Fiancee KO

1 0 0
                                        


“KUYA???” sabay naming tanong sa isa’t-isa.

“Magkapatid kayo?! Magkapatid tayo?” tanong na naman naming sa isa’t-isa. Teka di kami pwedeng maging mag kapatid. Fiancée ko si Mae tsaka di pwede maging “My Fiancee is My Sister” ang maging story namin. I know my brother has a better explanation on this problem.

“Mae siya yung kapatid kong lalaki na tinutukoy sayo. Aj let’s talk outside.” Lumabas naman si Kuya Drey habang sinusundan ko lang siya. Nang maka layo na kami sa kwarto ay nagsalita na ako.

“Kuya ano to? Ganun ba talaga kalaki galit mo sakin at balak mo kaming maging mag kapatid? Kuya naman sorry kung naging pabaya ako kay Mae noon, pero di naman pwede to.” Oo alam kong ang o.a. ng reaction ko pero magiging kapatid ko fiancée ko?! di nap we-pwede yan.

“Ang o.a. ng reaction mo Aj. Kaya siya nagkukuya sakin dahil alam niya ang totoo, di ako ganun kasama para sabihin sa kanya na magkapatid kami. Alam niyang magiging nakakatandang kapatid niya rin ako pag dumating na fiancé niya na kapatid kong lalaki.” Alam ni Mae na ako yung fiancé niya?

“Pero ba’t di niya ako kilala? Tsaka ba’t may boyfriend siya ngayon?” nagpakilala ako sa kanya kanina pero nahimatay lang sya.

“Di ko sinabi kung anong pangalan mo. Nang magising siya sa matagal na pag tulog nagpakilala ako na kapatid ng fiancé niya. Di ko siya ma iwan-iwan dahil sa kondisyon niya kaya di ako maka balik sa inyo agad. May boyfriend siya dahil nangako siya na pag dumating ka na ay hihiwalayan na niya si Josh.” Aba! Dapat lang hiwalayan na niya yang boyfriend niyang ahas.

“Pero alam mo ba kung ano ang ginagawa ng Josh na yun pag nakatalikod si Mae? Teka paano mo pala nahanap si Mae?” tanong ko sa kanya.

“Kaya nga Malaki ang pasasalamat ko dahil dumating ka na, unang kita ko palang sa Josh na yan alam kong sasaktan niya lang si Mae at alam kong may relasyon sila ng ahas na bestfriend ni Mae. Well, compared to you my dear little brother mas marami akong koneksyon ditto sa human world dahil dito ako lumaki. Nalaman kong may babaeng na admit sa isang hospital dito at walang maalala kahit pangalan niya, pinuntahan ko siya agad at pina-alala sa kanya ang lahat. Nang babalitaan ko na kayo may naramdaman ako bigla na masamang awra kaya inilayo ko muna si Mae at naisipan na kailangan niya munang maibalik ang kapangyarihan niya bago ko siya ibalik sa inyo, kaso naging mas mahirap ang pagtuturo ko sa kanya dahil wala talaga siyang maalala kahit isang majica man lang at isa pa hindi ako isang Majestic.” Ganun pala ang nangyari. Nang maka balik na ako sa kwarto ni Mae ay agad niya akong binigyan ng masamang tingin.

“So ikaw pala ang fiancé ko. Pasensya kana kasi may….” Alam ko na ang sasabihin niya kaya di ko na siya pinatapos.

“I’ts ok Mae. Alam kong mahirap to lahat para sayo. Don’t worry I’ll give you space.” Alam kong nahihirapan na siya sa sitwasyon niya ngayon at ayaw ko nang dumagdag pa. Tsaka alam kong mahal niya talaga tong Josh na to kaya tutulongan ko nalang siyang malaman ang totoo.

Dapat lang noh, ang tagal mo kayang dumating sa buhay ko tapos ngayon ka pa babalik na may mahal na ako.” Bulong lang yun pero dinig na dinig ko.

Sos mahal mo nga, mahal ka ba? Uto-uto kasi di nag-iisip.” Sarap niya kasing asarin ngayon, namimiss ko kaya tong babaeng to.

“Ako ba pinaparinggan mo?” tanong ni Mae na naka simangot ang mukha.

“Bakit? Guilty ka?” pangaasar ko sa kanya. Kumunot naman bigla ang noo niya.

“Inaasar mo ba ako?” pano niya nalaman? Hahah mind reader pa rin talaga.

“Di noh, ba’t naman kita aasarin…. Fiancée KO.” inemphasize ko talaga ang KO para malaman nang Josh na to na di ko talaga ibibigay si Mae sa kanya.

“Psssshhhh.” Sabay irap niya sakin. Tinignan ko naman si Josh at naka taas noo lang sya pero nakita kung kumuyom yung kamao niya. Tsss, selosong manloloko.

Gel’z POV
Mahimbing na ang tulog ko ng may maramdaman akong mangyayari kaya na pa bangon ako agad. Alam kong may lalabas na namang pangyayari na di naming inaasahan kaya pumunta muna ako ng balkonahe at nag pahangin muna. Sana naman di masama ang mangyayari. Nag-iisip lang ako nang may tumunog na kung ano sa kusina kaya na pag desisyonan ko na bumaba muna upang tignan kung ano yun. Nang maka baba na ako at tignan ang kusina, alangan naman ang sala yung tignan ko di ba? Kaya nga ako bumaba para tignan kung ano yung nandito sa kusina. Ayon nga pumunta ako sa kusina at pag tingin ko ay wala namang tao kaya babalik nalang ako sa kwarto ko.

“Wag kang gagalaw kung ayaw mo pang mamatay.” Natigilan ako sa paglalakad ng marinig ko yun.Medyo husky ang boses niya at may itinutok syang matalim na bagay sa tagiliran ko. Gusto kong sumigaw pero di ko magawa, ganito ba talaga ang feeling ng maholdap?

“Wha-what do you wa-want.” Tanong ko pero bigla nalang akong nag fu-future seeing. Kaya nanghina ako bigla, mabilis lang naman ang pag fu-future seeing ko kaya naibalik ko agad ang lakas ko.

“I want you.” Biglang tumayo lahat ng balahibo ko nang marinig ko ang sagot niya.

“Hi-hindi na po ako vi-virgin yu-yung iba nalang po ang rapen ni-niyo.” Nanginginig na ang boses ko at parang babagsak na ako any moment from now.

“Alam ko dahil ako naman ang dahilan kaya di ka na virgin di ba? Heheheh.” Bigla nalang uminit dugo ko nang malaman kung sino ang taong nananakot sakin.

“Walang hiya kang lalaki ka! Akala mo masaya yang ginagawa mo ha! Alam mo bang muntik na akong mamatay sa takot kanina! Bakit ba palagi mo nalang akong tinatakot ha Louie Petty!” pinaghahampas ko siya hanggang sa nagsawa ako.

“Babe naman sorry na. Nagjojoke lang ehh. Mianhaeyo jebal.”talagang mainit na ang dugo ko sa kanya kaya tinalikuran ko siya.

“Bahala ka sa buhay mo!” sabay lakad ko papasok sa kwarto ko.

“Babe! Sorry na.” sinarhan ko nalang siya ng pinto at humiga na ulit sa kama ko. Excited na ako bukas. Makikita ko na siya ulit. Makikita ko na ulit ang kaibigan ko. Makikita ko na ulit si Mae.

Louie’s POV
Ba’t di ako makatulog. Kanina pa ako dito sa kama ko pero di ako makatulog ni isang minuto man lang. Wala naman akong iniisip pero ba’t di ako maka tulog. Pupunta na sana ako sa balkonahe ng maramdaman kong nauuhaw ako kaya pumunta nalang muna ako sa kitchen, natural nandun yung cooler alangan namang na sa bathroom yung cooler di ba? Di rin naman kami si Aj na pati kwarto may Refrigarator. Nang maka punta na ako sa kitchen ay may bigla akong nasagi na canned goods na walang laman kaya umingay ito sa buong kusina. Pumasok nanaman siguro yung aso ng kapit-bahay namin dito at nagkalat na naman. Bigla naman ako nakaramdam na may bumababa sa hagdanan kaya nag tago ako sa maliit na sulok ng kusina namin. Si Gel’z lang pala at parang may hinahanap dito at nang di niya ata nahanap hinahanap niya ay balak niya na atang bumalik sa kwarto niya kaya bago paman siya maka balik.

“Wag kang gagalaw kung ayaw mo pang mamatay.” Bigla naman siyang natigilan nang sabihin ko yun at siguro naramdaman niya na rin yung ballpen na itinutok ko sa tagiliran niya.

“Wha-what do you wa-want.” She’s stummering at ang cute niyang tignan kahit naka talikod na nanginginig ang boses.

“I want you.” Ang bastos ata nang pagkakasabi ko nun.

“Hi-hindi na po ako vi-virgin yu-yung iba nalang po ang rapen ni-niyo.” Parang gusto ko nang tumawa ng pagka lakas-lakas kaso naalala ko na nandito pa pala siya.

“Alam ko dahil ako naman ang dahilan kaya di ka na virgin di ba? Heheheh.” Naawa na ako sa girlfriend ko kaya umamin na ako hahaha.

“Walang hiya kang lalaki ka! Akala mo masaya yang ginagawa mo ha! Alam mo bang muntik na akong mamatay sa takot kanina! Bakit ba palagi mo nalang akong tinatakot ha Louie Petty!” pinaghahampas niya lang ako dahil sa sobrang galit.

“Babe naman sorry na. Nagjojoke lang ehh. Mianhaeyo jebal.” Tinalikuran niya lang ako.

“Bahala ka sa buhay mo!” sigaw niya sabay lakad niya papasok sa kwarto niya.

“Babe! Sorry na.” hahabulin ko na sana siya kaso sinarhan niya ako ng pinto kaya umupo nalang ako dito sa labas ng kwarto niya hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

“Louie?” bigla akong napabalikwas ng gising dahil sa pagkauntog ng ulo ko sa pader.

“Ba-babe. So-sorry na.” sabay lugod ko sa mga mata ko, baka kasi may muta pa ako.

“Naku! Louie Petty pasalamat ka at mahal kita. Ayy teka lang.” sabay takbo niya, san naman kaya yun pupunta.

“Hoy! Saan ka pupunta.” Balak niya bang gisingin sila Sheen?

“SUNOG! SUNOG!” ano naman kayang trip nito.

“Asan yung sunog!” sabay labas ni Sheen sa kwarto niya at nag papanic. Ganon din yung naging reaction ni Niq. *DINGDONG*

“Andito na sila!” sabay takbo niya pababa sa hagdanan, habang si Sheen at Niq naman ay bumalik sa mga kwarto nila at nang makalabas ay naka bihis na. Sabay-sabay kaming bumaba sa sala at nakita agad namin dun si Gel’z na may kausap na babae. Nakapag tataka dahil wala naman siyang kinaka-usap na mga babae maliban kay Sheen, di ko masyadong Makita ang mukha ng kausap niya dahil naka takip ang bangs niya sa mukha nito. Bigla namang nanlaki mga mata ko ng Makita ko si Drey na naka-upo sa isa sa mga sofa sa sala.  Nang maka baba na kami ay agad na tumayo ang kausap ni Gel’z na babae.

“Magandang umaga po ^^.” Napa nga-nga nalang kaming tatlo sa babaeng kaharap namin ngayon. Di ako pwedeng mag kamali siya to. Ang nag-iisang babaeng Majestic.

“Mae Smith.”

THE TWISTED FAITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon