdam ko pero nakakaguilty ehh, kapatid ko pa rin yun at sya ang dahilan kung bakit ako nakakapasok sa magagandang paaralan at kung bakit hindi ako naghihirap ngayon. Aiiiissshhh! Makapunta na nga lang sa bar. Pero pano ako pupunta dun di ko nga alam mag commute, aaiiiissshh! Oo na! spoiled brat ako at lumaki ako na walang alam sa buhay. Pero marunong naman akong magluto at gumawa ng mga Gawain sa bahay ha, baka kasi isipin nyong wala talaga akong alam ni isang Gawain. Naglakad-lakad nalang ako since di ko rin naman alam ang pag cocommute. Sana ok lang si Kuya, naguiguilt kasi ako sa mga sinabi ko sa kanya kanina. Aba’t Mae dapat lang konsensyahan ka nakakatandang kapatid mo kaya yun. Teka! San na nga pala to? Wag mong sabihing nawawala ako dahil isa akong racer at dapat alam ko ang mga pasikot-sikot sa lugar na to. Shit! Nawawala nga ako, san ba ako dumaan kanina. Di ko pa ata napasukan tong lugar na to…. Masikip rin kasi yung mga daanan dito kaya talagang di makakapasok ang Porsche ko dito. Ayun may tao! Magtatanong na nga lang ako para maka-uwi na.

“Ahh Kuya saan po daan dito papuntang bus station? Nawawala po kasi ako.” Tanong ko dun sa mukhang toku ang mukha. Bakit ba?! Ehh sa mukha talaga syang toku ehh. Pasalamat nga sya naikompara ko pa yang mukha nyang hindi mo alam kung ano ehh.

“Wow chixs pare ohh hahaha! Nawawala ka ba Miss? Gushto mo sha bahay ka nalang namin matulog? Hehe.” Batukan ko to ehh. Pasalamat sya nanghihingi ako ng tulong sa kanya kung hindi pa talagang kanina ko pa to binigyan ng dalawang black-eye.

“No thanks. Just tell me where the way to bus station is so that I can go home already.” Napapasubo ako sa English ngayon ahh.

“Oy englishera! You want to know where the way to bus station huh? Go straight then turn right, then turn right again, then turn right again.” Wow englishero si Kuya ha may pa “turn right again” pa syang nalalaman. Tinahak ko na yung tinuro nyang daan sakin kaya lang ang dilim ng pinapatahak nyang daan sakin. Nang malayo-layo na ako ay naramdaman ko na lang na may nakasunod pala sakin at kanina pa to. Pagtingin ko sa likuran ko mga limang lalaki pala ang nakasunod sakin kaya ayun para akong si The Flash kung makatakbo pero bigla nalang akong natapilok kaya ayun nag ka injured yata ang paa ko, pero pilit pa rin ako sa pagtakbo dahil ayokong maabutan ng limang gons na yun noh. Takbo lang ako ng takbo ng may biglang humila sakin at tinakpan ang bibig ko kaya di ako makasigaw. Gusto ko syang sipain sa pinaka-ingat-ingatan nya pero ang sikip ng posisyon namin ehh halos magkiss na kami kung wala lang tong kamay nya. Pilit pa rin akong kumakawala sa kanya ng magsalita sya.

“Shit! Wag kang malikot baka malaman nilang nandito tayo.” Mahina lang pero dinig na dinig ko naman na sabi nya. Nang maka-alis na yung limang gons ay lumabas na ako sa sulok na yun at tinignan yung lalaking nagligtas sakin.

“IKAW??!!!” yan ang una kong nasambit ng lumabas na sya sa sulok, sino bang di magkakaroon ng ganitong reaction kung ang taong nagligtas sayo ay ang taong malapit mo nang masagasaan.

THE TWISTED FAITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon