Para sa girlfriend ko
-----
"Asher, can we talk?" I asked Asher as he drove off. Kakatapos lang ng klase at niyaya nya akong kumain. Nakasunod ang kotse nya sa kotse nina Kal at Timoty na nasa unahan. Nasa likod naman namin yung iba pang puto.
"Sure. Tungkol saan ba?" Tanong nya sakin pabalik.
"About..." I hesitated. I don't even know what to say. Hindi ko alam kung anong tamang word or term ang sasabihin ko. "Mamaya na nga lang. Punta tayo sa park sa subdivision namin bago mo ko ihatid pauwi."
"Okay." He said. Nilingon nya ako sandali habang nakangiti. He always does it whenever he wants me to know na okay lang sa kanya yung mga pabor na hinihingi ko. Ibinalik naman nya agad ang atensyon nya sa kalsada. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa restaurant ni ate Atasha. Dahil walang parking space na available ay napilitan kaming dumirecho sa parking space na may bayad two blocks away from the restaurant. Limang kotse kasi in total kaming lahat kaya nahihirapan na sa pagpark. Hindi kagaya dati na isang van lang. Inabot sakin ni Asher yung stub na ibinibigay sa mga may ari ng kotseng nakapark dito. Ano pa nga ba. Alam nyang mawawala sa kanya yung stub kaya sakin nya pinahawak.
Sama sama kaming naglakad papunta sa restaurant.
"I'll talk to him later." Bulong ko kay Ivana. Sya ang kasabay kong maglakad. Nauuna si Asher maglakad samin kasabay naman si Hope. Demi was with Timothy at mukang nag-aaway na naman yung dalawa. Winter was clinging to Storm while Kal and Caspian talk.
Nagthumbs up sakin si Ivana at ngumiti. That gave me lakas ng loob.
Kumain lang kami sa restaurant. Gusto ko sana makausap si ate Atasha kahit sandali pero wala kasi sya dito ngayon. May pinuntahan daw sabi nung mga staff nya.
Pagkatapos kumain ay nagkanya kanya na kami. As usual, Storm and Winter rode in Kal's car while Jareth rode in Caspian's. Sa kotse ni Timothy silang dalawa ni Demi while Ivana rode on Hope's car. Ihahatid sya ni Hope sa Café.
That left me and Asher. Hindi maipaliwanag na kaba ang nararamdaman ko habang nasa daan kami. Sa ospital kami dumirecho. Pinatingnan ulit namin yung paso ko. Magaling naman na sya. Medyo namumula pa din pero hindi na masyadong mahapdi. Pero kahit ganon ay pinalagyan pa din ito ni Asher ng dressing. Natatakot daw syang baka maimpeksyon. Baliw. Kitang magaling na nga.
Pagkatapos ay sa mall naman kami nagpunta. Hindi na ko nagtaka. Kelan ko ba nahulaan ang takbo ng utak ni Asher?
"Gusto ko bumili ng lego set Athena." Asher said out of the blue.
"San mo naman gagamitin?" Naglalakad na kami sa loob ng department store papunta sa toy section.
"Ilalagay ko sa pader."
"Ha?" Hindi nya na ko pinansin. Nakuha na ng madaming laruan ang atensyon nya.
"Waaaaaah!" Sigaw ni Asher na parang bata. Ang dami nyang dinaanang mga laruan. Toy cars, building blocks, game consoles. Lahat hinawakan nya. Bago pa kami nakarating sa mga lego.
Kumuha si Asher ng tatlong malalaking kahon ng lego. Inabot nya ito sa salesman na nakasunod sa amin. Dumampot pa sya ng dalawang supot na lego din ang laman. Mga maliliit na lego pieces yung laman ng mga kinuha nya.
Nakasunod lang kami ni kuyang toy kingdom kay Asher. Ang dami nya pang dinutdot na kung ano ano. Kung hindi ko pa sya napigilan, bibili sya ng laruang kotse na kasing laki ng bump cars.
BINABASA MO ANG
EZH #1: Asher Ruiz [COMPLETED]
Teen FictionHe is Asher Ruiz. Mayaman. Gwapo. Sikat. Name it, he has it. Pero sa paningin ni Athena Miguele Hizon, he's nothing but a mere weirdo. She doesn't want anything to do with him. But, her curiosity said otherwise. She became his "personal assistant" a...