X

7.4K 232 42
                                    

I would like to dedicate this chapter to my new found friend, JulieDura! 😊 She's an awesome writer, if you still haven't read her Delafuente series, better check them out! If you like funny scenes and witty characters, her stories are all perfect for you! 😊


Hi Julie! Hinanap ko talaga tong chapter na may madaming exposure si Timothy (Suga) para sayo! HAHAHAHAHAHA.

-----

X na ba talaga?

-----

Demi Montellado

"Asher, umayos ka nga! Hayop na to. Lumamon ka bugok! Lamon!" Kal told Asher. We were all sitting around the dining table habang nakain ng breakfast. Hindi natinag si Asher. Nakatitig lang sya sa pagkain nya na si Hope lang ang naglagay sa plato nya.

Ganyan yan dahil hindi pa din sya pinapansin ni Miggy. Ewan ko ba sa babaing yon. Napakagulo ng utak. Pati kami ni Ivana iniiwasan. Akala siguro hindi namin ramdam. These past few days, biglang dumami yung mga ginagawa nya. Akala naman nya maloloko nya kami. Duh? Parehas kami ng program. Imposible namang sya tambak sa gawain tapos kami hindi? But we were trying our best to understand her. Miggy clearly has issues. Hindi nya sinasabi but meron panigurado. Hindi naman magiging ganito yung reaction nya sa mga nangyayari kung wala, considering her personality. Para kaya yong si T. Walang paki sa paligid. But she clearly has some issues that affects her relationship with Asher. I just wish she would come back to her senses fast.

"Asher, statistically speaking, 89% ng mga tao sa Pilipinas, walang makain. Magpasalamat ka na kabilang ka sa 2% na ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig mo na kaya kang pakainin higit sa tatlong beses sa isang araw. Isipin mo din ang sakripisyo ng mga tao sa kompanya nyo na nagtatrabaho para sa pamilya nyo. Think about your dad and mom working their asses off just to feed you." Sabi ni Caspian. Dinamay pa ang statistics. Hay up.

"Di naman nagtatrabaho si mama." Mahinang bulong ni Asher.

"Sasagot ka pa!" Sigaw ni Kal.

Asher sigh. He kept on playing with his food. Ilang araw na syang ganyan. Hindi kumakain ng ayos. Hindi makausap ng matino. Di na rin yata natutulog.

"Ikaw ba ay kakain ng ayos o gusto mong isalaksak ko sa lalamuan mo yang buong plato para malamanan yang sikmura mong patapon ka?" Sabi ni Timothy kay Asher. Kahit talaga kailan tong si T paastig. Ayaw na lang aminin na nag-aalala din sya dito kay Asher. Mga lalaki talaga. Napatawa ako nang may pagkaing lumipad papunta sa muka ni T. Napapikit si T at naiinis na tumingin kay Jareth.

"Sorry kuya." Natatawang sabi ni Jareth bago sya humarap sa anak nyang humahagikhik na. Pinunasan nya yung muka ni Jasper na puno ng baby food. "Wag kang malikot, baby! Si daddy ang babalian ni tito T mo. Wag mo ko ipahamak. Di kita pinalaking ganyan."

"Di pa naman malaki anak mo. Bugok ka eh wala pa ngang isang bwan yan sayo." Sabi ni Hope. Sila sila may sariling usapan sa kabilang part ng lamesa. May mga sariling mundo. Ayaw madamay sa sermon kay Asher.

EZH #1: Asher Ruiz [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon