AJ’s POV
Wala akong maalala sa nangyari basta ang alam ko lang nung bumalik na ako sa kubo may pina-inom sakin na kung ano yung bakla tapos ayun bigla nalang nag itim paningin ko kay Mae. Parang gusto ko syang patayin. Kung anong pinapagawa ng bakla sakin ay ginagawa ko naman. Hanggang sa naramdaman kong nawawala na ang pagdilim ng paningin ko at napabitaw nalang ako sa hawak ko nang makitang nakasaksak ito sa puso ni Mae, isa itong Golden Blessed knife na galing pa sa kanuno-nunoan ng mga majestics.
“Mae…” bigla nalang akong napaluha ng maramdaman kong nagiging abo na sya.
“Mae no…. no…. Mianhae (sorry)…. Please don’t leave me… Jebal (please).” Unti-unting iniihip ng hangin ang katawan ni Mae hanggang sa mawala ito and I was like a child crying na walang nagawa kundi ang umiyak lang ng umiyak.
“Aj… anong nangyari.” Nang i-angat ko ang mukha ko nakita ko si Kuya na parang disappointed sa nangyayari.
“She’s gone *sobs* Kuya she’s gone. Iniwan na niya ako *sobs*. Ako an gang dahilan *sobs* kaya sya nawala. Mianhae (sorry). It’s my fault. It’s my fault.” Iyak lang ako ng iyak hanggang sa maramdaman ko ang kamao ng nakatatanda kong kapatid sa mukha ko.
“SABI KO NA NGA BA EHH!!! DAPAT DI KO NA SYA PINALAPIT PA SAYO!!! IBALIK MO SYA AJ!! IBALIK MO SYA… walang hiya ka…” bigla nalang akong napaluhod sa harapan ng kapatid kong umiiyak na rin habang yung iba naming kasamahan ay umiiyak lang. Oo, inaamin ko para kaming bakla ngayon na umiiyak pero babaeng mahal namin yun ehh. At di ko mapigilang sisihin ang sarili ko sa mga nangyari.
(Few Years Later)
“AJ!!! GUSTO MO BANG PALIGUAN KITA NG MAINIT NA TUBIG JAN!!” arrrgggghhhh!! Ba’t ba ang ingay ng babaeng to. Makagising na nga lang baka tutuhanin nya pa ang pag ligo sakin ng mainit na tubig ehh.
“Ba’t ba ang ingay-ingay mo?! Di pa pwedeng tumahimik ka man lang ng isang araw?” yan ang una kong nabulyaw kay Gel’z pagkababa na pagkababa ko sa dining.
“Hay naku Aj Taylor ewan ko sayo. Ayaw mo bang pumasok? O gusto mong malate.” Psssshhh. Ba’t pa kasi kami pumunta dito sa mundo ng mga tao.
“Pwede namang wag na akong pumasok. Kayo nalang tinatamad akong pumasok.” Sagot ko sa kanya.
“Hoy Aj! Wag kang unfair jan. Baka gusto mong mabugbug ng kapatid mo.” Tss. Ayan na naman sila sa pananakot sakin. Di naman effective ehh.
“Wag ka nalang magsalita Louie pwede? Mabaho na nga tong bahay na to, nakikisali ka pa.” bigla nya namang inamoy hininga nya. Uto-uto talaga.
“Pwede bang mag bihis nalang kayo nang di na magkaroon ng world war III dito.” Bigla naman kaming nag sibihis lahat pag si Sheen na talaga ang nag salita lahat kami natatameme. Ehh sa ayaw naming matulad kay Niq na bugbug palagi ehh, buttered boyfriend kasi. Pagkatapos ko namang mag bihis ay lumabas na ako sa kwarto ko at nakita ko na naman silang lahat na ok na at ready nang pumasok. Kinakabahan ako kasi hindi ka pwedeng gumamit ng kapangyarihan dito. Kaylangan naming kontrolin ang mga sarili namin. Nang makarating na kami sa paaralan talagang nakaka disappoint kasi naman mas Malaki parin ang hq dito ehh. Pagkalabas na pagkalabas namin sa mga kotse namin… oo tama kayo nang basa MGA kotse. Gamit ni Niq ang MERCEDES Benz SLK 350 AMG Sport nya at sakay nya si Sheen habang AUDI R8 naman ang dala ni Louie at syempre magkasama sila ni Gel’z. DODGE CHALLENGER naman ang dala ni Jay at kasama nya si Chris at Rince. Masyado kasing humble to si Chris iniwan yung kotse nya sa bahay kasi nahihiya daw syang dalhin yun dito. Maganda naman ang sasakyan nya isang BMW 320d EXECUTIVE PACKAGE. Dala ko naman ang LAMBORGHINI GALLARDO ko. Pero balik na tayo sa topic natin pagkalabas na pagkalabas namin sa kotse ay dinumog agad kami ng mga babae. Makikita mong nagpipigil sa galit sila Sheen at Gel’z dahil sa mga babaeng nakakapit kay Louie at Niq. Naka labas na sila Niq at Louie habang kami nila Jay, Rince at Chris ay naiwan dito. Langya! Grabe kung makakapit ang mga babae dito.*ZOOOOMMMM* natulala nalang ako sa dumaan.
“GAGO KA!!! MALAPIT MO NA KAMING MAPATAY!!!” isang PORSCHE CARRERA 4 CABRIOLET lang naman ang dumaan sa harapan namin na muntik na naming ikamatay.
“Shit! May balak ba yung patayin tayo?” napamura nalang si Jay sa nangyari habang si Chris at Rince naman parang wala lang sa kanila na muntik na kaming mamatay. Ok lang naman kung ang mga babaeng to nalang ang mamatay wag lang kami. Kung titignan mong mabuti ma-iisip mong isang car racer ang taong yun pero kahit na isa syang car racer di parin tama na ganun syang mag maneho lalo na sa school zone. Di ko sya Makita nung makalabas sya dahil napaligiran sya agad ng mga lalaki pagkababa nya sa sasakyan nya.
“Ang astig mo talaga Ice! Akalain mo naiwasan mo na ngang patayin yung mga tao dun! Nanalo ka pa sa race mo ngayon kay Raptor!” sabi nung lalaking malakas ang appeal pero mas ma appeal naman ako dun no.
“Naku Ice! Patay ka na naman sa kapatid mo nito pag nalaman nyang nakipag race kana naman. Hahaha.” Lalaking cute…. Ang height.
“Di nya naman malalaman kung walang magsusumbong ehh.” So nagsalita na rin sa wakas yung Ice na muntik nang pumatay samin. Pero may iba ehh mag kaboses sila. Kahit na! kahit na magkaboses sila dapat ko parin syang harapin dahil muntik na nya kaming mapatay. Kaya ayun nakipagsiksikan ako sa mga lalaking to. Mahiya naman sana sila sa mga mukha nila no…. ang gwapo-gwapo ko.
“HOY IKAW!!! TATAWA-TAWA KA LANG BA DITO AT DI MAG SO-SORRY SAMIN NG MGA KAIBIGAN KO KAHIT MUNTIK MO NA KAMING MAPATAY!!!” naka talikod sya sakin kaya hinarap nya ako.
0.0<<<<< ako
-.-<<<<< sya
“Di ko naman siguro kasalanan kung haharang-harang kayo sa daanan di ba? Come’on Mister it’s your fault not mine. Hey! Hey! Are you even listening?! Tsss…. Maka-alis na nga dito.” Tapos ayun sya umalis habang ako dito naiwang naka nga-nga.
“Hoy! Ok ka lang?! Nadedma ka ata sa babaeng yun ah. Sino ba yun?! Gawin na nating ulam.” Hindi parin ako maka recover. Sa wakas nakita na rin kita.
MAE SMITH

BINABASA MO ANG
THE TWISTED FAITH
Teen FictionMae's POV Di ko na alam kung san ako napadpad sa pag tatakbo ko ng mabilis. Gubat naman ang paligid ng headquarter namin kaya di nila ako mabilis makikita ditto sa paborito kong lugar. May ilog dito, mga bundok, mga bulaklak, mga puno at higit sa la...