Z

7.4K 273 57
                                    

Z

-----

Atasha Ruiz

"Ma!"

Napalingon kami ni mama sa may sala sa loob. Nasa garden kami at nagpapahangin habang umiinom ng tea. Kakatapos lang namin maglate dinner.

"Nasan si mama?" Galit ang pagkakatanong ng kapatid ko sa kung sino. Sa katulong yata. Alam kong si Asher ang dumating dahil dalawa lang naman kaming magkapatid.

Ilang saglit pa ay nagdadabog na si Asher nagpunta dito sa garden, may dalang something na papel.

"Ma what's this? Merging? Ipapakasal mo pa din ako? Di ba sabi ko ayoko?!" Sigaw ni Asher.

"Wag mo kong sigawan, bata ka! Hayop na to. Eh ano bang problema, girlfriend mo naman si Nia, di ba?"

"Ano ko ma, baliw? Hindi ko girlfriend yun!"

"Sabi nya sakin eh!" Sabi ni mama.

"Naniwala ka naman? Ma! She's not my girlfriend! Si bansot ang girlfriend ko at sobrang mahal ko yun! Ngayon na lang ulit kami nagpansinan gawa ni Nia! She was running around, pinagkakalat na ikakasal kami. Tingin mo anong naramdaman ng girlfriend ko? Ma! Iyak yun ng iyak! Tigil mo to!"

Nanlaki yung mga mata ni mama.

"You have a girlfriend? Edi umamin ka din! Hayop kang bata ka kung hindi ka pa hahainan ng kontrata hindi ka aamin!" Tumayo si mama at pinalo sa pwet si Asher. "Umayos ka, hindi kita pinalaking ganyan!"

"Alam mo na ngayon, so please, i-atras mo to. Ilang linggo ako iniwasan ni bansot, ma! Pag nilayuan na naman ako non mamamatay na ko!"

"OA mo. Oo na. Akong bahala. Basta dalhin mo dito yang bansot na yan."

"Ngayon na ma!"

"Bakit ba atat ka?"

"Ma ang sakit kaya makita umiiyak yung bansot kong girlfriend! Tapos ako pa may gawa. Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo to inaayos."

"Edi mabuti, dito ka matulog. Miss na din kita eh." Sabi ni mama. Inilapag nung dumating na katulong yung mga pagkain na dinala nya para kay Asher. It was a slice of cake mama made and a cup of tea. "Kainin mo to. Alam kong nagdinner ka na, ikaw pa ba?"

"Miss din kita ma. Pero di ako pwedeng matulog dito. Inaantay ako ni bansot sa condo. Ma naman!" Ungot ni Asher. Nagpapadyak pa sya. Parang batang nagta-tantrum.

"Hala sya, ibinahay mo na?"

"Ay grabe ka."

EZH #1: Asher Ruiz [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon