Why not a 360° turn of events?
-----
Monday morning. Sinundo ako ni Asher ng maaga at sabay kaming nagbreakfast sa isang pancake house. I ordered pancakes and hot coffee. Waffles naman kay Asher at orange juice. After we ate ay dumirecho na kami sa school. Kasabay na namin si Demi papasok. Nagulat kaming lahat nang may transferee pala kaming classmate. Mas nagulat kami nang makita namin kung sino yon. Demi clenched her teeth and closed her hands into fists. Muka syang galit na galit. Inusod ng konti ni Jareth palayo yung upuan nya kasi katabi nya si Demi. Parang ulaga.
"Good morning guys! I'm Nia Montellado. Nice to meet you!"
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Classmate namin si Nia. The fuck?! Ibig sabihin makikita ko na sya araw araw?
"Take your seat Miss Nia. Kahit saan vacant na lang dyan."
"I want to sit beside Asher, ma'am." Nakangiting sabi ni Nia.
"I'm sorry but I don't think Mr. Ruiz would want that. Humanap ka na lang ng ibang mauupuan." Ms.Hernandez said. She's one of my most liked professors. Hindi kasi sya nasisindak sa pera at pangalan ng mga studyante. Maybe she knows me and Asher were dating kaya ganyan ang nasabi nya. She's super cool.
Sumimangot lang si Nia at naghanap na ng upuan. Nagtaas naman ng kamay si Bonnie.
"You can sit here!" She said. Ngumiti si Nia at naupo sa tabi ni Bonnie.
Pagkatapos ng klase ay hinatak kami ni Demi papunta sa pinakamalapit na c.r. She locked the door and furiously dialed on her phone.
"Dad! What the fuck was my garbage of a cousin doing here! In my school?!" Demi shouted thru her phone. Kausap nya yung daddy nya. Nakinig sya sandali sa sinasabi ng kausap nya.
"Daddy di ba napag-usapan na natin to? Pumayag na kong makasal kay T basta ililipat ako ng school! Alam mo naman kung bakit di ba? Why do you keep hurting me like this?!" Galit na galit na sigaw ni Demi. Naluluha na nga sya. "No! Ako yung anak mo, dad! Pero mas mahal mo si Nia! Magsamasama kayo!" Binabaan ni Demi ang kausap nya. Tahimik lang akong nakikinig. Hinimas naman ni Ivana yung likod nya.
"Demi, sshh."
"I can't believe this! That manipulative bitch! Gagawin kong impyerno ang buhay nya!" Demi said as she marched out of the comfort room. Paglabas namin ay mahabang pila ng mga babaeng mag-ccr ang bumungad samin. Asher and Jareth were also outside. Kaya siguro hindi sila nagalit na matagal kami sa loob.
Demi got super mad upon seeing Nia in our classroom. She almost raised hell. Hindi ko alam kung anong history nilang magpinsan at galit na galit si Demi kay Nia.
Nia was a new transferee. Nagulat nga din kaming lahat nung pagpasok namin sa classroom ay nasa loob na sya.
"Tara na sa next class natin." Sabi ni Demi. Hindi na kami sumagot at sumunod na lang sa kanya. Nakahawak naman agad sa kamay ko si Asher.
Pagdating namin sa room, tumayo agad si Nia sa upuan nya. Classmates din pala kami dito. Kinginaenae.
"Asher! San upuan mo? Tabi tayo ah?" She said with a smile. Hindi sya pinansin ni Asher. Direcho lang kaming lima sa dulo at naupo. Kagaya ng major subject ko, classmates kaming lima dito. Me, Asher, Demi, Ivana and Jareth.
BINABASA MO ANG
EZH #1: Asher Ruiz [COMPLETED]
Teen FictionHe is Asher Ruiz. Mayaman. Gwapo. Sikat. Name it, he has it. Pero sa paningin ni Athena Miguele Hizon, he's nothing but a mere weirdo. She doesn't want anything to do with him. But, her curiosity said otherwise. She became his "personal assistant" a...