Ouch ang sakit naman ng ulo ko. Bakit ba ang tahimik? Anong oras na kaya? Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at puro puti ang nakikita ko. Pag lingon ko sa kaliwang side ko ay may nakita akong side table na may flowers tsaka kung anu-ano pa. Pagtingin ko naman sa kanan ay ganun din pero may nakita akong naka-upo sa upuan (malamang) sa may tabi ng higaan ko at nakayuko sa gilid ng kama ko na para bang natutulog. Hindi ko naman sinasadyang matamaan siya ng inangat ko ang kamay ko kaya't nagising siya."Uh, sorry."
Matagal bago siya naka-sagot. Parang siyang naalimpungatan pero di naman. Inayos naman niya yung itchura niya bago siya tumingin sakin.
"Oh? Gising ka na pala. Kumusta pakiramdam mo?"
Napangiti naman ako kay kuya. Opo, kuya. (Hindi si Derek hahaha). Tumango ako at tinignan ang buong kwarto.
"Yes kuya. Uh, what time is it?"
Napatingin naman agad sa relo si kuya. "8pm. Nagugutom ka ba? Kakagaling lang ng doktor dito sabi you need to eat when you wake up. Wag kang tatanggi kasi you need it para gumaling ka agad." Agad naman siyang tumayo at nag-ayos ng makakain ko.
Hinanda naman ni kuya ang kakainin ko for dinner at habang ginagawa niya yon ay kinekwento niya sakin yung mga nangyari habang tulog ako kanina. Dumaan na daw parents namin pero pinilit ni kuya na umuwi sila dahil pagod galing work. Alang-ala rin daw sakin ang teammates ko pero hindi sila makapasok dahil sa dami nila.
Nang matapos ayusin ni kuya ang kakainin ko ay tinulungan narin niya akong makaupo at inayos ang kama ko. Agad naman akong napatingin sa paa kong napilay. Medyo masakit parin pero kaya naman.
"Ayan, all set to eat ka na. Kain ng mabuti. Nilalamig ka ba?"
"Hindi naman, kuya." Sinimulan ko narin ang pag kain ng dahan-dahan.
"Oh wait ka lang jan. May ite-text lang ako."
Tumango naman ako at kinalikot na agad ni kuya cellphone niya. After niya magtext ay bumalik na ulit siya sa upuan sa tabi ko at pinagmasdan lang ako habang kumakain. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Bat ganyan ka maka-tingin?" nagkibit-balikat naman siya sakin.
"Eh wala akong magawa eh."
"Edi manood ka ng tv."
"Ayoko nga! Walang magandang palabas." Oh tignan mo tong isang 'to. Inirapan ko naman siya at humigop ako ng sabaw.
"Arte mo kuya. Ang daming pwede pagkaabalahan diyan eh."
"Eh wala nga akong mapagkakaabalahan. Wag mo na nga akong pansinin dito at kumain ka nalang." Sabi niya at kumuha ng apple sa side table.
"Teka nga lang. Sino ba tinext mo?"
"Ha? Ako?"
"Ay hindi! Siguro yung mga bulaklak. Tinext siguro nila yung mga tutubi, ano?" pilosopo kong sagot. Eng-eng din minsan 'tong kuya kasi pasensiya.
Inirapan naman niya ako. "Che! Tigilan mo nga ako."
"Ikaw ba may sakit o ako? Syempre ikaw ang kausap ko. Tayong dalawa lang naman ang nandito kanina pa." umiling-iling lang siya sakin at kumagat sa apple.
"Basta, hintay ka lang diyan." Napagtaasan ko naman sya ng kilay at nagkatinginan kami.
Bigla namang may kumatok at napatingin kaming pareho sa pinto. Napatingin naman kaming pareho ni kuya dun sa dalawa na kakapasok lang ng kwarto ko at nilagay yung dala nilang pagkain sa harap ko.
"Anong ginagawa niyo dito?" nagtataka kong tanong.
"DUH! Malamang binibisita ka namin." Sagot ni Karylle sakin at humalukipkip.
BINABASA MO ANG
Perfect Match
Teen FictionSa dinami-rami ng taong nakikilala, nakakasalamuha at nakakasama mo. Paano mo nga ba malalaman na siya na ang nakatakda para sa'yo? Sa mga pagkakataong yon, ilang beses ka na nga ba sinubukang panain ni kupido pero hindi tumama? Sa ngayon kaya, tata...