"Why did you tell them?!" Iritang sigaw ko sa kanya. Magsasalita na sana siya kaso nagsalita si mommy."Bakit naman niya hindi pwedeng sabihin samin?" Nagtatakang tanong ni mommy. Tsk. Eto na nga ba sinasabi ko e.
"Oo nga naman. Ang galing nun ah. Wow! Team captain na ang kapatid ko!" masayang sigaw ni kuya sabay akbay sakin. Ako naman eh tinignan ko lang siya ng masama. Pagkatapos eh tinignan ko lang ulit nun si Derek.
"Tara nga, mag-usap tayo sa labas. Derek!"
Diniin ko naman nun ung pangalan niya. Pumunta naman ako sa may garden nun at sumunod naman siya.
"Sira ka ba? Bat ba pati sa kanila sinabi mo?"
"Eh kasi ayaw mo pumayag eh. Kaya naisipan ko nalang na para pumayag ka, eh sabihin ko sa kanila."
"Ah ganun? Akala mo papayag nako dahil sa ginawa mong yun? Ha? Asa ka pa! Ako parin ang magde-decision. Ok?"
"Eh bakit ba ayaw mo tanggapin? Halos lahat ata ng players ikaw lang tong ayaw maging team captain. Eh ang daming naghahabol sa position mo noh!"
"Ayun naman pala eh! Marami naman pala. Edi mas marami ka pang pagpipilian kahit di ko tanggapin!"
"Pero ikaw lang ang may qualities na meron ang isang captain."
"Pwede ba?! Tigil-tigilan mo nako ha! Dahil hinding-hindi ko tatanggapin yang offer mo. Gets?"
"Pumayag kana kasi! PLEASE!" Sabay luhod naman niya. Nabigla ako kaso hindi ko nalang din pinansin.
"NO! HINDI! NEVER! ASA KA PA!"
"Ladies, I want you to meet our new team captain, Samantha Corrine Elizalde!"
Tumayo naman ako nun sa harap ng mga teammates ko. Pinalakpakan lang nila ako nun at nagsasabi sila na ang galing daw pumili ni Derek ng captain.
"You deserve it, Sam!"sabi nung isang junior na team mate ko.
"Salamat!" sabi ko sabay ngiti ng napipilitan.
"Ok! So yun lang. You may go now."
Nagsitayuan na nun ung mga teammates ko at nagpaalam na. Tapos kami ni Derek nalang ang naiwan nun.
"May pa-'no, hindi, never, asa ka pa!' na nalalaman eh papayagan ka rin pala!" komento niya kaya tinignan ko siya ng masama.
"Baka gusto mong bawiin ko ung sinabi ko? Ha?"
"Hindi na pwede noh! Nag-promise ka na. Tsaka pumayag naman yung mga teammates mo. Besides, may kontrata tayo."
"Arrgghh! Jan ka na nga! Anak ka ng tinapa. Kainis!!" sigaw ko sa kanya at naglakad nako palapit kay Karylle. Si Karylle naman eh naka-ngiti pa ng nakakaloko.
"Bat ka naman naka-ngiti jan? Para kang ewan."
"Akala ko ba ayaw mo pumayag? Eh anong yung narinig ko na sinabi ni Prof Derek kanina?" Naglakad lang ako nun at siya naman eh nakasunod lang.
"The thing is, I didn't had a choice. Pinilit lang ako, ok?"
"Explain it please!" sabi niya at nag-puppy dog eyes pa.
"Ganito yan, kinausap ako ni mommy last night. Sabi niya pag hindi ko daw tinaggap ung offer ni Derek na maging team captain, ipapadala niya ko sa Amerika o kaya ikukulong ako sa kwarto ko habang buhay AT ito pa! Ipakakasal daw niya ako sa isang nerd na sobrang panget. Eh ayaw ko naman na may mangyari sa isa man sa mga yun noh. Kaya napilitan akong pumayag." Sabi ko sabay iling-iling. Uh-huh, my mother can do that.
BINABASA MO ANG
Perfect Match
Teen FictionSa dinami-rami ng taong nakikilala, nakakasalamuha at nakakasama mo. Paano mo nga ba malalaman na siya na ang nakatakda para sa'yo? Sa mga pagkakataong yon, ilang beses ka na nga ba sinubukang panain ni kupido pero hindi tumama? Sa ngayon kaya, tata...