Ff

7.9K 221 96
                                    

Ff

-----

Asher Ruiz

"Mama! Mama! Where's my mama?! Mama! Papa! Help!" I was shouting. So much that my throat already feels like it was being ripped apart.

"Wag ka ngang sumigaw! Wala ang mama mo! Hindi ka nila maririnig!" Sigaw sakin nung nakakatakot na lalaki.

Hindi ko maintindihan yung mga nangyayari. Pagkagising ko, wala sina mama at papa sa suit namin. Lumabas ako para sana hanapin sila pero di ko talaga sila makita. Nilapitan ko ang kasama kong lalaki ngayon kanina, kasi staff sya nung resort, para sana magpasama papunta sa mama at papa ko. He said he will take me to them. Pero bakit nya ako sinakay sa lumang itim na van? San nya ko dadalhin? Bigla akong nakaramdam ng takot sa kanya kaya nagsisigaw na ako. Kanina pa din ako umiiyak.

"Where are you going to take me, mister? I want my mama! Stop this car now!" The little five year old me said with fake courage. I tried to copy the tone of my papa's voice everytime he will scold his employees because they were not doing their jobs properly. Kapag kasi ganun na magsalita si papa, sumusunod agad yung mga tauhan nya. But I didn't know that will not work with this guy.

Sinampal ako nung lalaki.

"Wag mo kong inuutusan!"

"Why not? You are the resort's staff! I can order you around!" I told him. The guy slapped me again.

"Inglis ka ng inglis nasa Pinas ka naman! Tumahimik ka!" He said. May kinuha syang makapal na tape galing sa likod nung van. Tinape nya yung bibig ko. Hala bakit? Wala akong nagawa kundi umiyak lang ng umiyak. Nagsimula akong magpapadyak. Hindi ko na maigalaw ang mga kamay ko dahil nakatali na ang mga ito.

"Makulit ka ha!" The guy said before he punched my stomach. The action made me hitched my breath. Pakiramdam ko nawalan ako ng hangin sa lungs. Gusto kong umubo pero di ko magawa dahil sa tape sa bibig ko. Hindi na ako makahinga ng maayos. Napahiga ako sa kinauupuan ko. Para akong nalulunod. Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari sa paligid ko. Hindi na ako makahinga. Tanging tawa na lang ng mga lalaki ang naririnig ko. Mga tawang mala-devil. Tumaas baba ang dibdib ko. Kinukulang ako ng hangin. Mamamata-----

EZH #1: Asher Ruiz [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon