OO

7K 206 107
                                    

Oo

-----

Bumalik ako sa kwarto ko dahil nakalimutan kong dalhin ang phone ko. Sa lahat naman talaga ng pwede kong makalimutan. Pagkakuha ko ng aking phone ay agad akong nagtatakbo palabas ng hotel room ko at papunta sa elevator. Sakto namang bumukas ito sa floor kung nasaan ako. Bumaba ang isa sa mga lalaking pinsan ni Demi. Yung mukang manununtok na lang bigla. Gwapo naman sya kaso iba talaga. He didn't spare me a glance at dire-diretso lang syang bumaba ng elevator. Sumakay naman ako bago ko pinindot ang button papuntang lobby. Baka kasi pag nagtagal pa ako ay iwan na nila ako.

Habang nakasakay ako sa elevator pababa ay hindi ko maiwasang isipin kung bakit sa floor namin bumaba yung mukang basagulero na Montellado eh ang alam ko sa penthouse sila nagsstay magpipinsan. I just shrugged. Wala naman akong pake. Naisip ko lang talaga.

Pagkababa ko ng elevator ay bumalik na ako sa lobby. Wala na si Asher sa pinag-iwanan ko sa kanya kanina. I saw Starr holding Jasper already. Lumingon ako sa kanan at nakita ko si Asher na dumaan sa gilid ng hotel. If I'm not mistaken, papunta ang daan na yon sa rose garden ng hotel. Anong gagawin don ni Asher? I followed him.

"Medyo nagmamadali kasi kami. Hindi na ba pwedeng bukas mo na lang ako kausapin?" Narinig kong sabi nya. He's talking to someone? Sino? Nagtago ako sa likod ng pader malapit sa kanila. Hindi masyadong malapit pero sapat para marinig ko ang mga boses nila.

"I don't think we can still talk tomorrow. Aalis na kami ni Frey mamaya and I'm afraid I would never get the chance to talk to you ever again. May gusto lang ako talaga malaman." Ang pamilyar na boses ni Nia ang narinig kong sumagot sa tanong ni Asher.

"Okay. Ano ba yon?" Tanong ng boyfriend ko.

"Wala ka ba talagang nararamdaman for me? Kahit konti lang?" Tanong ni Nia. Nakita kong umiling si Asher.

"Nia, sorry pero wala talaga." Napangiti ako. Pero agad ding nawala ang sayang naramdaman ko dahil sa sunod na sinabi ni Nia.

"Okay. I got it. One last question, sana maging honest ka sakin. Kay Miggy, mahal mo na ba talaga sya from the start? Do you really have feelings for her since the day you introduced her as your girlfriend in front of us?" Biglang parang may malaking bagay ang bumunggo sa dibdib ko. May idea na pumapasok sa isip ko. No. It can't be.

"Kailangan ko ba talagang sagutin yan?" Tanong ni Asher matapos ang sandaling katahimikan sa pagitan nila.

"Oo naman. Pag sinagot mo yan ng totoo, bawi ka na sa lahat ng sakit na nakuha ko mula sayo." Nia said. It was clear that she was guilt tripping Asher. He sighed a deep breath before he spoke.

"Wala. Sa totoo lang, ginamit ko lang si Athena para hindi ako matali sayo. Hindi kita mahal Nia. At dahil alam kong kapag nalaman ng lola mo na may gusto ka sakin, ipapakasal nya tayo. I was desperate for an escape and Athena was there. She's the best option I had to avoid being wed to you. Kaya ipinakilala ko syang girlfriend sa lahat agad agad. I used her." Asher said.

Para akong sinampal. Para akong nabingi. He what? He fucking used me! Nabuway ako sa kinatatayuan ako. Napasinghap ako at agad na nagtatakbo paalis dahil baka makita nila ako.

EZH #1: Asher Ruiz [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon