The Past

0 0 0
                                        

"Nuga? (Who?)" Is this my nightmare already? Then from the house of Gel'z nag change into dark woods ang na puntahan ko.

"Reveal yourself!" I demanded. Paanong ito ang nightmare ko ehh di ko pa to napupuntahan. Then from the darkest spot of the woods, someone showed up.

"Naaalala mo pa ba kami Mae?" They look familiar, pero di ko maalala.

"I'm sorry but i'm afraid I can't remember you." Sino sila?

"Hindi mo ba naaalala ang Mystic Falls? Hindi mo maalala ang Eomma (Mama) at Appa (Papa) mo... At ang Oppa Mark mo?" Hindi ko alam pero may bigla nalang butil ng tubig na nanggaling saking mga mata ang nahuhulog.

"Who are you? Ba't kayo ang nightmare ko?" I ask them. They smiled and answered...

"We are your family Mae. We are your family whom you murdered."

AJ's POV

Hindi ko alam ano gagawin ko pag nawala ka pa ulit Mae Smith. Kaylangan mong bumalik para samin. While waiting bigla nalang kaming napabalikwas ng tayo ng magising si Gel'z bigla. We waited for a few minutes upang magising na rin si Mae... Pero its been 5 minutes already, ba't di pa sya gumigising.

"Gel'z, ba't wala pa si Mae." kalma kong pag tatanong sa kanya.

"I-i don't know." bigla kaming nangamba lahat sa sinabi niya.

"Di kaya... She was stocked dahil nakaharap niya na rin ang nightmare niya?" She needs help kung yun nga ang nangyari.

"What are you saying Rince?" tanong ni Sheen kay Rince ng mag salita ito.

"Kung papasok ka sa nightmare ng isang tao may posibilidad na makaharap mo rin ang nag iisang mong kinakatakutan o nightmare. Kung mangyari man ito kailangan mong tatagan ang loob mo dahil kung hindi..." lahat kaming may alam ay natahimik.

"Kung hindi ano?!" tanong ni Louie kay Kuya Drey.

"Kung hindi... Di ka na makakabalik at unti-unting mawawalan ka ng hininga." si Chris na ang sumagot sa tanong niya.

"I'm going in." lahat sila napatingin sakin.

"Aj stop. Paano kung ikaw naman ang di maka labas. It would be too risky kung ikaw naman ang maiwan." sabay hawak ni Kuya Drey sa braso ko upang pigilan ako. Yan din ang kinakatakutan ko pero kailangan kong tulungan si Mae.

"Di ko siya pwedeng pabayaan. She needs my help." tapos unti-unti kong tinanggal ang pagkakahawak niya sakin. Babalik ako Kuya. I promise. Tapos humiga na ako sa tabi ni Mae kung saan humiga si Gel'z kanina.

Mae's POV

They're my what?! Wait! This is my nightmare so hindi to totoo, pero the persons involve here is in the real world also. So totoong kilala ko sila at kilala nila ako pero ba't di ko sila maalala? At ba't sinasabi nilang pinatay ko sila at ako ang pumatay sa kanila. Drug user ba ako noon dahil pinatay ko sarili kung kapamilya? Pero hindi nabanggit sakin ni Kuya Drey na may pamilya ako. Wait! Kailangan ko ng gumising.

"Iiwan mo na naman kami? Palagi mo nalang kaming iniiwan. Hindi pa ba sapat ang pag patay mo samin?" tapos biglang nag setting. Ito na ba yung panahon na pag patay ko sa kanila? Bigla nalang akong napa atras nang makita ko kung pa'no ako pumatay. Ganito ba talaga ako noun? Mas lalo akong nangamba ng may kamay na tumakip sa mga mata ko.

"Wag kang mag padala sa panlilinlang nila. Gusto nilang mamatay ka. Bumalik ka sa katinoan mo Mae." Familiar ang boses nang nag sasalita.

"A-Aj." Nawala bigla ang takot ko. Ba't niya ako nililigtas palagi? Ba't ba nandun siya palagi sa tuwing nangangailan ako ng tulong?

"Calm down. We need to go back. I will explain everything kung makakabalik na tayo." Nakinig nalang ako sa kanya at nag salita na ng spell. Pagkagising ko ay si Aj na ang katabi ko at di na si Gel'z. Hinintay kong magising si Aj pero ba't ang tagal niya.

"AJ... AJ wake up!" ba't di pa sya gumigising.


****Sorry for the late update. Thank you nga pala sa nagpapatuloy paring bumasa kahit lame hehe.***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE TWISTED FAITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon