“Yes it’s me Mae. Long time no see.” Ang awkward ng moment, di ako maka pagsalita dahil sa inasal ko kaninang umaga. Teka, Mae? Pano nya ako nakilala. Di naman kami close ahh.
“Stalker ba kita? Di naman kita kilala ahh…. Pano mo nalaman pangalan ko?” tanong ko sa kanya.
“Ahhh kasi ano….” Sasagot na sana sya pero may biglang dumating.
“Ice! San ka ba nagpupupunta? Alam mo bang sobra-sobra ang pag-aalala ng Kuya mo sayo? Lalong-lalo na ako ng malaman kong di mo dala si Ice…. Alam kong di ka marunong mag commute kaya hinanap kita sa malalapit na lugar. Alam mo bang delikadong lugar tong napasok mo? Pati si Llana (Yana) sobra nang nag-aalala sayo, Babe naman wag mo naman kaming tinatakot ng ganun. Alam mo bang….. Sino to?!” sabay turo nya kay Mister Saviour ko. Wow ha inaako ko na sya, ang kapal naman ng mukha ko kung ganon.
“Aj Taylor. Her….” Si Saviour yan.
“My Saviour. Siya kasi ang nag ligtas sakin kanina ng may humahabol sakin na mga gons.” Di ko na sya pinatapos baka kasi sabihin nya.
“Aj… tulong….Aj hahah…. Aj Taylor pwede ba! Aj! Aj heheh… Aj Please” shit ano yun. Iba’t-ibang tinig pero iisa lang ang pangalan na nandun.
“Mae you okay?” tanong ni Aj at bago pa ako maka sagot naramdaman ko nalang na tutumba na ako.*blackout*
“It won’t happen. I’ll use my visibility. No one will see me kung gagamitin ko yun.” Ano to? Nasan ako?
“Sira ka ba?! Di mo ba alam na nandun si Mark?! Mararamdaman ka nya kahit na gamitin mo ang pagiging visible mo!” may nakikita akong babae at lalaki na nag-aaway, dapat ba akong maki-alam?
“I’ll be okay.” Di ko alam pero mukhang mag jowa sila o ano ba talaga.
“Aj…. Please” di ko ma gets kung anong pinag-uusapan nila.
“Sorry Mae…. I need to do it.” Di ko rin sila makilala dahil masyadong Malabo mga mukha nila pero pano napunta pangalan ko ditto, pati na rin ang kay Aj.
“Then let me go with you.” Pagpupumilit ng babae.
“No.” mukhang nagpipigil lang sag alit ang babae.
“Ano ba! Gusto ko rin namang tumulong! Ba’t ba ang selfish mo!” sigaw ng babae.
“I’m just protecting you Mae.” Bigla nalang umiyak ang babae tapos tumingin sya sakin.
“I don’t need you to protect me!!!” tapos tumakbo na sya palabas. Hahabulin ko na sana siya kaso nanlalabo na paningin ko.
“Mae! You okay?” bigla nalang akong nagising sa katotohanan na panaginip lang pala yun pero bakit parang totoo talagang nangyari yun, di ko lang maalala kung saan o kailan. Bigla nalang akong napatingin kay Aj at nagtataka kung anong kinalaman nya sa panaginip ko.
“Ice….” Bigla ko nalang naalala na may tao pa pala dito.
“Ahh Aj si Josh nga pala.” Nakipagkamay naman si Josh sa kanya.
“Josh Perez pare. Boyfriend ni Mae.”
AJ’s POV
Nang maka-alis na ako sa bahay parang gusto ko ng bumalik ulit, kasi naman wala rin naman akong magagalaan dito dahil wala pa akong kaibigan. Nag dri-drive lang ako nung may mahagilap akong babaeng tumatakbo dahil hinahabol siya ng limang lalaki. Agad akong bumaba sa kotse ko nang mamukhaan ko ito at agad na akong nagtago sa isang sulok upang walang makakita sakin. Nang dadaanan niya na sana ako ay agad ko na siyang hinugot at tinakpan ang bibig nya. Sa sobrang likot nya nasagi ang Jr. ko na parang di niya naman namalayan.
“Shit! Wag kang malikot baka malaman nilang nandito tayo.” Mahina lang yan pero madidinig niya naman siguro yan. Nang madaanan na kaming nung limang pangit ay agad ko na siyang binitiwan at agad-agad rin naman siyang lumabas sa sulok na kinalalagyan namin.
“IKAW??!!!” yan ang una niyang naibulyaw o maybe sigaw na yun sakin. Gulat din siya nung Makita niya ako.
“Yes it’s me Mae. Long time no see.” Shit! Nasabi ko pangalan niya. Pano ko sasabihin sa kanya ngayon kung pano ko nalaman pangalan niya.
“Stalker ba kita? Di naman kita kilala ahh…. Pano mo nalaman pangalan ko?” sabi ko na nga ba magtatanong talaga siya.
“Ahhh kasi ano….” Sasagot na sana ako pero bago ko pa masagot ang tanong niya ay may lalaki ng tumawag sa kanya.
“Ice! San ka ba nagpupupunta? Alam mo bang sobra-sobra ang pag-aalala ng Kuya mo sayo? Lalong-lalo na ako ng malaman kong di mo dala si Ice…. Alam kong di ka marunong mag commute kaya hinanap kita sa malalapit na lugar. Alam mo bang delikadong lugar tong napasok mo? Pati si Llana (Yana) sobra nang nag-aalala sayo, Babe naman wag mo naman kaming tinatakot ng ganun. Alam mo bang….. Sino to?!” ang o.a. ng reaction niya, akala niya siguro bata pa to si Mae, at may nalalaman pa syang paturo-turo sakin ha.
“Aj Taylor. Her….” Sasabihin ko na sana na fiancé niya ako kaso bigla namang sumingit si Mae samin.
“My Saviour. Siya kasi ang nag ligtas sakin kanina ng may humahabol sakin na mga gons.” Kaano-ano niya ba tong taong to. Oo, tao sya dahil di siya pangit. Gwapo siya pero di hamak na mas gwapo ako. Matangkad siya, maputi at ma-appeal. Bigla naman akong nagtaka nung hinawakan ni Mae ang ulo niya at parang matutumba.
“Mae you okay?” tanong ko sa kanya, ngumiti naman siya sakin pero bigla nalang siyang natumba at mabuti nalang ay nasalo ko siya agad. Di ba to kumain?
“Let me carry her, I have a car let me take her to a nearby hospital.” Gago ba tong taong to? Kitang ako ang naka salo kukunin nya pa sakin.
“Don’t worry I have a car. Just let me take her.” Kala niya poor ako? Huh! Masa mayaman pa ata ako sayo noh.
“Ohh! I see, okay I’ll be at your back.” Kaya ayon inihatid ko na si Mae sa pinaka malapit na hospital at agad naman siyang inihiga sa hospital bed ng mga nurse na umalalay sa kanya.
“Bibili lang ako ng makakain.” Bigla namang may inabot sakin tong kaibigan ni Mae.
“Here. Just take it for the expenses.” Anong akala niya sakin? Mata pobre talaga, pakitaan ko pa siya ng mga credit cards ko ehh.
“I don’t need that and please don’t talk to me. I still don’t know you.” Kasabay nun ang pag-alis ko para bumili ng pagkain. Nang maka balik ako ay siya namang paglabas ng doctor sa kwarto ni Mae.
“Doc how’s the patient?” tanong agad ni Mr. Mata Pobre.
“Well she’s fine… pero may na sabi ba siya sa inyo na naaksidente siya or something na nangyari sa kanya from the past?” tanong ng Doctor.
“Well as far as I know wala po.” Wala kasing alam kaya di alam ang sasabihin.
“Kasi the patient is having an anterograde amnesia. It refers to the inability to create new memories due to brain damage, while long-term memories from before the event remain intact. Anterograde amnesia cannot be treated with pharmacological methods due to neuronal loss. However, treatment exists in educating patients to define their daily routines and after several steps they begin to benefit from their procedural memory. Likewise, social and emotional support is critical to improving quality of life for anterograde amnesia sufferers. Kaya sumasakit ang ulo niya dahil unti-unti na niyang naaalala ang mga nakaraan niya. She’ll be fine but you need to keep an eye on her because everytime she’ll remember anything, she’ll always be having a migraine.” Ibig sabihin may naalala na sya at nangyari yun nung nagpakilala ako sa Mata Pobre na to.
“Thank you Doc. Can I see her already?” tanong ko sa doctor.
“Yes. Pero mas mabuti kung hayaan niyo muna syang magpahinga.” Pagka tapos nun ay umalis na sya kaya pumasok na ako sa hospital room ni Mae. Tinitigan ko lang sya nang tinitigan, nang mapansin kong wala yung Mata Pobre ay lumabas muna ako para hanapin sya. Nakita ko naman sya agad at parang may kausap sa cellphone niya, nang ibaba na niya cellphone niya lalapitan ko na sana siya upang kausapin pero naunahan ako nang isang babaeng lumapit sa kanya kaya nagtago nalang muna ako at tinignan sila habang nag-uusap.
“Kailangan na nating sabihin sa kanya Josh, nang di na lumala pa.” nagtatalo sila sa isang bagay kaya nakinig nalang muna ako dahil mukhang interisante ang pinag-uusapan nila.
“Not now Llana, she needs time to recover. She’s having an anterograde amnesia.” Bigla namang napatakip sa kanyang bibig ang babae.
“Pero…. Kahit na Josh mas mabuti nang sabihin natin yung totoo sa kanya habang mas maaga pa.” bigla namang hinalikan nung Mata Pobre ang babae at nagresponse naman yung babae agad. Mag boyfriend-girlfriend ata sila.
“Don’t worry Love we’ll tell her sooner. Okay?” tumango lang yung babae sa kanya at parang nakita niya ako kaya bago pa man sila maka balik sa kwarto ni Mae ay inunahan ko na sila. Nang makarating ako ay na abutan kong parang magigising na si Mae.
“Mae! You okay?” tanong ko sa kanya pero naka tulala lang sya, nang maramdaman niyang nandito ako ay tinignan niya ako na nagtataka. Wag mong sabihin na di niya ako na aalala.
“Ice….” Nandito na pala tong Mata Pobre na to..
“Ahh Aj si Josh nga pala.” Nakipagkamay naman si Josh sakin kaya tinanggap ko nalang.
“Josh Perez pare. Boyfriend ni Mae.” Boyfriend niya pala tong mata pobre na to? Teka! BOYFRIEND?! Pano…. Teka! Boyfriend niya to tapos may kahalikan na ibang babae nung tulog sya?
“Mae? Are you okay?” bigla namang pumasok yung Llana at hinagkan agad si Mae. One word pang describe ko sa kanilang dalawa. PLASTIC!
“I’m okay Llana. Don’t worry about me.” Nag smile lang si Mae sa kanya. Galit ako sa sarili ko pero mas galit ako sa kanilang dalawa dahil their cheating behind Mae’s back.
“Paano naman ako di ma wo-worry sayo ehh bestfriend kita.” BESTFRIEND?! Bestfriend niya yung ahas na to? Bigla namang napatingin si Mae sakin.
“Llana…. Si Aj nga pala. Aj si Llana bestfriend ko.” tumingin naman yung Llana sakin at biglang namutla, sigurado akong namumutla siya dahil alam niyang nakita ko sila kanina.
“Hi.” I gave her my most handsome smile…. Bakit ba?! Gwapo ako no so dapat gwapo rin smile ko. Act normal Aj, di nila pwedeng malaman na alam mo na talaga lahat ng plano nila.
“Yung Kuya mo pala nasa labas pa dahil may kausap sa cp niya. Baka papasok na yun maya-maya lang.” bigla namang bumukas ang pinto at mula dun nakita ko ang mukha ng taong matagal nang di nagpapakita sakin.
“KUYA?.” Sabay naming sabi ni Mae. Bigla naman silang napatingin sakin pero nakatingin lang ako kay Mae ngayon.
BINABASA MO ANG
THE TWISTED FAITH
Teen FictionMae's POV Di ko na alam kung san ako napadpad sa pag tatakbo ko ng mabilis. Gubat naman ang paligid ng headquarter namin kaya di nila ako mabilis makikita ditto sa paborito kong lugar. May ilog dito, mga bundok, mga bulaklak, mga puno at higit sa la...