My Bestfriend is Back

3 0 1
                                    

Sheen’s POV
Bigla akong natatarantang lumabas ng kwarto ng may sumigaw ng sunog, at nang lumabas ako na nagpapanic nakita ko si Gel’z na tumatawa. Bigla naman siyang bumaba ng marinig niya ang tunog ng door bell. Nakaka badtrip talaga yung babaeng yun, kung di ko lang yun bestfriend talagang pinatay ko na yun. Kaya ito ako ngayon nag bibihis, nang makalabas ako ay naka bihis na rin si Niq kaya sabay na kami ni Louie na bumaba sa sala. Nang maka baba kami ay naging maldita mood na naman ako kaya di ako tumingin sa mga taong nandito.

“Magandang umaga po ^^.” Napa tingin ako sa nagsasalita at napa nga-nga nalang ako.

“Mae Smith.” sabay talaga kaming tatlo. Bigla ko na lang niyakap ng sobrang higpit si Mae, siguro dahil sa matagal na pangungulila.

“Ahh… Sheen sobra mo ata siyang namimiss di na kasi maka hinga si Mae ehh.” Bigla na lang akong napa bitaw sa pagkakayakap kay Mae, tama si Gel’z sobra ko talagang namimiss tong babaeng to.

“Ku-kumusta ka na?” nauutal kong tanong sa kanya. Di ko alam pero parang ramdam kong kilala niya ako…. Kilala niya kami.

“Ok lang. You must be Sheen. And you must be Gel’z.” kilala niya nga kami pero pano? “Actually palagi ko kayang napapaniginipan kaso blurred nga lang pero wag kayong mag-alala sabi kasi ni Kuya Drey si Gel’z yung makulit at si Sheen naman yung mas maganda pero maldita…. No offense.” Sarap talaga sapakin ni Drey mabuti na lang at may maganda. Bigla namang pumasok si Aj na may kasamang mala anghel sa kagwapohan na lalaki.

“Si-sino sya?”na-uutal na tanong ni Gel’z sabay turo niya pa dun sa lalaki.

“Ahh si Josh nga pala. Boyfriend ko.” swerte niya naman. Teka? Pano si Aj…. Akala ko ba Fiancee niya si Mae. Tumingin naman ako kay Aj at binigyan niya lang ako ng “ok lang ako” look kaya nginitian ko na lang siya. Tumingin rin ako sa iba at parang na gegets na nila kung anong nangyayari dito. Nagkwentuhan lang kami ng nag kwentuhan nang may kumatok sa pintuan, binuksan naman ito agad ni Mae at may lumabas na babae mula sa pintuan.

“Si Llana nga pala bestfriend ko.” ouch! Nasaktan ako dun ha akala ko kami pa rin ni Gel’z bestfriend niya, pero may something sa girl na to ehh parang di ako komportable na nandito siya. Naramdaman ata ni Drey na tahimik kami kaya nagsalita na sya.

“Ahh asan nga pala sila Chai at Chelyn di ko ata sila nakikita mula pa kanina.” Di niya pa pala alam.

“Bumalik na sila. Di daw kasi kaya ni Chai na pabayaan ang mag-ama niya, si Chelyn naman kailangan daw ng leader ang fairies kaya di niya maiwan. Si Queen at si Cai ayun busy sa mga love life nila.” Bigla namang nagtaka ang mukha ng dalawang tao. Shit!

“FAIRIES???” OMO!! Tao nga pala sila.

“Ahh…. Ano…. Ahh yun yung tawag sa mga tao sa baryo nila fairies heheh.” Mabuti nalang magaling magpalusot si Niq My Loves ko. Teka, ngayon ko lang namalayan ba’t ang tahimik ng apat na to. Para kasing kabute to si Ren’z pasulpot-sulpot kahit saan. Iba talaga ang charisma ng babaeng to, ang ganda niya from heaven hanggang sa kailalim-laliman ng mundo. Gusto ko silang kausapin gamit ang pag brai-brain message kaso bawal kaming gumamit ng powers naming dito. Nag-usap-usap lang kami sa mga maliliit na bagay hanggang sa nag paalam na sila Drey upang umalis. Di ko alam pero parang may kung anong something akong nararamdaman dun sa dalawang tao.

“Kath?? Ohh my God. No!!! Stop it!!” Lahat kami napatakbo palapit kay Gel’z nang para syang nangingisay sa sobrang takot niya. Pilit ko siyang ginigising pero ayaw niyang magising.

“I can’t wake her up! What’s happening!” Nagpapanic na kami dahil hindi namin magising si Gel’z.

“Babe. Gel’z gumising ka. Gel’z!” pati si Louie ay di na alam kung anong gagawin niya. Exchanging memories magic. Tama!

“Aj kailangan mong pumasok sa isipan niya.” Bigla namang napalunok si Aj, anong ibig sabihin ng paglunok niya. Wag niyang sabihing.

“Di ko na alam kong paano yun gawin.” Anong.

“So anong plano mo?! Pabayaang mamatay si Gel’z dito?! Sinong hihingan natin ng tulong! Si Mark?!” Isa nalang ang pag asa namin.

“Si Mae.” Sabay-sabay naming suggest.

THE TWISTED FAITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon