My Twin Brother

11 0 0
                                        

-After 4 Hours-

"Mae? Ok ka na ba?" Ja-jay? Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

"Jay? Kumusta si Gel'z?" natatakot ako para sa kalagayan ng babaeng yun.

"Kaya nga hinihintay ka naming magising Mae dahil di namin alam kung anong gagawin sa kanya" oo nga pala, di nila alam kung ano ang magagawa ng isang bampira.

"Asan ba sya?" nanghihina parin ako pero kaylangan ko munang puntahan si Gel'z.

"Andun sa kwarto nya binabantayan ni Louie. Alalayan na kita, alam kong di mo pa kayang tumayo." Mabuti alam niya, masakit parin kasi ang likod ko. Papunta ako ngayon sa kwarto ni Gel'z, habang si Jay naman ayun inaalalayan lang ako.

"Gel'z?" andito na kami sa kwarto niya. Nag-uusap ata sila ni Louie.

"Mae? Bakit parang may nag-iba sakin. Bakit marami na akong nadidinig. Bakit kahit nasa malayo ay nababasa ko ang isip nila Louie. Bakit kahit madilim ay malinaw parin ang paligid ko. Ba't ako nagkakaganito Mae, mamamatay na ba ako?" talagang nag-iba sya.

"Isa ka nang bampira katulad ko Gel'z. Yan ang nangyayari sa isang tao kapag naging bampira na sila. Alam kong mahirap pero kaylangan mong tanggapin, kaylangan nating tanggapin na hinde kana tao." Bigla naman syang naiyak sa sinabi ko.

"Panu ko to masasabi kina Mommy at Daddy. Na isa na akong halimaw. Na isa na akong halimaw na umiinom ng dugo ng tao. Panu kong mapatay ko sila." Niyakap naman sya ni Louie. Pero sa totoo lang nasaktan ako sa sinabi nya. Ibig sabihin pala nun halimaw ang tingin nila sakin.

"Wag kang mag-alala tutulongan kita. Atsaka Gel'z di tayo halimaw. Dahil hinde naman natin pinapatay ang mga tao, tayo panga ang tumutulong sa kanila kaya wag na wag mong sabihin na halimaw ka, lalong-lalo na sa harapan ko." Tsaka ako umalis. Baka kasi masaktan ko pa sila pag di pa ako umalis dun. Isa pala akong halimaw sa paningin nila. Akala ko tanggap nila ako.

"Mae" ba't pa sumunod ang mokong natu.

"Ba't ka pa sumunod baka masaktan lang kita Jay. I'm a monster." Sabay talikod ko pero hinawakan nya lang ang braso ko at niyakap ako.

"You're not a monster Mae, you're a hero who saves people." Ba't parang umiiyak na ako. I can feel that I'm safe in his arms. Pero bakit parang bumibilis ang pulso ko. Pulso ko ha hinde puso. Di ako inlove sa mokong natu noh.

"Ahh Jay, pwede mo na akong bitiwan." Ba't ayaw niyang bumitaw. Pinilit kong lumayo pero ang higpit nag pagkakayakap niya.

"Teka lang" anong sabi niya? Sumusobra natu eh..kaya ayun tinulak ko sya at sa sobrang malas ko na higit nya rin ako, kaya parihas kaming natumba at ang posisyon namin ngayon ay napailaliman ko sya at magkaharap pa kami. *dugdugdugdug* ano to? Ba't ang lakas ng tibok ng puso ko. Pati rin naman ang puso nya malakas din ang pagtibok nito. Ba't sya nakatitig sakin.

"Hoy! Anong ginagawa niyo!" shit! Bigla nalang akong napatayo nung magsalita si Aj (Ark John Taylor).

"Aj let me..." nilapitan nya nalang bigla si Jay at sinuntok.

"Gago ka fiancée ko pagsasalamantahan mo?!" shit! Anong gulo na naman tong napasok ko.

"Pwede ba Aj, wag kang o.a." nagsalita pa talaga sya.

"Aj wala kaming ginagawang masama. Natumba lang sya at nung tutulongan ko na sana sya ay natumba naman ako." Maniwala ka.

"Hinde ako tanga upang paniwalaan ka Mae. Majestic rin ako katulad mo." Nakakapikon natu ehh.

"Bakit ano bang paki mo! Di ba di naman ako ang gusto mo! Akala ko ba si Gel'z ang gusto mo! Ako lang naman ang tanga sa relasyong to di ba?! Aj naman. Tama na! Ayoko nang maging tanga pa. Oo, ikaw ang napili nang mga magulang ko pero alalahanin mo Aj, ako lang naman ang nagmamahal dito. Dahil kahit anong gawin ko iba parin ang laman at nagpapatibok ng puso mo." Yan umiiyak na talaga ako ng tuluyan. Ayoko na dito. Aalis muna ako.

THE TWISTED FAITHMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon