Chapter 15

46 1 1
                                    




"Well then, it's a great deal. I hope you won't back out." Napatingin naman siya sa'kin at tinaasan ako ng kilay.

"Paano mo naman nasabi na magba-back out ako?" lumaki ang ngisi ko at nagkibit-balikat.

"Nagsisigurado lang po ako, sir."

Para naman akong may nakitang kaba sa mga mata niya pero agad itong umiwas ng tingin sa'kin at bumuntong hininga. "Nakakatakot ka 'pag tinatawag mo kong ganyan, alam mo ba 'yun?" bahagya naman akong natawa sa sinabi niya.

"Really? How come?"

Binalik niya ang tingin sa librong binabasa niya kanina. "Kasi madalang mo lang ako tawagin ng ganyan at 'pag tinatawag mo pa ko ng ganyan it's either may ginawa akong di mo gusto o naiinis ka sa'kin." Tumango naman ako sa sinabi niya. Well, he has a point. I nudge his side with my elbow and raised my eyebrows at him while smiling.

"Don't worry. This time, none of the above."

"Mag-aral ka nalang diyan ha." Sabay taas niya ng libro sa mukha ko. Natawa nalang ako sa reaksyon niya. HAHAHA! Para na siyang talunan ngayon palang. Huh, let's see!

Nag-review naman akong mabuti sa mga exams namin. Maging sa subject na hawak ni Derek ay nireview ko talaga at kinabisado lahat ng dapat kabisaduhin. Nakakatawa nga dahil iling-iling lang si Derek ng tingnan niya agad ang papel ko matapos kong mag-pass nung exam.

-----

*Sina Derek at Chris(kuya ni Sam) naghihintay sa waiting shed.

"Derek, pare, what chu doin?" salubong ni Chris kay Derek ng makita itong tulala sa may waiting shed.

"Pare, grabe!"

"Oh napano ka bat tulala ka dyan? Anong grabe, HAH? ANO?!" napa-iling iling si Derek habang nakatingin sa kawalan kahit inaalog na siya ni Chris.

"Ang talino pala ng kapatid mo 'no.."

"Aysus, tsamba niya lang 'yun. Bakit ba?"

"Biruin mo, halos sa lahat ng subject siya yung nakakakuha ng highest score. May buhay pa ba 'yang kapatid mo bukod sa pag-aaral at paglalaro ng soccer?" agad na napatingin si Derek kay Chris na naka-akbay sa kanya. Nag-kibit balikat lang ito at parang di na bago sa kanya ang balitang 'yon.

"Para namang 'di ka niya prof." tinignan naman ng masama ni Derek si Chris.

"Malay ko ba, eh akala ko naman sa subject ko lang talaga siya magaling diba?" Nagkibit balikat si Chris ulit at inirapan si Derek.

"Well, ganun talaga. Nag-mana sa'kin eh."

"Sa'yo talaga? Sigurado ka d'yan?" Hinigit naman ni Chris ang braso niyang nasa balikat ni Derek at parang sinakal ito ng bahagya ng pabiro.

"Hoy! Bat ba ayaw mo maniwala?" agad din naman tinanggal ni Chris ang pagkakahigit ng kanyang braso.

"Aray, sakit nun pare." At umubo ito na tila ba nakulangan sa hangin pero pabiro lang din. "Wala lang, may deal kasi kami nung kapatid mong 'yon."

"Deal? Anong deal naman 'yan? Kamote ka naman, 'di moa lam pinasok mo p're."

"You don't need to know, pare. Tsaka alam ko ano tong pinasok ko, tiwala dude. Buti nga at wala pa yung kapatid mo dahil siguradong kukulitin ako nun pagka-kita sa'kin." Natawa naman si Chris at siniko si Derek sa tagiliran.

"Speaking of my sister... ayan na sila. Good luck pare." Sabay ngiting nakakaloko ni Chris.

Masaya namang naglalakad patungo sa kinauupuan nina Derek at Chris sina Sam at Karylle habang nag-uusap. Nang makalapit ang dalawang babae sa dalawang lalake ay halata kay Sam ang masayang aura.

"Hi kuya!" masiglang bati nit okay Chris. Napatingin naman siya kay Derek at lalong lumaki ang ngiti nito. "Hello, prof Derek!" inirapan naman siya ni Derek at humalukipkip.

"Oo na't wag mo na ipa-mukha pa sa'kin. Nag-deal tayo kaya di ako magba-back out." Napasimangot naman si Sam at inirapan din si Derek.

"Hmp! Sungit." Nilapitan naman ni Sam si Karylle at kumapit ito sa braso niya.

"Deal? Anong deal 'yun?" curious na tanong ni Karylle.

"Deal or no deal!" sabay kindat pa ni Sam sa matalik na kaibigan. Inirapan naman siya ni Karylle.

"Ewan ko sa'yo humanap ka ng kausap mo."

Naglakad narin kami patungo sa parking lot at sumakay sa kotse ni kuya. Hinatid naman namin si Karylle sa shop nila at dumiretso narin kami ng uwi kasama si Derek.

"Hoy Derek!" lumingon naman siya at tinignan ako. Nandito kami sa may playground malapit sa clubhouse ng subdivision namin. Well, ngayon siya nag-decide na tuparin yung napagka-sunduan namin. A deal is a deal sabi nga nila kaya heto kami ngayon.

"Kuya mo?" tanong niya habang pa-upo kami sa swing.

"Hindi siya interested maki-sawsaw this time. Sinabi mo ba sakanya yung tungkol dito?"

"Hindi. Dinramahan nga ako kanina bago kayo dumating ni Karylle dahil ayaw ko raw sabihin."

"Yuck! Umandar nanaman topak ng kuya. Ano ba 'yan."

Bigla naman kaming nanahimik at dinama lang namin ang malamig na hangin na sumasalubong sa'min. Ilang minuto rin ang lumipas at wala paring nagsasalita kaya't nilingon ko na si Derek.

"Oh, ano pang hinihintay mo dyan mag-simula ka na."

"Magtanong ka kaya. Ikaw 'tong may gustong malaman tungkol sa'kin." Nagkibit balikat lang ako at tila ba nag-isip ng tanong.

"Hmm.. Simulan natin sa pinaka-una. Ang lovelife!"

"Gandang pambungad n'yan. Wala nga ako nun, diba?" seryoso niyang sambit. Napatingin naman ako sa kanya.

"Weehh! Wala daw. May nakwento si kuya sa'kin 'no."

"Ano naman?"

"Na may girlfriend ka daw."

"Yeah, nabanggit ko na siya before sa'yo diba pero di ko pa nakwento ng buo?" hala, nakwento na ni kuya sa'kin love story niya. Uhh..

"Ah, oo. Hehe. Kwento mo na, please."

Kinwento naman niya nun ang lahat kamukha ng 'pag kwento ni kuya. Naging close daw sila ni ate Lorz nang dahil narin kay kuya at kaya naging sila dahil kay kuya rin (di ko alam na pwede palang bridge ang kuya lol). Tango lang ako ng tango habang nagke-kwento siya na tila ba nakikinig talaga ako kahit hindi naman dahil halos alam ko na ang kwento niya. Nakatulala ako ng bigla namang may pumitik sa tenga ko.

"Aray! Masakit 'yon ha." Naiinis kong bulyaw kang Derek habang hawak ang kanang tenga ko.

"Tama nga kuya mo. Ayaw mo ng pinipitik sa tenga 'no?" natatawa niyang sambit. Eh sino naman kasing may gusto 'nun? Bwiset 'to.

"Ayaw ko talaga! Bakit ba?!"

"Kwento ako ng kwento dito 'di ka man nakikinig. Ano ba kasi iniisip mo? Ang layo ng tingin mo tapos lumilipad pa utak mo."

"Wala kana 'dun. Bat mo ba kasi ako pinitik, ha?" oo't di ako makaget-over sa 'pag pitik niya sa tenga ko. Huhuhu! Mashaket.

"Kanina pa kasi kita tinatawag pero 'di ka tumitingin."

"Sorry naman. Nasa Pluto na kasi ang utak ko." Sabay irap ka sakanya at himihimas parin ang tenga ko. Bwiset, ang lakas ng pitik niya.

"Kinaya ng utak mo ang Pluto?"

"Che! Ano na?" tinaasan niya 'ko ng kilay at inirapan.

"Anong 'ano na?'. Nagpapakwento ka tapos 'di ka nakikinig."

"Sorry na, kasalanan ko pa."

"Kasalanan mo talaga. Teka nga... don't tell me.." tinaasan ko naman siya ng kilay. Oh em! Lagot ako neto kay kuya 'pag nalaman ni Derek na kinwento niya sa'kin 'to.

"Edi di ko sasabihin. Problema ba 'yun?"

"Pilosopo!" nag-belat naman ako sa kanya.

"Whatever." Inirapan ko siya at umiwas ng tingin sa kanya. Naku, 'wag kana mag-tanong Derek huhu lagot ako kay kuya huhu.

"Samantha, don't tell me kinwento na sa'yo 'to ni Chris?"

Kill me now.

Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon