DEREK'S POV
"Ewan ko sayo! FRIENDS lang kami nun." Uminom naman ako nun nung beer na hawak ko.
"Seriously pare, may gusto ka ba sa kapatid ko?" muntik ko nalang talaga mabuga sa pagmumukha ni Chris yung beer na ininom ko pagkatanong niya sakin nun. Anak ng tokwa! Anong tanong naman yan?
"Alam mo Chris, estudyante ko lang yung kapatid mo. At siya rin ang team captain ng football team ko. Yun lang yun, okay? Wag mo na masyadong dagdagan ng cheese ang spaghetti pag sakto na." sabi ko sabay iling.
"Anak ng butiki naman pare. Ang layo ng sagot mo dun sa tanong ko. Sinugarcoat mo lang lalo eh. Pati spaghetti at cheese sinali mo." At siniko ako ni Derek. Inirapan ko lang siya.
"Kakasabi ko lang sa'yo kanina, wag mo bigyan ng ibang kulay ang relasyon namin, ok? What you see, is what you get."
"Ok! Fine. Pero possible ba na magka-gusto ka sa kanya?" anak ng! Kulit lang talaga ng lahi netong si Chris. Pero that question got me thinking, in a way.
"Hmm.. she's pretty.. and intelligent. Like you." Natawa naman si Chris at parang sinasabi na, "DUH, IN YO FEZ!" look sakin. Inirapan ko nalang.
"Of course! Sakin magma-mana yan noh. Tss! Tapos?"
"Pero pare, she's so young!"
"Tol, age doesn't matter." Sabi ni Chris at umiling-uling ko habang nilagok na ang hawak niyang beer.
"And so? Tsk! Oh, and one more thing? She's your sister."
"Ano naman ngayon kung sister ko siya?" napatingin lang ako kay Chris sa tanong niyang yon.
"Mahirap na. Baka masira friendship natin dahil tinalo ko ang kaisa-isa mong kapatid at babae pa." natawa naman si Chris sa sinabi ko na para bang nakakatawa talaga yung sinabi ko. Srsly dude?
"Aba, kung magsalita ka jan parang may tinatago kang feelings sa kapatid ko ah." At tinaas niya yung beer niya na para bang nakikipag-cheers. Napailing nalang ako at pinag-cling yung bote namin.
"Ayan ka nanaman! Alam mo, uminom nalang tayo, ok?"
Uminom nalang kami nun at nag-kwentuhan. Naka-apat na bote narin siguro kami matapos ang isang oras. Matagal kami malasing nitong si Chris eh. Nagulat nalang kami pareho ng may biglang sumulpot sa likuran namin.
"Aba, nag-iinuman pala kayo jan."
"Oh mahal kong kapatid, nandyan ka pala. Wanna join?" sabi ni Chris na natatawa pa.
"YUCK! Alam mo kuya, lasing ka na. Tama na nga yan." At parang nandidiri pa siya habang tinitignan kami na nagtatawanan.
"Di pa ko lasing! Umakyat ka na nga dun."
"Nako! Ikaw na umakyat dun kundi, susumbong kita kina mommy."
"Ikaw kaya i-sumbong ko? Wag ka na makialam dito mas matanda ako sa'yo." At mukhang naiirita na si Chris dito kay Sam.
"Umakyat na nga kayo dun sa kwarto! Ako rin nyan mahihirapan di naman kayo eh."
"Di naman namin sinasabi i-akyat mo kami sa kwarto ko. Samantha!" at naiirita na talaga si Chris.
"Eh no choice din ako tsaka pareho lang din. Buhatin ko man kayo o hindi ako parin mape-perwisyo dito."
"Nako mahal kong kapatid, wag ka mag-alala pag lasing na talaga kami aakyat narin kami." At nag-cheers ulit kami ni Chris at ininom ang bote ng beer.
"Eh teka nga, nakaka-ilang bote na ba kayo?" Ano ba naman tong si Sam, daig pa tong kuya niya. Palibhasa medyo lasing narin tong si Chris eh. Para rin pala siyang nanay nila.
"Nakaka-apat na." simpleng sagot ko.
"HALA! Eh sabi mo kuya kina mommy isang bote lang."
"Wala naman sila eh. Unless magus-sumbong ang little sister ko."
"Hay ewan! Bahala ka na nga jan! Dito muna ako sa may dining." At nag-walkout na ulit si Sam. Napa-iling nalang ako. Childish, tss.
————
SAM'S POV
Nag-walk out nalang ako nun. Nakaka-inis na si kuya. Kung umarte napaka-immature. Palibhasa lalake! >____<
Kumuha naman ako ng baso at nilagyan ko ng juice. Nabigla naman ako nung paglingon ko eh nandun na si Derek.
"Oh bakit? Kung akala niyo pinang-kukuha ko kayo ng pulutan, asa pa kayo!"
"Di naman kami umaasa." Sabi niya at dumiretso sa may ref namin. Infairness diretso pa sya mag-salita di pa siguro to lasing.
"So what are you doing here?"
"Kukuha lang ako ng yelo. Bawal ba?" inirapan ko lang siya at tinuro yung freezer.
"Meron jan sa freezer. Maraming cube ng ice. Pakisaksak nalang sa lalamunan ng kuya ko para magising siya." Ka-imbyerna sila. Panira ng gabi talaga.
"Asar na asar ka sa kuya mo noh?"
"Halata ba?"
"Nagtatanong lang eh. Bat ba ang sungit mo?"
"Eh kasi naman po, magma-madaling araw na pero kayo umiinom parin." At inistraight ko lang din yung baso ng juice na hawak ko.
"Eh ganun talaga mga nag-iinuman, inaabot ng medaling araw."
"Hay nako, bahala kayong dalawa." Lumabas nako nun ng kusina at umupo sa dining. Naririnig ko naman si Derek na kumukuha ng yelo mula sa freezer.
Bago siya tuluyang makalabas patungong garden at tinawag ko siya.
"PROF!" Napatingin naman sya at nakataas pa ang kilay. Tumayo nako nun at sinabing...
"Next time, wag nyo ko gawing topic ni kuya ha?" Then I smiled and went to my room.
BINABASA MO ANG
Perfect Match
Teen FictionSa dinami-rami ng taong nakikilala, nakakasalamuha at nakakasama mo. Paano mo nga ba malalaman na siya na ang nakatakda para sa'yo? Sa mga pagkakataong yon, ilang beses ka na nga ba sinubukang panain ni kupido pero hindi tumama? Sa ngayon kaya, tata...