"You're still not over her?"Nagtaka naman ako nun. You mean, kuya? And the girl? Close? Ohmy, I'm so confused right now. -_-
"Hayy, ano ba! Naguguluhan nako! Kanina pa kayong dalawa. Are you giving me a headache?!" irita kong sabi at ginulo ko pa buhok ko.
"Eto na yung inumin oh." Sabi niya na parang walang tensyong eye-to-eye contact na naganap.
Inabot naman ni kuya samin yung binili niyang inumin. Si Derek naman, para siyang robot. Di alam kung anong gagawin kung di mo pa siya sabihan. Naku, anyayare ditey?
"Para yatang ang tagal mong bumili? San lupalot ba ng village ka napunta? Ha?" bigla kong tanong kay kuya.
"Eh sa naghanap pa ko ng bukas na tindahan eh."
"Ayy, engertz! Edi sana binalikan mo nalang kami dito at sinabing 'wala ng bukas na tindahan eh. Sa bahay nalang tayo uminom'." Sabay iling ko sa kanya at inirapan.
"Eh sa ayaw ko ng tubig eh. Gusto ko ung may lasa." Gatorade kasi tong binili ni kuya.
"Ang arte naman!" sabay irap ko ulit sa kanya. Uminom nalang ako.
"Whatever! Oh, Derek? Ok ka lang?" automatic naman akong napatingin kay Derek.
"Ha? Ah..? Oo!" Ngumiti naman siya ng pilit at uminom. What's what? My golay-golay!
"Oh? Late na. Tara na, uwi na tayo?" yaya ni kuya.
"Mabuti pa nga. Para makapag-pahinga na tayo."
"Should I agree with that?" inosente kong tanong.
"Oo. Wag ka na kumontra jan! Kontrabida ka talaga." At inirapan niya ko.
"Ako pa kontrabida ngayon? Epal ka nga eh!"
"Bakit nanaman?"
"Ah basta! Tara na, uwi na tayo!"
Nag-lakad nako nun. Yung dalawa naman, naiwan pa. Pero nung halos makalabas nako nung court tumakbo narin sila at sumunod sakin.
Nung nakarating nakami sa harap ng gate ng bahay namin, nagpaalam na si Derek.
"Oh sige. Alis nako! Tawagan nalang siguro, pare." Sabi ni prof Derek at tinapik ang balikat ni kuya.
"Sige, pare. Ingat sa pag-uwi ah! Maraming aso jan." inirapan ko silang dalawa. SRSLY?
"Sira, wala no! Di lang ito yung unang beses na umuwi ako ng ganitong oras." Nagtawanan naman sila at pinanood ko lang.
"Joke lang yun! Ikaw naman. Osige, ingat." Sabi ni kuya at tinapik narin ang balikat ni prof.
"Sige, Derek. Ingat ah? Good night!" sabi ko. Napatingin siya sakin at ngumiti.
"Sige, goodnight!"
Umalis narin siya nun. Hinintay muna namin siyang makalayo bago kami pumasok. Pagpasok naman namin eh agad naman umakyat si kuya. Pinigilan ko naman siya nung nasa hagdan palang siya.
"Kuya, wait! Sandali!"
"Pwede ba, bukas nalang. Pagod nako. Gusto ko na mag-pa-hi-nga! OK?" Tumakbo na siya nun pa-akyat sa kwarto niya. Hinabol ko naman siya. Pagdating ko sa tapat ng kwarto ni kuya, binuksan ko na yung pinto. Tatakbo-takbo, di naman mag-lock ng pinto. Psh!
"Kuya, nasan ka?"
"Nasa banyo ako. Bakit ba?" sigaw ni kuya mula sa banyo ng kwarto niya.
"May tatanong ako sayo eh." Sabi ko sabay upo sa kama niya.
BINABASA MO ANG
Perfect Match
Teen FictionSa dinami-rami ng taong nakikilala, nakakasalamuha at nakakasama mo. Paano mo nga ba malalaman na siya na ang nakatakda para sa'yo? Sa mga pagkakataong yon, ilang beses ka na nga ba sinubukang panain ni kupido pero hindi tumama? Sa ngayon kaya, tata...