Chapter 12

43 1 1
                                    



Nagpantig naman ang tenga ko sa sinabi niya. Napatingin ako sa kanya at napahalakhak. Tinaasan niya ako ng kilay at tinignan si Karylle na parang nagtatanong.

"Ok ka lang? Ni hindi ko nga maamoy yung pabango mo eh. Tsaka gwapo? Ikaw? Mas gwapo pa kuya ko sa'yo huy."

"Sino ba kuya mo ha? Di ata ako naniniwala na mas gwapo siya sakin." Napa-iling siya sa sinabi ko at pinasadahan niya ng kamay niya ang kanyang buhok. Sht. Napa-irap nalang ako.

"Talaga?! Huh! Ang kuya ko lang naman eh walang iba kundi ang star player ng basketball team, si Christian Samuel Elizalde. At ako naman ang maganda niyang kapatid na si Samantha Corrine Elizalde." Taas noo kong sagot sa kanya.

"At ako naman ang girlfr----este best friend ni Samantha Corrine Elizalde na si Karylle Pauline Samson." Sunod ni Karylle. Nanlaki ang mata niya samin dalawa at tinignan niya ko mula ulo hanggang paa. Tinaasan ko siya ng kilay ng mabalik sa mata ko ang tingin niya.

"Te--teka! You mean kapatid ka ni Chris?"

"Oo! Bakit?!"

"Wala lang. Di halata!" natatawa niyang sagot. Aba talagang naghahamon ang isang 'to.

"Anong di halata? Di halatang magkapatid kami? Totoo yun. Di talaga halata."

"Hindi yun. Kahit baliktarin mo ang earth, 'di mo mapagkakaila na magkapatid talaga kayo." Inirapan ko naman siya. Tss.

"Oh eh ano ang di halata?" dahan-dahan niya ulit akong hinead to toe. Natawa siya ulit at tinignan ako sa mata. Problema ng isang 'to?!

"Na ikaw ang star player ng soccer team ng girls division."

"Oh shoot! Buti nabanggit mo nakalimutan ko may meeting pala kami!!"

Sa sobrang gulat ko ay nahila ko nalang sila at tumakbo kami sa may fields. Malayo palang ako nun eh nakikita ko na yung team na naka-upo dun at parang naiinip na. Lagot ako neto.

Tumakbo pa kami nun hanggang sa makarating na kami sa aming destination. Pagod na pagod kami sa pagtakbo at lahat sila ay napatingin samin na para bang nagtataka. Napa-upo naman kami nun sa sobrang pagod. Si Malcolm naman napa-higa sa damuhan at hingal na hingal.

"Nakuu! Bat pa nga ba ako pumayag na sumamang tumakbo sa inyo. HAAAAAAAAYYYY!" asar na sabi ni Malcolm. Hinampas naman siya ng banayad ni Karylle sa braso.

"Sshhh! Manahimik ka na nga diyan." Inirapan lang siya ni Malcolm at pumikit. Binaling ko naman ang atensyon ko sa mga ka-team ko.

"Guys, pasensya na kung late ako ha."

"Nakalimutan nya kasing may meeting ako." Tinignan ko naman ng masama si Karylle. Thanks for the help, best friend. Nag-peace sign lang siya sakin.

"Okay lang yun, 'di man nga ikaw ang late eh. Si coach wala pa." sagot naman nung isa kong teammate. Nagkatinginan kami ni Karylle at napahiga narin sa damuhan.

"So you mean tumakbo kami ng pagkalayo-layo at pagkabilis-bilis para sa wala?" matamlay kong sabi.

"Instant work out. Huhuhu!" inis na sabi ni Karylle. Tinignan naman niya si Malcolm. "Hoy Malcolm! Buhay ka pa ba?"

"Sa awa ng Diyos, oo. Pahamak kayong dalawa."

Hinampas ko siya ng mahina at tinignan. "Sorry na. Ang OA mo rin eh."

"Basta last niyo na yan. Kung may sakit lang ako sa puso malamang inatake na'ko."

Napa-upo naman si Karylle nun kaya napasunod ako. Tinignan niya si Malcolm ng masama. "Sorry na nga 'e. Oo na, last na. Promise!"

Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon