Pagdating namin sa bahay ay hinila ko agad si Karylle paakyat sa kwarto ko habang sina kuya ay naiwan sa sala. Pagpasok sa kwarto ay hinagis ko ang bag ko sa kama at binagsak ang sarili ko sa bean bag chairs malapit sa kama."Darn, I'm so pissed!" naka-simangot kong sabi. Napatingin naman sakin si Karylle at umupo sa kama kaharap ko.
"Bakit ba, anong meron?" bumuntong hininga ako at umiwas ng tingin sa kanya.
"Eh kasi naman si kuya eh. Ikaw ba, di ka maiinis sa kanya parati nalang niya akong inaasar."
Paano ba naman kasi pauwi nalang aasarin pako dun sa kung paano ako mag-laro. Tss. Palibhasa puro basketball lang alam eh. Sipain ko sa mukha niya yung bola eh. Buti nalang at understanding 'tong si Karylle kaya sa tuwing nagve-vent out ako tungkol kay kuya eh iniintindi niya lang ako.
"Suus! Kuya mo naman 'yun eh kaya intindihin mo nalang."
"Anong intindihin? Eh sobra na nga ako maintintindi sa kuya kong yan eh." Napahiga nalang ako sa kinauupuan ko at tumingin sa kisame.
"Ikaw talaga. Dalawa na nga lang kayong magkapatid, mag-aaway pa ba kayo? Magpasensya ka nalang." Napa-irap nalang ako sa kawalan sa sinabi ni Karylle. Hay, ano pa nga ba. Ako ang bunso kaya kailangan ako ang magpasensiya. Napa-upo naman ako ng maayos at tinignan siyang nakatingin sa kanyang phone at kunot ang noo.
"Teka nga. Maiba tayo, may nanliligaw na ba sa'yo?" agad naman siyang napatingin sa'kin na nanlalaki ang mga mata at binitawan niya ang kanyang phone.
"A-ANO?! Wala ah! Anong klaseng tanong naman 'yan?"
Inirapan ko naman siya at nagkibit-balikat. "Ano pa edi matino at seryosong tanong." Halata mo namang kinabahan siya pero bigla siyang umiwas ng tingin sa'kin at tinago ang kaba niya.
"Seryoso, seryoso. Tsk. Pwede ba?"
"Kung wala, eh bakit parang blooming ka? Tsaka sinong katext mo, ha?" sabay nguso ko sa phone sa tabi niya. Binalik naman niya ito sa bag niya agad.
"Natural na'kong blooming, bruha. Tsaka.. tinext ko lang si mama." Napatango-tango nalang ako sa sagot niya. Aba't naka-isip ng palusot ang isang 'to.
"It's natural ka riyan, tumigil ka nga! Pwede ba? Isang tanong, isang sagot!"
Binelatan niya ako at tumango sakin. "Fine! Ano?"
"Kanino ba kina Derek at kuya ka nagpapa-cute?" kunot-noong tanong ko sa kanya. May halong gulat at kaba naman ang itsura niya pero bigla niya itong iniba agad at nagkunwaring natatawa.
"Baliw ka talaga, bru! Anong klaseng tanong naman 'yan?"
Nagkibit-balikat lang ako sa kanya at tinignan siya ng mabuti. "Eh bakit? Hindi ba totoo? Kung wala sa kanila, kanino?" Hinintay ko siyang sumagot at nakatitig lang ako sa kanya ng ilang minuto pero hindi siya nagsalita. Binato ko naman siya ng unan. "Hoy babaeng pa-cute! Kanino nga?!"
"Aish, sandal naman. Nag-iisip ako rito eh." Sabay hagis niya pabalik ng unan sakin. Niyakap ko nalang 'yun sinipa yung paa niya. "Aray!"
"Hoy, loka ka! Hindi na uubra sa'kin 'yang mga palusot mo."
Hinimas-himas naman niya yung paa niyang sinipa ko at sumimangot lang siya. "Eh kasi naman. Baka pag-sabi mo o 'di naman, baka diretsa mong sabihin sa kanya."
"Grabe, wala ka bang tiwala sa'kin? I am your one and only best friend. Hindi kita ilalaglag bruha. So, sino na nga? May nanliligaw nga sa'yo?" atat kong tanong. Tumayo naman ako at tumabi ng upo sa kanya sa kama.
BINABASA MO ANG
Perfect Match
Teen FictionSa dinami-rami ng taong nakikilala, nakakasalamuha at nakakasama mo. Paano mo nga ba malalaman na siya na ang nakatakda para sa'yo? Sa mga pagkakataong yon, ilang beses ka na nga ba sinubukang panain ni kupido pero hindi tumama? Sa ngayon kaya, tata...