Chapter 10

42 1 1
                                    




Wednesday na ngayon, nandito ako sa locker room ng soccer team at kakatapos lang ng training namin. Next week narin kasi yung laban namin kaya todo training kami. Halos mag-alas sais na ng matapos ako. Lumabas nako ng locker room nun at naglakad papunta sa may gate dahil hinihintay ako ni Karylle at Kuya.

Nagulat naman ako ng biglang may sumabay sakin sa paglalakad.

"Oh? May kailangan ka?" taas kilay kong tanong sa kanya.

"Ayan ka nanaman e. Pag lumalapit ako sa'yo parati mo nalang tinatanong kung may kailangan ako." Napa-iling naman si Derek. Yup, siya nga yung sumabay sakin.

"Eh sa totoo naman e. Hindi ba?" bumuntong hininga siya at tinignan ako saglit. I knew it.

"Ok fine."

I rolled my eyes at him and raised my brow. "See? So, now what?"

"It's about the other night... yung sa garden niyo.."

"What about it?" nagtatakang tanong ko.

"Ano... Kuya mo kasi e. Pinipi-" napailing nalang ako at inunahan na siya.

"No biggie! Wag mo masyado isipin yun. Actually, I didn't hear the whole thing naman."

"Really?"

"Ano naman tingin mo sakin, chismosa?" natawa naman siya sa sarili niya at mukhang napansin niya na nakapag-freshen up nako.

"San punta mo? Aalis ka ata?"

"Aalis kami nina kuya kasama si Karylle. Bakit?"

Nagkibit-balikat siya. "Wala naman. Nakabihis ka kasi eh."

"Duh! Syempre." Napangiti naman siya sakin.

"Sabay ako ah." Nag-smile nalang ako sa kanya at sabay kami nag-lakad.

Nung nasa may gate na kami, nakita ko agad si kuya. Napatingin agad si kuya samin ng malapit na kami sa kinatatayuan niya. Halata mo naman ang gulat sa mukha ni kuya ng makita kaming magkasama.

"Uy pare! Buti magkasama kayo ni Sam?"

"So? Is there a problem?" tinaasan ko naman ng kilay si kuya at umiling lang siya.

"Ahh.. sinabayan ko lang siya hanggang dito."

"Ah talaga?"

"Ikaw kuya ah. Baka iba nanaman iniisip mo dyan. I heard you were talking about me the night you were drunk."

Napataas naman ng kilay si kuya sa sinabi ko at humalukipkip. "Oh really? You eavesdropping now, Samantha?"

"No, I wasn't. I accidentally heard it. Don't worry, I didn't hear the whole thing." Confident na sagot ko at nagkibit-balikat lang sakanya.

"Really, huh?"

"Well kuya, you know me. I don't eavesdrop."

"Don't be too defensive." At napangisi naman si kuya sakin. Tinignan ko lang siya ng masama.

"Wow pare, nosebleed!" Sabay umakto na parang nagdudugo ang ilong niya.

"Pasensya na 'tol. Ganyan talaga kaming magkapatid." Napa-iling nalang ako sa kuya ko.

"Buti nalang pala 'di tayo nag-aaway. Edi napa-english ka. Naku!" natatawang sabi ni Derek. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Kung magsalita 'to parang inosente ah. Sino kaya sa atin ang english ng english pag sa klase at sa sobrang lalim ng mga english niya eh wala nang ibang ginawa ang mga estudyante niya kundi ang tumunganga?" Inirapan ko naman siya.

Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon