Pp
-----
"Are you sure you're ready to go back?" Ate Farrah asked. "I'm going to miss you."
"Ayako pa rin sanang umuwi ate but I have to. Pasukan na namin ulit sa Monday. I still need to graduate you know." I told ate Farrah.
"Okay. Mag-ingat ka sa byahe." Ate and I smiled at each other one last time bago ako sumakay sa kotseng maghahatid sakin sa airport.
Matapos ang sandaling byahe ay nakarating din naman kami agad. Nilapitan ako nung mga tauhan ni mommy at inihatid ako hanggang sa makasakay ako ng eroplano. Sila na rin ang nagasikaso ng mga papeles ko. Ang ginawa ko na lang ay nag-check in at sumakay. Ilang sandali pagkatapos makasakay lahat ng pasahero ay naramdaman kong umangat na sa lupa ang sinasakyan ko.
I sighed as look at the clouds outside my window. Kapag ganitong mag-isa ako ay hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na isipin si Asher. Pati na rin ang nga nangyari. Its been a month already.
Pagkauwi ko galing sa isla ng mga Montellado ay agad kong tinawagan si ate Farrah. Sinabi kong pupunta ako sa hacienda ni mommy sa Davao. Kahit sobrang nagtaka sya ay pumayag naman sya agad. Si senator ang nag-ayos ng ticket ko at si mommy Soledad naman sa lahat ng kailangan ko. They didnt ask why I went home earlier than the others and why I was crying. Hindi rin sila nagtanong kung bakit gusto kong lumayo sa Manila. Hinayaan lang nila ako at tahimik akong sinuportahan. Which, I was most thankful of. The same day na nakabalik ako sa Manila ay sya ring araw ng alis ko papuntang Davao.
Pagdating ko sa hacienda ay ang nag-aalalang muka ni ate Farrah ang sumalubong sa akin. I cried in her arms the whole night. But like mommy and senator, she didn't ask why. She waited for me to tell her the reason myself.
The next days I spent there was both happy and sad. Masaya dahil bago sa akin lahat ng karanasang nakuha ko doon. Ang masarap na pakiramdam ng horseback riding ang pinakanagustuhan ko. I will miss the way how the wind touched my cheek everytime I will ride horses very fast. It was like, I can fly and chase the winds and touch the sky. Maraming masasarap at fresh na pagkain. Pwedeng basta na lang ako pumitas ng kahit anong prutas ang mapili ko at kainin iyon. The people were good, too. Ang mga trabahador ng hacienda ay parating nakaabang kapag may kailangan ako. Kahit alam nila na hindi naman talaga ako anak ni mommy Soledad na amo talaga nila ay itinuring pa rin nila akong senyorita. Iyon nga rin ang tawag sa akin ng mga tauhan doon kahit pa naasiwa ako. Hindi naman ako senyorita talaga para tawagin nila ng ganon. May mga bata rin akong laging nakakalaro doon. And those happy moments were where the sadness came from. I wished I haven't done all of those by myself. I wish my friends were all with me. Pero alam ko na no matter how I wished, hindi pwede. I pushed them away. I need to be away. Kaya nga ko tumakas at nagtago sa hacienda. I need a breather. Masyado akong nasaktan sa katotohanan. I need peace so that I can put back the pieces of the broken me back together.
Minsan nahiling ko na sana, hindi ko na lang nalaman. Kasi, bakit pa nga ba? Masaya na kami. Asher and I were both in love. Hindi ko na yon dapat pang malaman dahil sisirain lang non ang tiwalang meron ako sa kanya. But come to think of it. Kung hindi ko nalaman, habang buhay nang may sikretong lamat ang relasyon namin. Dahil may lihim sya sakin. We would never have the honest relationship we both wanted because of his secret and I don't think that's any better. Sa pagkakabunyag ng katotohanan, hindi ko na alam kung ano ba talaga ang mas gusto ko at alin ang hindi.
Wala akong balita sa kanila simula nang dumating ako sa Davao. I turned my phone off at iniwan ko iyon sa Manila. Hindi ko rin naman masyadong kinailangan ang phone kahit sa byahe dahil pagdating ko naman sa airport ng Davao ay naka-abang na agad ang sundo ko. The same will happen as I went back, assuming he will keep his promise.
BINABASA MO ANG
EZH #1: Asher Ruiz [COMPLETED]
Teen FictionHe is Asher Ruiz. Mayaman. Gwapo. Sikat. Name it, he has it. Pero sa paningin ni Athena Miguele Hizon, he's nothing but a mere weirdo. She doesn't want anything to do with him. But, her curiosity said otherwise. She became his "personal assistant" a...