"Omg!! This is it!!"
Napa-iling nalang ako sa reaksyon niya at inirapan siya.
"Ang OA." Bulong ko sa sarili ko.
"Samantha!! Ang gwapo ni siiiiir!" Pabulong na sigaw ni Karylle sa tabi ko.
"Umayos ka nga dyan." Suway ko sa kanya at umayos kami pareho ng upo ng marinig mag-salita ang prof.
"Good morning, class! I am Mr. Derek Pascual and I will be your professor for this major subject this year. I hope everyone will pass at the end of the semester. Don't worry, I won't make it easy for you." Natawa naman ang klase sa sinabi niya.
Inintroduce naman ni sir ang subject at mga topics and activities na gagawin namin for the semester. Pinag-introduce niya rin kami isa-isa.
Sa totoo niyan, may itsura naman tong bago naming professor. Napaka-manly ng dating at mukhang fresh grad lang. Broad shoulders, maganda ang katawan, ang braso grabe! May pagka-singkit ng konti ang mata at kayumanggi ang balat na bagay sa kanya. Clean cut at maganda rin ang kanyang panga. Naku, kaya naglalaway na tong si Karylle talaga!
"Thank you guys." Sabi ni sir matapos ng last intro. "Now, if you have any questions feel free to ask me."
"Kahit ano talaga, sir?" Agad akong napalingon at tumingin ng masama sa katabi ko na si Karylle. Kitang-kita ang mala-demonyo niyang ngiti.
"Yes, anything." Sabay ngiti niya habang nilalaro ang ballpen na hawak niya.
"Karylle! Don't!" Pabulong na suway ko sa kanya pero di niya ako pinansin.
"May girlfriend ka po ba sir?" Excited na tanong niya. Nag-ingay naman ang mga kaklase namin. Ang iba sumasang-ayon sa tanong ni Karylle.
Natawa naman si sir sa tanong pero sinagot naman niya ito. "Wala, I'm single."
Naghiyawan naman ang iba kong mga kaklase at sabay-sabay nagtanong ng kung anu-ano.
"Sir sa gwapo mong yan, wala?" Sigaw ni Karylle.
"Oo nga!" Sigaw ng isa ko pang kaklase.
"Sir, ilang babae na pina-iyak mo?"
"Sir, anong sikreto mo sa mga chicks?"
Sunud-sunod na tanong ng mga kaklase ko. Tinignan ko naman ng masama si Karylle.
"Ikaw talaga! Inunpisahan mo 'to." Napalingon naman siya sakin habang nakangiti ng nakakaloko.
"Bakit? Aren't you curious? Tignan mo curious mga kaklase natin."
Inirapan ko siya. "Why would I be? Professor natin siya hindi kaklase."
"Ang KJ mo, Sam." Sabay irap niya sakin. Aba, ako pa ang KJ.
"Class, quiet." Suway ni sir sa buong klase. Tumahimik naman agad. "I won't be answering any more of your personal questions. Any questions though regarding our course outline?"
Nagtaas naman ako ng kamay. "Sir, yung mga activities ba individual, by pair or group?"
Agad naman siyang napatingin sakin. "Ah," nagkatinginan kami ng ilang segundo at napangiti aiya ng konti bago sinagot ang tanong ko, "That's gonna depend on the topic and the activity. But most of the time, you'll be working as a group. I want to see how you guys work as a team."
Napatango naman ako sa sagot ni sir.
"Boring." Pabulong na sabi ni Karylle sakin. Inirapan ko naman siya.
"Are you girls, okay?" Gulat ko na tanong ni sir sa amin. Nagkatingin kami ni Karylle.
"Yes, sir! Nagbibiruan lang po kami." Sagot agad ni Karylle,
Napatango nalang si sir habang nakatingin parin sa aming dalawa. May nagtaas ng kamay at nagtanong lang kaya nabaling sa iba ang kanyang atensyon.
Normal lang naman talaga sa amin ni Karylle ang ganoong sagutan. Sa sobrang normal hindi na kami nagkakagalitan pag ganun.
Natapos naman agad ang araw ng hindi namin namamalayan. Tinext ko naman agad ang kuya ko pagkatapos ng huling klase namin na nandito na kami sa may boulevard naka-upo para hintayin siya.
"Tagal naman ng kuya mo, Sam." Reklamo ni Karylle.
"Mauna kana kung naiinip ka na."
Napatingin naman siya agad sakin. "Wow, sungit ha. Nalipat ba sa'yo kasungitan ng kuya mo kaninang umaga?" Inirapan ko naman siya.
"Ewan ko sa'yo, K." Napatingin naman ako sa kanan ko at nakita ko kuya na naglalakad na patungo sa kinaroroonan namin.
"Opps, there's your kuya." Sabi niya habang sinusuot na ang kanyang body bag.
"Oh, san ka pupunta? Sabay ka na sa amin. Wala kang sundo ngayon diba?" Natigilan siya sa sinabi ko pero agad din siyang tumayo.
"Si mommy! May pinapabili sakin.. sa.. bookstore."
"Bookstore? Hatid ka na namin." Umiling naman siya agad at naglakad na palayo kaya napatayo ako. "Huy!"
"I'm good, thanks though. See you tomorrow!" Sabay flying kiss pa niya sakin at naglakad na ng mabilis.
"San punta nun?" Bulong ninkuya sa tabi ko na nagpatalon sa gulat sakin.
"Kuya! Ginulat mo naman ako. Bigla ka nalang nandyan."
Nagkibit-balikat lang siya habang nasa bulsa ang mga kamay. "Di pa sumambay si Karylle sa atin?"
"May dadaanan daw e. Ewan ko dun." Nagsimula na kami maglakad ng kuya ko. Kinuha niya ang bag ko at inakbayan ako.
"Tara na."
Sweet ang kuya ko sakin. Minsan sa sobrang sweet akala ng ibang tao mag-jowa kami. Kahit pag si mommy at pinagdadala niya ng bag. Kahit na pambabae pa yan at kulay pink ay bibitbitin niya parin. Nakuha niya kay daddy ang ganung ugali. Minsan nga ay naiirita na si mommy kay daddy pag ginagawa niya yon at nasa public kami namamasyal pero sa huli ay hahayaan nalang siya ng mommy. Si kuya naman, madalang niya lang gawin sa akin dahil alam niyang ayaw ko at naiintindihan naman niya kung bakit.
"Kuya, nag-away ba kayo ni Karylle?" Tanong ko bigla sa kanya.
"Huh? No, of course not. Ano naman pagaawayan namin?" Kunot-noo niyang tanong. Nagkibit-balikat naman ako.
"Wala naman. Just curious. Akala ko lang.." pinikot naman niya ng mahina ang tenga ko.
"Imagination mo lang yon, Samantha."
Napa-nguso nalang ako sa sagot niya at tahimik na naglakad. Nasa parking lot na kami ng may biglang tumawag sa kuya ko.
"Samuel?"
Nagkatinginan kami ni kuya at sabay na lumingon sa banda ng tumawag sa kanya.
"Derek?"
"Mr. Pascual?"Sabay naming sabi ni kuya. Napakunot-noo si kuya sa reaksyon ko.
"Prof mo siya?" Gulat na tanong ni kuya. Tumango naman ako habang nakatingin sa kanya.
"Samuel, ikaw nga!" Masayang sabi ni sir.
Siya yung bago naming prof kanina sa major subject! Nag-man hug naman sila ni kuya ng makalapit ito sa amin. Napanganga ako sa nangyayari.
"Pare, kamusta? Anong balita?" Tanong ni kuya.
"Eto, mabuti naman. Ikaw? Long time no see ah." Natatawang sabi ni sir.
"Balita ko professor ka na ah." Sabi ni kuya sabay tingin sa akin. Napatingin din si prof sa akin.
"Magkakilala kayo?"
BINABASA MO ANG
Perfect Match
Teen FictionSa dinami-rami ng taong nakikilala, nakakasalamuha at nakakasama mo. Paano mo nga ba malalaman na siya na ang nakatakda para sa'yo? Sa mga pagkakataong yon, ilang beses ka na nga ba sinubukang panain ni kupido pero hindi tumama? Sa ngayon kaya, tata...