B stands for Bully
-----
Bakit ngayon pa? Sa dinami dami ng oras at araw na dumaan sa buhay ko bakit ngayon pa?
Bakit ngayon pa ko naubusan ng shampoo? Badtrip kung kelan naman basa na buong katawan ko.
Pinagpatuloy ko na lang paliligo since wala naman akong choice. Nagbanlaw na ako at pinatay yung shower. Pagkasuot ko ng bathrobe ay lumabas ako sa shower box at humarap sa malaking salamin ng bathroom. Nakikita ko dito ang reflection ko at ng bathtub sa aking likuran. Pati na rin ang hanay ng mga cosmetic products na tinuruan ako kung paano gamitin pero hindi ko naman ginagamit. They can all expire for all I care.
I'm not rich. But I'm living an expensive live. Mansyon ang bahay na tinitirhan ko at may malaki akong banyo at kwarto. But I'd rather live in a hut that this enormous house full of witches.
Lumabas na ko ng banyo at tumuloy ka kadugsong nitong walk-in closet. Jeans at maluwag na white shirt ang sinuot ko and lastly paired it up with my brown keds sneakers. Nagsuot din ako ng relong pangbisig. Pagkatapos kong magbihis ay dinampot ko na ang luma kong backpack at direderechong bumaba ng hagdan. Nasa 3rd floor ng bahay ang kwarto ko since I want to isolate myself from everyone in this house.
Ironic isn't it? Naka keds akong sapatos pero luma ang backpack ko. Sa mansyon ako nakatira pero hindi ako mayaman. I bet a lot of people is wondering why. Well, not my problem. Tanging si Ivana lang ang nakaka-alam ng mga bagay bagay sa buhay ko. Only her and her family knows my family set up.
"Good morning Athena." bati sa akin ng middle aged na lalaking nakasalubong ko sa sala ng mansyon. Minsan lamang sya umuwi sa bahay na ito. Madalas, doon sya sa legal nyang pamilya.
"Good morning senator." I greeted him back pero hindi ko sya tiningnan. Diredirecho pa din ang lakad ko. I held my face high. Nakahawak na ako sa doorknob ng front door ng magsalita sya ulit.
"Care to join me for breakfast?" tanong nya sa akin which I ignored, with pleasure.
"You saw what that brat just did? Manang mana sa kanyang ina. Walang class." bahagya ko pang narinig ang sinabi ng mother witch. I can feel my eyes stung. I was about to tear up pero pinigilan ko. Wala syang karapatang pagsalitaan ang nanay ko ng masama. She doesn't know a bit about her sister.
Pagkalabas ko ng tuluyan ay huminga ako ng malalim. Pinuno ko ng hangin ang baga ko. Feeling ko hindi ako huminga ng kahit isang sigundo sa loob ng pamamahay na yon.
Pinagbuksan ako ni manong guard ng gate. Alam nyang naglalakad lang ako papuntang school pero hindi nya alam kung bakit. He's too scared to ask. After all, I'm the high and mighty Athena Miguele Hizon.
---
Nakarating ako sa school matapos ang mga 15 minutes or so siguro. Sumakay ako ng jeep and besides, hindi naman ganoon kalayo ang subdivision kung saan nakatayo ang mansyon ni senator. Senator is my dad. And he obviously failed at being one. Kahit kailan hindi ko sya itinuring na tatay, ni hindi ko nga mabanggit ang pangalan nya. It just happens na kailangan ng maluho kong tiyahin ang pera at social status nya kaya hindi nya ako mapakawalan.
Kayang kaya ko nang umalis at magsarili kung tutuusin, may trabaho naman ako sa mga magulang ni Ivana at kaya ko namang umupa ng matutuluyan. Ivana's parents even offered to take me in. Nasabi na nila sa akin noon na gusto nila akong ampunin ng legal. But because of senator, they can't. Scholar naman ako kaya hindi maaapektuhan ang pag-aaral ko. Pero merong bagay na hawak ang tiyahin ko na ayaw nyang ibigay sakin. Gustong gusto ko iyong makuha dahil galing yon sa nanay ko. Huling ala-ala nya yon sa akin.
BINABASA MO ANG
EZH #1: Asher Ruiz [COMPLETED]
Teen FictionHe is Asher Ruiz. Mayaman. Gwapo. Sikat. Name it, he has it. Pero sa paningin ni Athena Miguele Hizon, he's nothing but a mere weirdo. She doesn't want anything to do with him. But, her curiosity said otherwise. She became his "personal assistant" a...