Chapter 16

79 1 2
                                    



Napatingin naman ako sa kanya at nagkatinginan kami. Napailing ako at yumuko habang kinakamot ang batok ko. Bistado na'ko.

"Ano? Umamin ka na."

Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin sa kanya. "Anong aaminin ko? Wala naman."

"Sabihin mo na ang totoo, di ko naman bubugbugin kuya mo 'wag kang mag-alala."

"Weeeh? Okay lang sa'kin kahit mag-bugbugan kayo ng kuya. 'Wag niyo lang ako isali."

"Hay naku! Sabihin mo na kasi yung totoo." Shocks, pinipilit niya talaga! Ugh.

"Ano ngang totoo?! Ugh! Oo na, oo na! Crush na kita!" Mukha naman siyang nagulat sa sinabi ko pero umiwas nalang siya ng tingin. Grabe kung anu-ano nalang nasasabi ko para maiwasan ang topic. Myghad, why am I even saving my brother from his own best friend?

Napa-ngiti naman siya bigla ng nakakaloko at tinignan ako. "Alam ko naman 'yan. Imposibleng 'di ka magka-crush sa'kin, sa gwapo kong 'to." At nag-pogi sign pa siya. Di ko naman napigilan ang sarili ko sa 'pag irap sa kanya.

"Wow, grabe muntik na'kong tangayin ng malakas na hangin. Ang LAKAS! Wohooo!" ngumuso naman siya at pinanliitan ako ng mata.

"Palibhasa matalino ka, magaling na athlete, mayaman, maganda.."

"Ha! Ha! Alam ko na lahat ng 'yun 'di mo na kailangan i-enumerate pa." proud na sabi ko sa kanya. Natawa naman siya sa'kin at pinat ang ulo ko.

"Oo na, ikaw na. Pero 'wag mo iniiba ang usapan." Nag-seryoso naman ang mukha niya at tinignan ako ng diretso. "So, kinwento na sa'yo ng kuya mo yung tungkol sa'min nung girlfriend ko dati?" napabuntong hininga nalang ako at tinignan siya. Well, honesty is the best policy sabi nga nila diba? Why lie if malalamin din naman niya eventually ang totoo and I didn't have to lie or hide it din naman na alam ko.

"Well, kahit na pinromise ko kay kuya na wag sabihin sa'yo pero para matigil ka na d'yan," Seryoso lang siyang nakikinig sa'kin. Para bang hinihintay nalang niya yung confirmation sa hinala niya. "Oo, kinwento na sa'kin ni kuya yung tungkol diyan and it's all my fault. Not his. Pinilit ko siya siya kaya don't get mad at him." Nakatingin parin siya sa'kin pero ngayon ay may kasama ng ngiti sa kanyang mga labi.

"Okay lang, don't worry. Pero bakit mo siya pinilit na ikwento niya sa'yo?"

"'Coz I was just curious. That's all." Tumango-tango lang siya sa'kin.

"Bakit pinakwento mo ulit sa'kin?"

Bakit nga ba? Sa totoo lang hindi ko rin alam. Siguro gusto ko rin manggaling sa kanya ang nangyari. Kahit na nakwento na ni kuya, iba parin 'pag sa kanya mismo nanggaling. Maybe because I wanted to see his face while he tells me his past. I wanted to feel whatever he feels while he shares his story.

I shrugged and said, "Wala lang. Maybe to see how you really feels right now when you tell me the story."Mukha naman siyang nagulat sa sinabi ko pero agad din nawala 'yon at napalitan ito ng ngiti sa kanyang labi. Napangiti rin ako at tumingala sa langit. "Sa tingin mo, uulan 'no?"

"How would I know? Di naman ako nanonood ng news this passed few days." Tinignan ko naman siya ng masama habang nakatingin siya sa langit.

"Prediction lang!" inirapan ko naman siya kahit di niya nakikita at bumulong sa sarili ko, "Sungit." Na mukha namang 'di niya narinig dahil 'di siya kumibo.

"So what kung uulan?" taas kilay niyang tanong sa'kin. Nagkibit-balikat lang ako at tumayo sa swing na kinauupuan namin. Tumingala ako at ilang segundo pa ay nagsimula nang pumatak ng mahihina ang ulan.

"Sam, ano bang ginagawa—" natigilan siya ng bigla niyang maramdaman ang patak ng ulan dahil nilapitan niya ako. "Look, c'mon it's raining!"

"Ano ba, wag ka ngang KJ!" tumakbo naman ako ng konti malayo sa kanya at tinignan niya lang ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon