Chapter 8

48 1 1
                                    



After nung usapan namin ni kuya nung gabing yun, never ko na in-open ang topic na yun. Maganda narin siguro yun para wala ng problema.

Oo, kilala ko si Ate Lorz. Siya lang naman ang EX ng kuya ko pero after nung break-up nila, naging matalik na mag-kaibigan sila. Pero besides dun, hindi ko alam na may sakit siya. At after break-up nila ni kuya, di nako nakapag-catch up sa kanya kaya siguro di ko alam na naging sila ni Derek.

It's been 3 months. SEPTEMBER na. Nagte-training na kami dahil meron kaming nalalapit na laban. Parang practice game lang siya. Pero todo training parin kami.

Nung mejo pagod na kami eh nagpahinga muna kami. Tapos bigla naman tumabi sakin si Derek habang umiinom ako dun sa tumbler ko.

"Oh bakit? May kailangan ka?" tanong ko sa kanya sabay taas ng kilay. Ni hindi ko man siya nilingon at tumingin lang ako sa kawalan.

"Wala naman. Bakit? Masama na bang umupo ngayon?" nakita ko naman siyang nakatingin sakin through my peripheral vision.

"Hindi naman. Iba kasi pag tumatabi ka sakin eh. Parating may something." Sabi ko bago uminom ulit.

"Ganun ba? Actually ang totoo nyan meron nga eh." Umiling-iling naman ako nun. May lahi ata talagang manggagamit tong professor ko eh. -_-

"Sabi na nga ba eh. Ano nanaman ba yan?"

Nag-isip naman siya nun. Tumingala pa nga siya eh. Para talagang nag-iisip. If I know nagiisip ng pakulo tong isang to. Magkaugali sila ni kuya. Tss.

"Pinoproblema ko kasi yung isang player." Sabi niya at tumingin sakin. Napatingin narin ako sa sinabi niya.

"HA?! Sino? Eh sa lahat ng naging coach namin ikaw lang nagka-problema sa mga players." Nag-kibit balikat lang siya sakin.

"Wag ka naman masyadong mag-panic noh. Di pa kasi ako tapos."

"Eh kasi may pa-bitin-bitin effect ka pang nalalaman jan." sabi ko sabay irap sa kanya. Yung mga team mates ko naman, sa sobrang pagod nakahiga na sa fields.

"Hindi bitin effect yun. Huminga lang ako dahil wala nako hininga."

"Ang arte! Mas pagod parin kami kesa sayo noh!" nako! Pasalamat siya di ko siya mabatukan or what dahil nasa school grounds parin kami at professor ko parin siya. Amp!

"Alam ko yun noh!"

"Alam mo naman pala eh. Oh, tuloy mo na yung sinasabi mo jan. Dali! Para matapos na yung break namin. Tsinitsismisan mo pa ko. DALI NAAAA!"

"So, yun nga. May pinoproblema akong player. Pinoproblema ko sya kasi...." Huminto naman siya at tumingin sakin na parang balisa. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "sobrang galing niya eh. Ibang klase. UNBEATABLE!" walanjooooo!! Makakatikim to sakin pag wala na kami sa school grounds Makita niya.

"Alam mo.. aksaya ka ng oras. Akala ko naman sobrang laki ng problema mo dun sa player na yun. Yun pala yan lang. Tss!" Sinuntok ko ng mahina ung braso tapos tumayo nako. Tinignan ko ulit sya bago ako bumalik sa fields. "Bat di mo nalang sana ako diniretsa. Sana sinabi mo nalang na 'Sam, ang galing mo talaga. Grabe!'. Hindi yung dinadaan mo sa proble-problema. Badtrip!"

"Like brother, like sister talaga." Tinignan ko naman siya ng masama.

"Anong sabi mo?!" napailing nalang siya habang tumatawa at tumayo. Nag-seryoso bigla ang mukha at pinatunog ang pito niya dahilan para magkaroon ako ng temporarily deaf sa may left ear ko.

"Balik na sa training! Malapit na yung oras. DALI! Move, move move!" sigaw niya sa lahat. Tinignan ko siya ng masama. "Did you hear me?" sita niya sakin.

Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon