"Samantha! Let's go!"
Dinig kong sigaw ni kuya mula sa garahe. Dali-dali naman akong tumakbo palabas ng bahay. Agad namang pinaandar ni kuya ang kotse pagsakay ko.
"Kuya, meron ka ba ngayon? Aga mong mag-sungit ha." Tanong ko matapos ilagay ang seatbelt ko. Nag-simula naman mag-drive si kuya papunta sa University.
"Tigilan mo ko, Samantha." Pag susungit niya.
"Omg! Meron ka!?"
"Hush, Sam!" Inirapan ko naman siya at inayos ko nalang ang aking buhok.
"Eh ang sungit mo kasi. Ano ba problema mo, kuya? Basted ka?"
"Hindi ko pa nga nililigawan, basted na agad?" Pabulong na sagot ni kuya pero narinig ko.
"Malay ko ba sa'yo. Torpe mo kasi e."
Sumulyap siya sakin at umiling. "Just forget it, okay?"
"Why don't you tell me who this girl is so I can help you. Alam mo na, baka kailangan mo ng girl's perspective para maka-porma ka." Kibit-balikat kong sabi sa kanya.
"Wag na, Sam. Thanks but I know what to do. Hindi ka naman marunong manligaw." Pataray na sagot ni kuya.
"Ha! Fine then."
Nanahimik nalang ako at tinodo ang radyo habang nagmamaneho ang masungit kong kuya. Makalipas ang ilan pang minuto ay nakarating na kami sa university.
Pah dating namin sa gate, nakita ko na agad ang matalik kong kaibigan na si Karylle. Agad akong bumaba ng kotse pagka-park ni kuya at tumakbo patungo sa kinatatayuan ni Karylle.
"Karylle!" Sigaw ko habang tumatakbo.
"Can you not run and just walk properly?" Dinig kong sigaw ni kuya sa likod ko pero di ko siya pinansin.
Lumingon si Karylle sakin at ngumiti. "Samantha!!"
Niyakap namin ang isa't isa ng makarating ako sa kinatatayuan niya. Maya-maya ay nakahabol na si kuya samin at pinapanood kaming nagyayakapan.
"Kala mo naman tagal niyong di nagkita ah." Kumento ni kuya sa gilid ko matapos naming kumalas sa yakap.
"Inggit ka lang. Palibhasa wala kang kayakapan na best friend." Sabay irap ko. Tinaasan naman niya ko ng kilay habang nasa bulsa ang kanyang mga kamay.
"Sino namang may sabing wala?"
"Ako! Kakasabi ko lang diba?" Pagtataray kong sagot sa kanya.
"Di kami ganyan magyakapan pero meron naman, just so you know." Nagsimula na siyang maglakad palayo samin bago pa ko makasagot. "I'll see you later. Don't be late!"
"Sino kaya saming dalawa ang parating late? Tss." Bulong ko sa sarili ko.
"Bye, Sam. Bye, Kara." Pahabol na paalam ni kuya. Kumaway nalang kami sa kanya.
"Tara na, K."
Naglakad na kami ni Karylle patungo sa una naming klase. Mabuti naman at blockmates kami kaya hindi na kami gaano mahihirapan.
"Ang aga niyo nanaman mag-bangayan ng kuya mo." Sabi ni Karylle ng nasa hallway na kami malapit sa room.
"Ewan ko ba dun sa kuya ko. Are you not used to it yet?"
"Actually, I am. Almost everyday ba naman."
"See? Good thing wala kang kuya na katulad nyang mapang-asar."
"Swerte mo nga eh."
"Yeah, right. Because I'm the sister of the famous basketball player of the university."
Nag-kunwari namang nag-isip si Karylle. "Hmm. That's one of the reasons." Natawa naman kaming dalawa.
"Passion kasi talaga ni kuya ang basketball bata palang kami."
"I see. Kaya nga siya sikat dahil magaling siya at sobrang dedicated."
"He's just really like that." Sabay kibit-balikat ko at pumasok na kami sa room.
Dinig naman namin agad ang chismisan ng mga kaklase namin pagka-upo.
"Uy alam mo ba, may bago tayong prof."
"Talaga? Share ka naman ng mga alam mo!"
"Lalaki daw at fresh graduate! First teaching experience niya palang 'to."
"Talaga?" Kuryosong tanong ng kaklase ko. "Tapos? Ano pa?"
Bigla naman ako hinatak ni Karylle palapit sa kanya.
"Narinig mo ba yun? May bago daw tayong prof." bulong ni Karylle saken habang nakatingin parin dun sa mga nagchi-chismisan.
Tinaasan ko naman siya ng kilay at humalukipkip. "Oo naman, sa lakas ng mga boses nila e." Pabulong kong sagot.
"Nako! Sana gwapo." With matching praying position pa.
"Para ano? May inspirasyon ka?"
Tinignan naman niya ko ng masama at umirap. "Matagal ng meron no."
"Yun na nga. Matagal ka na may inspirasyon pero hanggang ngayon di ko parin siya kilala." Ngumisi naman siya sakin.
"Makikilala mo rin siya. Don't worry!"
"After ilang decades naman kaya?"
"Soon, Sammy." Sabay akbay niya sakin. "Pero sana gwapo tong new prof. Pandagdag inspirasyon. Diba?"
"Ewan ko sa'yo."
"Gawin mo ring inspirasyon para meron ka naman." Ngisi niya uling sagot sakin. Sasagot na sana ako ng may sumigaw mula sa pintuan.
"Nandyan na yung prof!"
Nagsitakbuhan papasok yung iba namin kaklase at umupo na. Niyugyog naman ako ni Karylle na parang kinikilig.
"Andyan na siyaaaa!" Kinalas ko naman ang kamay ko sa kanya.
"Sshh! Tumahimik kana diyan."
Ngumuso siya at umayos ng upo. "Mana ka sa kuya mong masungit."
Inirapan ko nalang siya. Umupo kami ng maayos at narinig ko naman ang kaklase ko sa harapan na sinabing "Eto na ata."
Nagkatingin naman kami ni Karylle. "Omg!!! This is it!!"
BINABASA MO ANG
Perfect Match
Teen FictionSa dinami-rami ng taong nakikilala, nakakasalamuha at nakakasama mo. Paano mo nga ba malalaman na siya na ang nakatakda para sa'yo? Sa mga pagkakataong yon, ilang beses ka na nga ba sinubukang panain ni kupido pero hindi tumama? Sa ngayon kaya, tata...