"Kuya, aminin ka nga. Nabadtrip ka kanina no?" Tinignan naman ako ni kuya at sinakal ako sa pagkaka-akbay niya sa'kin. "Kuyaaa!" napa-iling siya at tinanggal ang pagkaka-akbay sa'kin."Sakay na. Tsaka wag ka nga mag-tatanong ng mga ganyang tanong." Inirapan ko naman siya at sumakay sa backseat ng kotse ni kuya.
"Gusto ko lang naman malaman e." bulong ko sa sarili ko pero pinaparinig ko talaga sa kanila.
"Wag mo na alamin dahil alam ko sumasagap ka lang ng chismis." Inirapan ko lang siya ulit at hinayaan siya mag-drive. Humalukipkip ako at tumingin nalang sa kawalan.
"Pare, baka gusto mong tanong kung sino yung guy na kasama nila kanina?" tanong ni Derek sa kuya ko. Kumunot naman ang noo niya.
"Sino nga ba 'yun? Baka naman boyfriend ni Riel o kaya niyang kapatid ko." Tinignan ko naman ng masama ang kuya ko.
"Excuse me, mataas standards ko 'no."
Bahagya namang sumulyap sa'kin si kuya pero agad din bumalik ang tingin sa daan. "Ang sabihin mo, mapili ka lang talaga."Inirapan ko naman siya. "Pero sino nga ba 'yun ha?"
"Wala, classmate namin ni Karylle sa isang subject."
"Eh bat kasama niyo kanina?" eh bat ba napaka-curious ata nilang malaman?
"Nahatak ko rin siya nung papunta kami sa field kanina."
"Ibang klase ka rin pala manghatak." Natatawang sabi ni Derek. Binatukan ko naman siya.
"Oo naman! Lakas niyan manghatak parang kalabaw!" binatukan ko rin naman siya ng mahina. "Oy, masakit ha." Hinayaan ko nalang sila nun. Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa bahay.
Lumipas ang ilang araw, sabi nga ni Derek ay may upcoming game kami kaya todo training ang ginawa namin. Tinotoo naman ni Derek bibigyan niya kami ng isang hard training pero worth it naman dahil tama lang sa katawan ang binibigay niya.
Today is the day at nandito kami ngayon sa locker area. Sobrang kabado kaming lahat dahil ito rin ang first game namin ngayong taon. Syempre iba yung feeling dahil wala na yung mga seniors last year at mas lalo akong kinakabahan pag naiisip ko na ako ang team captain.
"Uy girl! Ok ka lang? Namumutla ka." Sabi ni Karylle na naka-upo sa tabi ko. Nginitian ko naman siya.
"I'm ok, don't worry."
"Are you sure? Nagugutom ka ba? Gusto mo ng tubig? Anong gusto mo?" concern na tanong niya sa'kin.
"Okay lang ako, swear. Chill ka lang, dha."
"Eh namumutla ka na nga diyan oh." Natatarantang sabi ni Karylle. Binatukan ko naman siya.
"Kinakabahan kaya ako! Doble ang pressure na nararamdaman ko ngayon." At napabuntong hininga ako. Feeling ko lalabas na yung puso sa sa sobrang kaba ko.
"Kaya mo 'yan, dha. Basta goal lang ng goal!"
"Di naman ganun kadali 'yun. Sigurado maraming haharang sa'kin." Huhu ang hirap sobrang nakakakaba.
"Suus! Kaya mo 'yun. Si liit mong 'yan!"
Tinignan ko naman siya ng masama na para bang nahihibang na siya. "Yun na nga maliit lang ako pero ang mga kalaban ko malalaki."
"Ang maliliit ang mga nakaka-pwing. Kaya 'yan!!" at minasahe daw niya ko kunwari.
"Ewan ko sa'yo." Inirapan ko naman siya at sakto naman na pumasok si Derek at kuya sa locker area namin. Nilibot ni Derek ang kanyang mata sa buong area at bahagyang tumigil sa pwesto ko pero bumuga lang siya ng hangin at umiling.
BINABASA MO ANG
Perfect Match
Teen FictionSa dinami-rami ng taong nakikilala, nakakasalamuha at nakakasama mo. Paano mo nga ba malalaman na siya na ang nakatakda para sa'yo? Sa mga pagkakataong yon, ilang beses ka na nga ba sinubukang panain ni kupido pero hindi tumama? Sa ngayon kaya, tata...