"Heart to heart talk?""Ha?" tanong niya at napatingin sakin.
"Ang ibig kong sabihin, mag-serious talk tayo. Parang ganun yung ibig kong sabihin. Di mo ba alam yun? Buti pa si kuya, alam."
"Alam ko kung anong ibig sabihin nun noh!"
"Ganun naman pala eh. Eh bakit may pa 'ha? ha?' ka pang nalalaman jan?"
"Aba bakit! Kumokontra ka?" nagsu-sungit na si koya. -_-
"Kumokontra ba ko? Nagtatanong lang naman ako ah."
"Edi kasi. Teka lang, bakit mo naman gustong mag-'serious' talk tayo?"
"Wala naman. Kesa naman tumunganga tayo dito kakahintay kay kuya, diba?"
"Pwede rin! Bakit hindi."
"Ang boring naman nun."
"Alam mo, parehong-pareho talaga kayo ng kuya mo. Ayaw na ayaw nyo ng walang ginagawa. Magkapatid nga kayo!" inirapan ko naman siya.
"Nakuu! Kahit i-deny ko ng ilang beses yan at kahit paikut-ikotin ko pa ang mundo, hindi na magbabago yun noh."
"Masyado yatang kasumpa-sumpa ang pagiging kapatid ng isang Christian Samuel Elizalde?" natatawang tanong niya sakin.
"Nako! Grabeng pressure at depression ang aabutin mo kung ikaw ang nasa lugar ko."
"Bakit naman?"
"Naku! Basta! Ibang topic nalang pwede. Ikaw naman kaya mag-kwento jan. Kasi mukhang kilalang-kilala mo nako. Bestfriends naman kayo ni kuya, diba?"
"Bestfriends nga kami pero di naman lahat kinukwento nya sakin. Yung iba siguro, oo. Like yung di masyadong personal." Nakahinga naman daw ako ng maluwag dun sa sinabi niya. Madaldal kasi yung kuya ko yung di niyo natatanong. Hahaha
"Ahh. Buti naman."
"Bakit? Meron ba syang hindi dapat i-share sakin na shinare na nya?" napataas ako ng kilay sa tanong niya. Teka, anlabo nung tanong niya ah.
"Aba malay ko! Kayo tong nagkekwentuhan eh."
"Well, so far sa tingin ko wala pa naman syang nakekwento na masyadong personal."
"Aba dapat lang! Kundi malalagot sakin yun." Sumeryoso naman ang mukha niya at tinignan akong mabuti.
"Matanong nga kita, ikaw ba nagka-boyfriend na? At masyado atang masalimuot kaya ayaw mong ipa-kwento?"
"Ano naman ang koneksyon ng love life ko dun sa issue na ayaw kong ipakwento yung personal life ko kay kuya? Can't you understand? PERSONAL LIFE! Bakit pa tinawag na personal kung ikakalat mo rin sa buong mundo yun? Ha? Sagutin mo nga ako?" himutok ko sa kanya. Hello, totoo naman kaya. Naturingang prof tong kausap ko, naku.
"Aba! Syempre. Madalas kasi lovelife yung parang nagiging personal life ng tao. Kaya yun."
"Naku noh! Wala akong panahon sa lovelife ko. Kontento nako sa kung ano ang meron ako ngayon. Tsaka masaya nako sa pagiging single. Besides, hindi ko pa nahahanap yung... yung tamang guy para sakin. Hindi ko pa nahahanap yung dreamboy ko." Nakangiti akong napatingin sa kanya kaso tapos bigla niya kong inirapan.
"Nangarap pa toh! May padreamboy-dreamboy ka pang nalalaman jan."
"Eh bakit ikaw? Wala ka bang dreamgirl? Ha? Sige nga!"
"Meron! Wala naman akong sinasabing 'wala', diba?" at inirapan niya ulit ako. HOMAYGHAD.
"Kunwari ka pa, ikaw din pala! Ikaw! Ikaw siguro marami ka nang naging girlfriend. Nasa itchura mo naman eh." Sabi ko sabay ngisi. Tinignan niya lang ako ng masama.
"Jan ka nagkakamali, uy!"
"Wag mong sabihin sakin hindi ka pa nagkakagirlfriend? Sasapakin kita jan!"
"Sasapakin mo ko? Eh kung ibagsak kaya kita sa subject ko?" nagha-hamon na si prof.
"Ibang usapan na yan. Foul na tayo jan! Pero di nga? Hindi ka pa nagkakagirlfriend?"
"Halatang-halata di nakikinig nung orietation ah. Diba si Karylle pa nag-tanong sakin nyan?" nanlaki ang mata ko sa kanya. O___O
"Ibig sabihin totoong naka-isa ka pa lang?"
"Oh ano naman ngayon? Parang shock na shock ka jan ha?"
"Eh kasi nga wala nga sa itchura mo! Mabibigla ba ko kung nasa itchura mo? Ha?"
"Ganun talaga! Habulin eh." Kundi ko lang talaga siya prof at coach, nabatukan ko siya dun sa sinabi niya. -___-
"Ang yabang mo naman paaare! Pero seriously speaking, bakit nakaka-isa ka palang?"
"Kasi so far, yung girl na yun palang ang nakikita kong perfect match dun sa dreamgirl ko."
"Ganun? Gano naman kayo katagal? Tsaka anong nangyari sa relationship nyo?" Sumeryoso naman siya nun. Tapos parang nag-isip siya. Tinitigan ko lang siya at hinintay magsalita. "Bakit? Is there something wrong?"
"Wa— wala! Umm.. 3rd college ako nung makilala ko siya. 4th year nako nung naging kami." Tumigil naman siya nun at napatingin nalang sa kawalan. After 2 minutes, di parin siya nagsasalita.
"Tapos? Anong nangyari?" napansin kong parang natigilan siya sa tanong ko. Pero sinagot niya parin.
"Nawala na siya." Napakunot noo naman ako sa sagot niyang yon.
"What do you mean na nawala siya? Umalis siya, ganun?" umiling naman siya.
"Iniwan na niya ko. Nandun na siya. Sa kabilang buhay." Sabi niya habang nakatingin parin sa kawalan.
"Oh my! I'm so sorry to hear that. Sorry! Dapat pala hindi na kita tinanong tungkol dun." Napangiti naman siya ng bahagya at nilingon ako.
"No. don't say sorry. Ok lang yun noh."
"Sorry talaga!"
"Ok lang. Naku, teka nga! Parang ang tagal naman ata ng kuya mo."
Tumayo naman siya nun kaso di ako nakatingin. Napansin ko naman parang di siya gumalaw dun sa kinatatayuan niya kaya tumayo ako. So nasa likod niya ko nun.
"Akala ko ba pu—"
Napansin ko naman na nandun na si kuya at nakatayo habang hawak-hawak niya ung mga inumin na binili niya.
"Oh kuya? Nandyan ka na pala. Kanina ka pa jan?" tanong ko. Wala namang kumibo sa kanilang dalawa. "Heller! Galaw-galaw baka ma-stroke. Napano kayong dalawa?"
Pumagitna naman ako nun sa kanilang dalawa at tinignan ko sila habang seryoso silang nakatingin sa isa't isa. Dedmahin daw ba ko?
"Hello?! Buhay pa ba kayo? Ha?"
Bigla naman yumuko si kuya nun. Pagkatapos eh tinignan niya ulit si Derek.
"You're still not over her?"
BINABASA MO ANG
Perfect Match
Teen FictionSa dinami-rami ng taong nakikilala, nakakasalamuha at nakakasama mo. Paano mo nga ba malalaman na siya na ang nakatakda para sa'yo? Sa mga pagkakataong yon, ilang beses ka na nga ba sinubukang panain ni kupido pero hindi tumama? Sa ngayon kaya, tata...