M

8.5K 299 53
                                    

Me? His what?!

-----

The eight of us sat in the condo unit's sala quietly. Walang gustong magsalita. Pinakikiramdaman ang magiging galaw ng bawat isa. Or should I say, galaw namin ni Demi.

Yung mga lalaki parang mga tanga. Papalit-palit lang sila ng tingin samin. Nakataas ang kilay nung Demi habang ako naman ay tuloy lang sa pagkain ng breakfast ko. Nang lumabas kasi si Demi mula sa kwarto ni Timothy ay nakasunod na agad ang lalaki paglabas nya. Para namang nakaramdam yung iba at isa isa ding naglabasan mula sa kani-kanilang silid. Si Winter lang ang wala dito dahil umuwi pala sa mansyon nila. Di yata sila bati ni Storm.

"Aren't you gonna tell me who she is?" Basag ni Demi sa katahimikan. Bahagya pang napapitlag si Hope sa upuan nya. Sobra yata syang nagulat.

"Sobrang importante mo ba sa mundong to na dapat kilala mo lahat ng tao?" Tanong ni Timothy na mukang antok na antok pa.

"Shut up!" Singhal ni Demi kay Timothy.

"She's Miguele. Asher's uhm..." Bahagyang napatigil si Timothy sa pagsasalita. Tumingin sya sa akin. Tinaasan ko sya ng kilay sabay subo ng pancake. I want to test How Timothy Samaniego would pacify his fiancé.

"Girlfriend." Nagulat ako sa biglang sinabi ni Asher. Magsasalita sana ko ng bigla nya akong subuan ng pancake. Medyo malaki yung naisubo nya sa akin kaya naman nahirapan akong magsalita. Sinamaan ko sya ng tingin at ngumiti lang si tanga. Mamaya ka sakin tamo.

"Girlfriend?" Sabi ni Timothy. Maging sya ay mukang nagulat. Eh putangina naman talaga kasi. Hindi ko alam na kasama na pala sa job description ko ang maging jowakels ni Asher. Ni hindi ko nga pinangarap. Excuse. Me.

"Girlfriend?" Taas kilay na tanong ni Demi.

"Puta paulit ulit! Girlfriend nga!" Inis na sigaw ni Caspian. Lagi ba talaga syang nakasigaw?

"Oo. Girlfriend. Bakit, may problema ka ba don?" Sabi ni Asher. He was looking straight at Demi. Halatang hindi sya intimidated sa babae.

"Wala naman. May narinig ka bang reklamo ko?" Sabi naman ni Demi. Paangasan silang dalawa. Parehas ayaw magpatalo. Mga pangasngas.

Ayako na sana silang pakinggan mag-usap dahil sa totoo lang, istorbo sila sa pagkain ko. Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko. Napapagitnaan kasi ako nina Kal at Asher sa sofa. Hinawakan naman ako ni Asher sa pulsuhan kaya muntik ko nang aksidenteng maisampal sa kanya yung platong hawak ko.

"Ano?!" Naiinis kong tanong. Gutom pa ako bakit ba. "Bitiw! Kakain pa ko!" Bumitiw naman si Asher at napalunok. Mukang natakot yata.

Pumunta na ako sa kusina at nagsimulang maghalo ulit ng pancake mix. Hindi ko alam kung bakit pero parang hindi ako nabubusog. Siguro dahil sa nerbyos. Nakakakaba naman kasi talaga si Demi. She's a Montellado. Very intimidating. Parang si Winter. Kahit mabait si Winter at may pagkaiyakin ay meron syang ere na nagsasabing Montellado sya. They don't even have to speak their names. Mararamdaman mo na lang yon kapag nasa paligid sila.

I was pouring the mixture in the pan when I felt someone enter the kitchen. Hindi ko nilingon kung sino. Pakialam ko ba. Basta ako kakain. Ilang saglit na katahimikan muna ang lumipas bago sya nagsalita.

"Hi?" Alanganing bati sakin ni Demi. Malayo sa inaasahan kong unang salitang sasabihin nya sakin. Lumingon ako sa kanya at bahagyang ngumiti.

"Hey."

Inilagay ko sa plato yung huling piraso ng pancake. Inilapag ko ito sa aisle counter.

"Pancake?" Alok ko kay Demi. She smiled and got herself a fork. Nilagyan ko naman ng nutella yung pancake na inilagay ko sa plato ko.

EZH #1: Asher Ruiz [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon