Queen of mine
-----
"Ayako na nga!"
Nagliparan ang jenga pieces sa buong sala ng condo nina Asher. Today was Saturday at hapon na. Pagkadating ni Caspian galing kung saan ay may dala syang jenga blocks. Nakabalot pa at bagong bili. Ni hindi pa nga natatanggal yung presyo. Kung saan nakuha o bakit bumili non si Caspian ay walang nakakaalam. They've been playing that game for a good one hour already. Nakakailang rounds na din sila. Sa lahat ng rounds na iyon, isa lang ang laging talo.
Si Caspian.
Ano pa bang bago? Sawa na yata syang sya ang nakakabuwal ng jenga tower kaya ginulo nya na ito ng tuluyan. Naiinis na hinampas nya na lang ito bigla.
"Ano ba yan! Ikaw mag linis nyang jenga pieces Caspian kung ayaw mong ipasok ko yan lahat sa bibig mo." Sabi ni Kal kay Caspian. Tumayo si Kal at nagpunta sa kusina. Kakain na naman yata. Nagtatawanan naman sina Jareth, Asher at Storm. Mga walangya talaga. Gustong gusto na nahihirapan ang mga kuya nila. Pinakamalakas ang pang asar na tawa ni Asher. Palibasa, marunong talaga sya nung laro. Binilhan kasi pala sya ng mommy nya ng ganon nung nasa Korea pa sila.
"Mukang energy bar yung mga jenga pieces." Inaantok na sabi ni Timothy. Naghikab sya at tuluyang humiga sa sofa na kinauupuan nya.
"Masarap yung caramel na ganon kuya." Dagdag ni Storm.
I was massaging Asher at the back of his neck. Ewan ko. Gusto ko lang. Hindi naman sya nagrereklamo kapag ginagawa ko sa kanya. Gusto naman nya din yata.
Hindi na ako nahihiyang dumikit kay Asher dahil bakit ako mahihiya? May karapatan na naman ako. Hindi namin pinagsabi na officially, kami na talaga. Parehas kasi kaming hindi mahilig ipaliwanag ang mga sarili namin sa ibang tao. Pero mukang gets na naman nung ibang puto pati na din nung mga babae. Maybe its in my actions. Maybe its in the way I act towards Asher. Basta may nagbago. At mukang napansin naman nila yon. Wala namang nagtatanong kasi nga, mukang gets naman na nila.
Nagsumiksik si Asher sa tabi ko at inilingkis yung kaliwang kamay nya sa bewang ko, since I was sitting on his left side. Iginala ko ang tingin ko sa mga kasama namin. Muka namang walang nakapansin. Hindi na siguro bago sa kanila. Lagi namang nakalambitin si Asher sakin kahit dati pa. They were all still laughing and joking.
Ngayon mas naiintindihan ko na yung ibig sabihin ni ate Atasha dati. Yung bibigyan nya ako ng pagkakataon na makita kung gaano katatag at kasaya ang relasyon ng pitong puto. She said she was giving me the opportunity to witness such relationship and I was thankful to her. Hindi nya ipinagdamot sakin sina Asher kahit pa alam nyang iba ako sa kanila. Kahit pa alam naman nyang total opposite ako nina Asher. Even if she knew I was damaged. She was hoping the boys can fix me. And little by little, nararamdaman kong nabubuo ako. I'm starting to feel that I belong to a certain group of people. Hindi ako si Athena na walang matatawag na sariling pamilya. Hindi ako si Miguele na outcast sa sariling bahay. Hindi ako si Miggy na ayaw makisama sa iba.
With Asher and the rest, I am Athena 'Miggy' Miguele Hizon who belongs to this circle of friendship made with a bond stronger that any glue or adhesive there is. I can now feel the sense of belongingness.
Hindi ko na napansin yung sarili ko. I was staring at Asher. Ang saya ng tawa nya. Even his eyes were smiling. Napangiti ako absentmindedly. I was pulled back to reality when the boys started throwing blocks at each other. Tinamaan si Storm sa ilong nung ibinato ni Jareth.
"TANGINAAAAA!" Napamura si Storm habang hawak yung ilong nya.
"NAGMURA KA?!" Sigaw ni Winter na nasa taas ng hagdan. Pababa sya hawak ang kanyang phone.
BINABASA MO ANG
EZH #1: Asher Ruiz [COMPLETED]
Teen FictionHe is Asher Ruiz. Mayaman. Gwapo. Sikat. Name it, he has it. Pero sa paningin ni Athena Miguele Hizon, he's nothing but a mere weirdo. She doesn't want anything to do with him. But, her curiosity said otherwise. She became his "personal assistant" a...