Chapter 3

109 2 1
                                    




"Magka-kilala kayo?" nakataas kilay na tanong ko sa kuya ko.

"Oo, bakit?"

"W-Wala lang. Wala ka naman naba-banggit sakin eh." Sabay kibit-balikat ko.

"Eh hindi ka naman nag-tatanong eh."

"Whatever!"

Nag-roll eyes nalang ako sa kaniya. Natawa nalang nun si Prof Derek.

"Magkapatid kayo?" natatawang tanong ni prof.

"Sa maniwala ka man o hindi, oo eh!" tinignan ko naman ng masama tong kuya ko.

"I think he won't believe you."

"Epal! Aber, bakit naman?"

"Dahil malaki ang difference natin!"

"Like what?"

"DUH! Isn't it obvious? Babae ako at lalaki ka. Lalaki ka nga ba?" sabay kibit-balikat at irap ko sa kaniya.

"Batukan kaya kita jan?"

"No need! Thank you nalang."

Natawa nanaman nun si Prof Derek. Aba teka nga, kaibigan naman siya ni kuya so I don't need to call him "prof" na.

"Anyway, magkaibigan na kami ng kuya mo 2 years ago pa."

"Basketball player ako at siya naman eh soccer player like you."

"So, siya ung kapatid mo na kinukwento mo sakin?" sabay turo sakin ni prof.

"Walang iba!"

"So, siya ba yung friend mo na tinutukoy mo about the 'reminds me of someone' line mo kanina?" pagtataray kong tanong kay prof Derek.

"Yeah, tama ka. Kaya pala parang magkahawig kayo!" ANO DAW?! Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya.

"Yuck! We're not look-alike!"

Tinignan naman niya ko ng mabuti nun mula ulo hanggang paa habang tinataasan ko lang siya ng kilay pagkatapos napatingin din siya kay kuya at natawa sabay iling.

"That's not what I meant. Marami lang kayong similarities."

"Like what, pare?"

"Pareho kayong involve sa sports."

"Gaya-gaya lang yan noh!"

"Kapal mo rin ah! Eh kung di mo lang naman ako tinuruan mag-soccer di naman ako maiinvolve sa ganito eh."

"Ako pa may kasalanan ngayon?"

"Talaga! Wag ka na umangal." Sabay pout at cross-arms ko. Inakbayan naman ako ulit ni kuya at natawa.

"Anyway, musta naman ang first day mo bilang professor?"

"Mabuti naman. Masaya silang turuan."

"Magulo ba sa klase tong kapatid ko?"

"Tahimik nga lang siya eh."

"Di nga? Wag mo pagtakpan to ah!" natatawang sabi ni kuya. Siniko ko naman siya.

"Hindi nga! Seryoso. Tahimik lang siya."

"Sa una lang yun noh." Side-comment ko pero di nila napansin.

Nag-kwentuhan pa sila nun. Aba talagang! Nung mejo tumagal na, napag-isipan ko na ayain si kuya umuwi.

"Kuya, it's getting late. We should go now."

"Ha? Osige na nga! Oh pano? Sa susunod nalang ulit."

"Sige pare. Ingat!" sabay weird hand shake nilang dalawa ni kuya.

Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon