F

9.4K 316 44
                                    

F like Fuck what's wrong?

-----

It's been a week matapos ang encounter namin nina Asher. Isang Linggo ko nang pinagi-isipan ang mga sinabi sakin ni ate Atasha. Isang Linggo na din nila akong pinepeste kapag may oras sila. Not that I mind though, medyo nasasanay na din ako.

"Hoy Miguele! Gumising ka na nga! Akala mo kung sino kang prinsesa dito sa pamamahay na to ha!"

I sighed. Umpisa na naman ng araw. It's only 6 in the morning, according to my clock pero ginigising na ko ni Gail. Pangalawang anak sya ni tita Ynes at ang witch number 3 ng buhay ko.

Friday na ngayon at mamaya pang 11:30 ang unang klase ko kaya walang kaso kung tanghaliin man ako ng gising. But senator also drops by every Friday. Hanggang ngayon hindi pa din sya sumusuko. He still want to have a meal with me. He said he wants to make it up to me. Bagay na nahihirapan akong paniwalaan.

Kung gusto talaga nyang bumawi sakin, dapat matagal na nyang ginawa. Dapat noong buhay pa si nanay sinimulan na nya.

Dahil palagi namang ganito ang eksena tuwing Friday, handa ako. Bago pa ako gisingin ni Gail kanina ay nakaligo at bihis na ko. Ready na kong umalis.

Lumabas na ko ng kwarto at bumaba ng hagdan. Nakasalubong ko si Bonnie sa second floor.

"Ready ka na umalis? Tama yan. Buti naman at alam mong wala kang lugar sa pamamahay na to."

Hindi ko sya pinansin. Nang makarating ako sa may front door ay dire-direcho akong lumabas. Wala pa si senador. Hindi sya dumadating ng ganito kaaga. Tuwing 7 sya dumadating.

I went straight to a convenience store two blocks away from our subdivision. I always grab my breakfast here.

Mas gusto kong dito kumain kesa naman sa mansion. Bukod sa malayo ito sa mga bruha, kaibigan ko ang cashier na naka duty dito every Friday morning.

"Good Morning Miggy!" Bati sakin ni Ted. He's the cashier.

Tinanguan ko na lamang sya.

Dumirecho ako sa rack ng mga ramen at kumuha ng isa. Binuksan ko iyon at nilagay ang seasoning pagkatapos ay nilagyan ko ng mainit na tubig. Tahimik naman akong pumwesto sa upuan sa may salamin ng shop na nakaharap sa kalsada.

Pagkalipas ng tatlong minuto ay sinimulan ko na kumain. Habang kumakain ay hindi ko naiwasang mapatingin sa lalaking kakapasok lang.

Nakasuot sya ng puting cap at pulang hoodie. Nakamask din sya. But despite of all things that hid his face, I somewhat recognized him. Si Asher.

He also went to the cups of ramen and got two. Pinrepare nya din ang mga iyon. I went back to eating.

"Aray!"

Narinig ko syang umaray kasabay ng tunog ng natapong cup ng noodles. Lumingon ako sa direksyon nya at nakita kong hinihipan na nya ang kamay nya at natapon naman na sa sahig ang cup ng noodles na nilalagyan nya ng mainit na tubig.

I sighed.

Nilapag ko ang aking chopsticks at nilapitan si Asher. He was looking at the cup of wasted ramen on the floor, looking like he's ready to cry.

"Hey."

"Athena!"

Asher hugged me in an instant. Nardaman kong namasa na ang parteng balikat ng t-shirt ko kung saan nya siniksik ang ulo nya. I was right. He was crying.

EZH #1: Asher Ruiz [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon