"WWWHHAAATTT?!"Sigaw ni Karylle ng bongga sakin. Buti nalang walang pumasin samin.
"Karylle! Eardrums ko namaaaaan."
"Eh kasi naman nakakabigla yung mga balita mo sakin! Napaka-big revelation ng mga yan. Kagabi ka pa!"
Nandito kami sa corridor ngayon at kakatapos lang ng class namin at naglalakad kami papuntang field. May meeting daw kasi kaming mga soccer team.
And yep. Ngayon ko lang nasabi kay Karylle yung tungkol sa pagiging prof-turned-friend-turned-coach thing ni Derek. At alam na rin nya yung tungkol sa kasunduan namin ni Derek about dun sa kung anong itatawag ko sa kanya. At muntik na matuluyan sa pagiging loka-loka ang loka!
"OA ka lang, loka!" sabi ko sabay hila ng konti sa buhok niya.
"Eh hello? Sino naman kasing di maloloka sayo noh. Ang swerte mo kaya!"
"Ako? Swerte? Pano naman?"
"May kuya ka nang sikat sa campus AT ngayon friends na kayo ni Prof Derek! Oh diba? Aren't you so lucky?"
"Palibhasa wala ka sa lugar ko kaya nasasabi mo yan!" sabi ko sabay simangot.
"Bakit ba pag kasikatan na ng kuya mo ang usapan parang pasan mo ang buong mundo? Ha? Ganun ba kahirap maging kapatid ng isang star player ng basketball?"
"Just try to imagine. Ilagay mo ang sarili mo sa sitwasyon na meron ako ngayon. Ano masasabi mo?"
Nilagay naman niya yung kamay niya sa baba niya na para bang nag-iisip at tumingin sakin sabay kibit-balikat.
"Pressured?"
"See? Alam mo naman pala eh. Tapos sinasabi mo pa na maswerte ako."
'Eh kahit papano naman maswerte ka na meron kang kuya katulad nya diba?"
Napatigil naman ako nun at nag-isip. Matapos ko mag-isip eh naglakad na ulit ako.
"Well, somehow... yeah! Pinagtatanggol niya ko pag may nananakit sakin ganun."
"Oh see?"
"Whatever, ok?"
"Fine!" napa-iling nalang ako at tumigil sa paglalakad.
"Oh nandito na tayo."
"Dun lang ako sa mga benches. I'll wait for you there."
"Osige, wait lang."
"Okay!"
Tumakbo nako dun sa may field kung nasan yung mga teammates ko. Umupo narin ako nun habang hinihintay pa namin yung iba.
After ilang saglit, bigla naman sumulpot sa harap namin si Derek.
"Good afternoon everyone! So I will be your new coach for the rest of the year. And hopefully for the following years to come."
After nung mini introduction niya eh nagsalita siya tungkol sa mga upcoming activities namin at kung anu-ano pa. After nun eh dinismiss na niya kami.
Pagkatayo ko nun eh nabigla nalang ako nung lumitaw si Derek sa right side ko.
"Hi!" bati niya sakin na may nakakalokong ngiti. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Oh? Binigla mo naman ako!"
"Ganun ba? Pasensya!"
"Bakit nga pala? May kailangan ka?"
"Wala naman." At hinead to toe ko lang naman siya sa sagot niyang yon.
BINABASA MO ANG
Perfect Match
Teen FictionSa dinami-rami ng taong nakikilala, nakakasalamuha at nakakasama mo. Paano mo nga ba malalaman na siya na ang nakatakda para sa'yo? Sa mga pagkakataong yon, ilang beses ka na nga ba sinubukang panain ni kupido pero hindi tumama? Sa ngayon kaya, tata...