U

8.4K 282 49
                                    

Utang na loob, magtigil

-----

Ten minutes since the van entered Manila. Monday pa lang ngayon pero nagdecide na kami na umuwi na. Asher was sitting beside me, sleeping. May suot syang neck pillow at bahagyang nakasandal sa balikat ko. His arms were snaking around me. Nasa tyan ko yung mga kamay nya na magkasiklop.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa building kung nasaan ang condo nila. Dito din muna ako dumirecho since ayaw ko pa umuwi. Wala ako sa mood. Nauna nang ihatid si Ivana sa kanila kanina. Nagising na din si Asher. Ang kyuti nya kasi ang lobo ng muka nya. Mukang maga. He-he Miggy.

We went out of the van after magpark sa basement. Binitbit ko yung bag ko na gusto pang agawin sakin ni Asher. Di ako pumayag kasi halata namang antok pa sya. Yung bag na lang nya yung binitbt nya. Sumakay kami sa elevator. Bumaba muna si Kal sa first floor. Pupunta sya sa reception sa may lobby para ipaalam na nakauwi na sila. Kailangan yata for security purposes. Kami naman ay dumirecho na sa unit nila. Hindi pa muna kami nakapasok. Kinuha pala ni Kal yung susi ng unit nila sa baba. Their units has special locks. Yung isa, passcode. Yung isa kailangan ng susi at isa lang sa kanilang pito talaga yung pwedeng kumuha. Since umalis sila lahat for days, sinigurado ng management ng condo building na walang ibang nakapasok sa unit nila. Wow sa security.

Nakayakap pa din sa may bewang ko si Asher tapos nakasandal sya sa pader. Ibinaba na nya yung bag nya sa sahig. Yung ulo nya nakasandal sa balikat ko tapos nakapikit sya. Nakaakbay naman ako ng bahagya sa kanya. I was massaging the back of his neck. Antok na antok pa ang boyfriend ko.

"Hi guys!" A cheerful voice greeted us. Kasama ni Kal si Nia. Anong ginagawa nyan dito?

Its not that I hate Nia, I just don't feel her. Siguro dahil na din halata namang pinagnanasaan nya si Asher.

"My god Kal, akala ko susi lang kukunin mo. Pati pala basura nag-angkat ka din." Demi said with a snicker. Di naman halatang ayaw nya kay Nia. Hindi talaga.

"Its nice to see you too Dems."

"Why are you here ate Nia?" Winter asked her cousin. Storm was by Winter's side holding her hand. Dala ni Storm yung bag nila ni Winter.

Pumasok na kaming lahat sa unit matapos yon mabuksan ni Kal.

"Wala naman. Just checking your unit. Para ma-familiarize na din ako." Sa akin nakatingin si Nina. She has this annoying glint in her eyes.

"Oh, you don't need to. Hindi ka naman titira dito eh." Nakataas kilay nang sabi ni Demi. Magpinsan ba silang dalawa talaga?

"We can't be so sure." Ngumiti si Nia na para bang may alam sya na hindi namin alam. "Malay mo, magising na sa katotohanan agad yung isa dyan and before you know it, housemates na tayo."

"Ikaw ang dapat magising sa katotohanan." Mahinang sabi ni Caspian. Rinig pa din naman namin.

"Whatever." Nia said. Kanya kanya na sina Hope. Sa sala tumigil si Nia since wala naman syang lugar dito. Lol.

"San kwarto mo Asher?" She asked. "Can I see it?" Tinaasan lang sya ng kilay ni Asher. Umiling si Asher pagkatapos.

"Why are you asking him? No pets allowed sa rooms dito eh." Maaskad nasabi ni Demi. Nagkibit balikat lang si Nia pero nakangiti.

EZH #1: Asher Ruiz [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon