Memories

3 0 0
                                    

                      Aj’s POV
                     It’s been years passed when that incident happened. That incident cause her to sleep for too long. Yeah. Hey! Still remember me? I’m Ark John Taylor one of the most strong Majestic. Nandito nga pala lahat ng Heroes sa living room.  We are planning kung ano ang dapat gawin ngayong wala na si Mae na magliligtas o tutulong samin.

“Kaylangan natin ng magandang plano Rince. Wag nating ipag sawalang bahala ang pagkawala ni Mae.” Masakit para kay Sheen na mawalan ng kaibigan. Aalis na lang muna ako dito.

“Aj san ka pupunta. Hindi pa tapos ang plano natin.” Tawag ni Rince sakin.

“Tapos man o hindi. Wala rin naman tayong magagawang plano kung wala si Mae.” Sagot ko sa kanya.

“Aj ang sabi ni Mae dapat marunong tayo kung wala siya.” Sagot naman ni Jovune.

“Ilang taon na ba tayong pabalik-balik sa planong yan. Marami na pero wala paring nangyayari.”  Sabay lakad ko papalayo sa kanila.

“He’s right Rince.” Tugon naman ni Chai. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa mapunta na ako sa isang silid kung saan nakalatag ang katawan ng isang babae na mahimbing pang natutulog.

“Hey princess. Wake up. Matagal na kaming naghihintay sayo dito. Di ka naman mawawala tulad nya di ba?” a tear fell down on my cheeks. I can’t stop the tear it’s just like may sarili syang buhay at ayaw nyang makinig sakin.

“Nagsasalita ka na naman sa kanya. Wag kang mag-alala Aj. Magigising na sya mamaya. I have a future seeing kanina at nakita kong magigising siya.” Magigising na sya? Pero ba’t malungkot sya.

“Ba’t ka malungkot? Di ba dapat masaya ka dahil magigising na sya?” may masama na naman bang mangyayari?

“Magigising sya…. Pero…” pero ano?

“Na-nasan ako?” huminto ang mundo ko ng marinig ko tinig nya. Is it true. Gi-gising na sya? Tumalikod naman ako at tinitigan ang maamo nyang mukha. Totoo ngang nakikita ko gising na sya. Bigla nalang akong lumapit sa kanya and hug her tight.

“Aj…” tawag ni Gel’z sakin pero di ko sya pinansin.

“Nakita kita nung isang araw dito na natutulog pero di kita ginising. Mukha ka kasing bago lang nakatulog nun.” Bumitaw na ako sa kanya at tiningnan sya.

“I’m sorry I’m just happy na gising kana.” Parang iiyak nanaman ako.

“Since palagi ka naman dito sa kwarto na to. Ka ano-ano ba kita?Sino ka? Ba’t ako nandito?” sunod-sunod nyang tanong na naging dahilan ng pagka tulala ko..

“Ma-mae?” bigla naman syang nag “ako ba?” look sakin. Anong nangyayari sa kanya. Prank ba to?

“Actually, Aj yan sana ang sasabihin ko sayo.” Kaya pala may bahid ng kalungkutan ang mukha nya kanina.

“So…. You can’t remember anything about me.” Sabay tango lang nya. Tumalikod nalang ako dahil parang di ko na kaya. Nagpunta ako sa roof top upang dun magpalipas ng sama ng loob sa mundo.

“A-aj?” ba’t pa sya sumunod.

“Ba’t ka pa sumunod. Dun ka muna lalamigin ka dito sa labas.” Sabay pahid ko sa mga luha ko. Opo umiiyak ako.

“Pa-pasensya na kung wala akong maalala. Nakikita ko naman kayo sa panaginip ko ehh.” Kahit pala tulog to nag fufuture seeing pa rin.

“Ang sakit lang Mae ehh. Ilang taon akong naghintay sayo tapos ngayon na gumising ka na? bumalik ka nga pero di mo naman kami…. Ako nakikilala. Alam mo bang ilang buwan ako di kumakain? Makita ka lang gumising at ok dun sa hinihigaan mo? Ba’t ba ang lupit ng mundo! Wala naman akong ginawang kasalanan upang parusahan nila ako ng ganito! Sana ako nalang ang nagdusa. Sana ako nalang ang nasa posisyon mo ngayon. Sana ako nalang ang walang maalala.” Sabay hawak ko sa ulo ko at umiyak. Wala na akong paki alam kung pandirian nya man ako sa pag-iyak ko. Akala ko umalis na sya pero iba ang ginawa nya. She cupped my face and kiss me on the lips and then she hugged me.

THE TWISTED FAITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon